CHAPTER 34

45 2 0
                                    

"You are really a rich man Lein. Imagine you own this whole 20th floor is an another level."humahangang usal ni Kately sa kanya.

Hindi niya ito pinansin at itinuon lang ang atensyon sa breakfast. Hindi siya nakatulog ng maayos kakaisip sa dating nobya at ang pag-iyak nito sa harapan niya kagabi.

"Tell me,do you have other properties?"kuryos na tanong ng babae.

"Yeah. Mansions,hotels,rest houses,cars,lots and my parents' farm."sagot niya,walang halong yabang. Nagsasabi lang siya ng totoo.

Hindi niya alam kung bakit naisipan nitong dito kumain sa penthouse niya. Ang aga pa naman at kulang din siya sa tulog.

"Why are you eating here by the way?"inabot niya ang isang tocino at kinain iyon.

"I don't know how to cook."nakangusong rason nito.

"You can order food online Kately."

"Psh. I don't want to."iling nito at kinain ang buong sunny side-up na isang itlog.

Lihim siyang natawa sa katakawan nito. Hindi marunong magluto pero ang lakas kung kumain.

"Hmm. You already asked me to stay in one of my vacant rooms here in my own floor and then you're taking now my breakfast. How touching Kate."pang-aasar niya dito.

Kasalukuyang nagsstay ang babaeng modelo sa isa sa mga bakanteng kwarto ng floor niya. Rason nito ay nakakapagod daw magcheck-in sa mga hotels o humanap ng matutuluyan kaya sa kanya nlang.

"I will pay for all of this. You're bad Lein."nakasimangot na ungot nito sa kanya.

Natawa siya sa inasta ng babae at ipagpapatuloy na sana ang pang-aasar niya dito ng may magdoorbell.

"I just look for it for a minute. Just continue your breakfast."paalam niya sa babae bago naglakad palabas ng kusina.

Nang makalapit sa pinto ay agad niya itong binuksan. Bumungad sa kanya ang dating nobya. Nakangiti ito sa kanya habang may dala-dala na namang paperbag.

"I cooked foods for you. You can eat it as your breakfast."nakangiting inabot nito sa kanya ang paperbag.

Ayaw niyang maging masama kaya tinanggap nlang niya ang inabot nito. Ramdam niya ang init ng paperbag ng hawakan niya ito kaya paniguradong bagong luto ito ni Maika para sa kanya.

"Thank you. But you don't have to do this Maika."nagpapaintinding sabi niya dito.

Kita niya ang lungkot sa mata nito pati na rin ang pangingilid ng luha nito pero pilit lang nitong hindi pinapakita sa kanya sa pamamagitan ng ngiti"It's okay. I want to do this."mariin nitong sabi.

Malalim siyang bumuntong-hininga at magsasalita na sana ng hawakan ni Maika ang kamay niya. Masuyo nitong hinaplos ang kamay niya at nginitian siya"I want you back so I will court you until you take me back Jaylein."puno ng emosyon na sabi nito sa kanya dahilan para wala siyang maisagot.

"I'll get going. Hope you'll enjoy that."nakangiting paalam nito sa kanya.

Nakatingin lang si Jaylein sa dating nobya na tahimik na naglalakad sa hallway. Kita pa niya ang palihim na pagpupunas nito ng luha na nagpakuyom sa kamao niya. Gusto niyang pigilan ito pero di niya kayang gawin.

Binuksan niya ang paperbag at nahugot niya ang hininga ng maamoy ang masarap na amoy ng adobo. Nasa ganoon siyang sitwasyon ng dumungaw mula sa likuran niya si Kately"What's that deliciuos aroma I smell?"tanong nito.

Inilayo ni Jaylein ang paperbag dito at itinulak papasok ang babae bago isinara ang pinto.

Dinala niya ang paperbag sa kusina at kumuha ng bowl para paglagyan sa ulam. Natakam siya bigla ng makita ang nakakatakam na itsura ng adobong manok pati na ang nakakapanglaway na masarap na amoy nito.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon