"Mag-iingat ka do'n okay?Kumain ka rin ng tama at wag pababayaan ang sarili. Dapat din sapat ang tulog mo do'n at wag papagurin ang sarili. Tawagan mo ako lagi pati na ang videocall at text. You should update me always and avoid looking at other girls there. Iwasan mo din ang tumingin sa mga lalaki dahil hindi porke't nawawala na ang kabaklaan mo ay hindi ka na din maaattract sa mga boys doon. Dapat AKO lang ang iisipin mo habang nandoon ka."mahabang bilin ni Maika sa nobyo na natatawang tumango naman habang nakapalibot ang kamay sa baywang niya.
Nasa airport na sila ngayon para ihatid ang nobyo sa pag-alis nito. Hindi siya pinayagan nito no'ng una na ihatid ito dahil baka umiyak lang daw siya. Imbes na lambingin siya ay inaasar lang siya nito. Gagamitin ng nobyo ang sariling private plane papunta doon kaya wala silang magiging problema. Makakaiwas na din sila sa ibang tao since maaga naman ang alis ng nobyo.
Gustong umiyak ni Maika pero pilit niyang pinipigilan dahil kahit ano namang iyak niya ay aalis pa rin ang nobyo. Kung iiyak man siya ay dapat sa pag-alis na nito.
"Alam na ba ng parents mo na aalis ka papuntang US?"tanong niya dito.
Nakangiting tumango naman ito sa kanya"Yeah,I called them last night. There's a lot of 'BILIN' coming from them too."sagot nito.
"And you should follow them and don't forget mine."istrikto pang sabi niya.
Pigil nitong ngumiti at tumango sa kanya kaya di niya maiwasang mapasimangot. Para kasing hindi sineseryoso ang sinasabi niya eh.
Hindi niya mapigilang pagtaasan ito ng kilay dahil unting-unti nlang mapipikon na talaga siya. Mukhang napansin naman ng nobyo ang pagtataray niya kaya mabilis siya nitong hinalikan sa labi,
"I will not forget all your BILIN Love."mahinang sabi nito kaya tumango na din siya.Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin o ihahabilin dito kaya nanahimik nalang siya at mas tumitig pa sa nobyo,pilit kinakabisado ang gwapo nitong mukha. Mamimiss niya talaga ito eh. Napabuntong-hininga siya at di napigilang ngumuso sa harap ng nobyo"I will miss you Love."parang batang usal niya dito. Mas hinapit naman siya papalapit sa sarili nito at sandaling tumitig sa kanya bago inilapit ang mukha at hinalikan siya. Hindi niya maiwasang mapapikit sa lambing at suyo ng paghalik nito. Dahan-dahan siyang tumugon at napahawak sa magkabilang balikat ng nobyo. Sobrang masuyo lang ang galaw ng labi nila na parang pinaparamdam kung gaano nila mamimiss ang isa't isa. Ilang segundo pa bago sila tumigil at habol ang hininga ng isa't isa. Pinagdikit ng nobyo ang nuo nila at pinagkiskis ang matangos nilang ilong.
"I'll miss you too."puno ng lambing na usal nito at pinatakan ng halik ang labi niya. Magsasalita na sana siya ng nauna ito"And I will not look with other person there. I promise."pangako nito kaya nakampante na siya.
Yumakap siya sa nobyo at nanatili lang na tahimik sa ganoong posisyon. Ramdam niya ang masuyong paghaplos ng nobyo sa likod niya kaya napangiti siya. Hindi niya pa rin akalain na madali lang na nahulog ang nobyo sa kanya. Ang imposible lang kasi lalo na't ang bakla nito kumilos noong una.
"Don't go near with your chef while I'm away Love."biglang sabi ng nobyo gamit ang baritono nitong boses,puno pa ng pang-aangkin ang tono. Natatawang tumango lang siya dito at mas sumiksik pa sa yakap ng nobyo. Mula nang magpunta ang nobyo sa restaurant niya kahapon ay ito na talaga ang laging pinaalala sa kanya ng nobyo. Dapat niyang iwasan ang paglapit sa kaibigang si Trae kahit alam naman niyang mahirap dahil main cook niya ang lalaki at medyo may pagkaclose din sila. Baka di niya maiwasan pero sisiguraduhin naman niyang wala siyang gagawin na ikakaselos ng nobyo habang wala ito. Mahirap na at baka magalit ito sa kanya. Hindi pa naman niya malalambing ito dahil malalayo ito sa kanya."Excuse me Sir,the pilot is already inside the plane and she's telling that you need to go now Sir."magalang na singit ng isa sa mga tao ng nobyo sa kanila. Siya na ang bumitaw sa yakap at nakakunot ang nuo na tumingin sa lalaki bago bumaling sa nobyo"What does he mean? She? As in your pilot is a woman?"takang tanong niya sa nobyo,may bahid ng gulat ang mukha. Well,wala naman sa kasarian ang trabaho ng lahat ngayon.
BINABASA MO ANG
Owning The Hot Male-Model(Under Editing)
RomanceJAYLEIN TAYSHAUN DE RIA GERRYLYN MAIKANELLE LAGRIA