CHAPTER 28

36 3 0
                                    

"Sir naman!Ba't hindi mo sinabi sakin na kasama mo si  Richard diyan?"tanong ng P.A ni Jaylein sa kanya.

Tumawag ito matapos ang show at nasa executive suite na siya para magpahinga. Ramdam niya ang pagod niya dahil sa event na naganap kanina.

"Hindi naman kailangan na alam mo."bored na sagot niya dito.

"Anong hindi huh? Baka nakakalimutan mo,pinsan ko ang girlfriend mo at kapag nasaktan siya dahil dito ay LAGOT ka talaga sa'kin."mariing banta nito sa kanya.

Umalis siya sa pagkakasandal sa headboard ng kama nang maalala ang nobya niya. Hindi ito tumawag sa kanya ngayon.

"D-Does she knew?"napapalunok na tanong niya,takot sa magiging reaksyon ng nobya sa show.

"Oo at lintik ka talaga dahil puro na tanong si Maika sa akin dito. Bakit hindi mo kasi sinabi sa kanya yan eh?!"asik nito mula sa kabilang linya.

Napasabunot siya sa buhok at problemadong napasandal ulit sa kama. Akala niya hindi manonood ang nobya pero nagkamali yata siya.

"Natatakot ako eh. Tsaka biglaan din naman yung pagsali ni Richard sa fashion show. Nasugatan ang isa sa mga model kaya siya ang pinalit. Maniwala ka man sa hindi. Wala akong ginawa na labag sa loob ni Maika. Sasabihin ko naman sana eh pero pinangunahan ako ng takot."mahinahon na kwento niya.

"Hayzz, ewan ko sa inyo. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Maika. Ewan ko nlang kung papansinin ka no'n. Mainit pa naman ang ulo no'n ngayon lalo na't may problema din yun."sabi nito sa kanya.

Magtatanong na sana siya kung ano ang problema pero binabaan na siya nito ng tawag bigla. Sinubukan niya nlang tawagan ang nobya pero di nito sinasagot. Gusto sana niyang marinig ang boses at makita ang maganda nitong mukha pero hindi naman nito sinasagot. Napailing na nilapag niya ang phone sa sidetable
at natulog na dahil maaga pa ang flight niya pauwi sa Pilipinas bukas.
Kailangan niya ding ihanda ang sarili sa pagsagot sa mga tanong ng nobya para iwas MATINDING TAMPO.

"Welcome home Sir Jaylein!"malakas na sigaw ng P.A niya mula sa kalayuan.

Kakarating lang niya sa Pilipinas. Medyo nakaramdam siya ng pagod pero kaya lang din naman. Hinayaan niyang dalhin ng guards ang mga gamit at maleta niya bago siya nagpatuloy sa paglalakad palapit sa P.A. Umamba ang P.A na yayakap sa kanya pero inirapan niya lang ito at sumakay na sa nakaparadang kotse. Tumabi sa kanya ang P.A sa backseat at nagsimula ng mag-ingay.

"Didiretso ka ba kay Maika Sir?"tanong nito.

Napahinga siya ng malalim ng maalala ang pag-ignora ng nobya sa mga messages at calls niya mula pa kaninang paggising niya. Sumandal siya sa upuan at pumikit para magpahinga. Inilingan niya lang ang P.A sa naging tanong nito.

"Sabihan niyo po ko kung pupunta ka po sa kanya para masamahan kita Sir ah. Medyo wala din kasi sa mood yun ngayon."sabi nito sa kanya.

"Why?"nakapikit na tanong niya.

"B-Basta."utal na sagot ng P.A niya.

Kumunot ang nuo niya at gustong tanungin ito pero medyo pagod talaga siya.

Ilang oras ang byahe bago sila makarating sa tower. Agad na bumaba si Jaylein at tahimik na nagpasalamat dahil walang masyadong tao sa lugar. Sa tuwing dadating kasi siya ay alam na ng lahat at inaabangan pa siya. Blangko ang mukha niya na naglalakad papasok at pilit na iniignora ang mga flash ng camera. Medyo naiirita pa siya dahil sa silaw nito. Kung wala ang mga bodyguards niya ay baka nilapitan na siya ng mga ito. Nang nasa harapan na siya ng elevator ay hinayaan niya ang tauhan na ang pumindot nito pabukas.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon