CHAPTER 13

54 3 0
                                    

"Kumusta naman ang bakasyon mo diyan aber?"tanong ng kanyang P.A mula sa kabilang linya

Katawagan niya ito ngayon habang may pinapanood siyang K-drama sa laptop.

"Okay lang naman.Wala na bang tumatawag na reporters sayo diyan?"tanong niya pabalik.

"Wala na dahil pina-intindi ko naman sa kanila gamit ang page mo that you're taking 2months break from the industry."pabuntong-hiningang sagot nito.

"That's good to hear then."komento niya.

"Good talaga dahil wala ng bubulabog sa araw ko kasama ang boyfriend ko nohh."mataray na sabi nito sa kanya.

"Kala mo naman kung sinong gwapo yang boyfriend mo noh.Ni maski anino niya'n di ko pa nakita."pabalang na sabi niya dito

"Hoy!Mas gwapo at hot pa sayo ang boyfriend ko noh.Kaya nga ako blooming palagi dahil palagi niya akong pinapaligaya."pagmamayabang pa nito.

Napangiwi nlang siya sa paggamit ng bulgar nitong salita.Sa tuwing nagsasalita si Francesca ng ganyan ay parang pinapaalala nito na siya ang naka-impluwensya sa pananalita ng P.A.

Ganyan na ganyan siya magsalita noon.Masyadong bulgar ngunit ng makasama na niya ang nobya ay unti-unti ng nagbabago ang pananalita niya.

"Btw,kumusta naman ang pinsan ko diyan? Wag mo yang paiiyakin Sir dahil lagot ka talaga kay Tito Gerry pag nagkataon."mariing sabi nito sa kanya mula sa kabilang linya.

Matagal ng alam ng P.A niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Maika lalo na't ito ang nagbigay ng personal number niya.Nagalit siya no'ng una pero binalewala nlang niya dahil wala naman na siyang magagawa.

Napatingin siya sa nobya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Yakap nito ang beywang niya at nakasiksik sa kanya.Hindi niya napigilang haplusin ang makinis at maganda nitong mukha.Bahagya pa siyang napangiti ng kumunot ang noo nito,malamang naramdaman ang haplos niya.

"She's okay with me now."sagot niya dito at itinuon na ang atensyon sa pinapanood.

"Mabuti naman but can I talk to her please?I miss my couz na."pakiusap nito.

"Unfortunately,she can't because she's still sleeping now."tanggi niya dito.

"Ano?!Mag-aalas dose na ah.Ba't tulog pa yan si couz?"di- makapaniwalang tanong nito.

"Kumain lang siya ng breakfast kanina then natulog din ulit."

"Eh,sa pagkaka-alam ko morning person yan.Baka may lagnat yan Sir.",may pag-alala sa boses nito.

"She don't have a fever.She just fond of sleeping now and maybe tired because of last night."natatawang sabi niya dito.

They made love multiple times last night.So,he already expected that Maika will be very tired and exhausted right now.

"Baka naman baby ang ipasalubong niyo sa akin sa susunod na araw imbes na calamay ang hinihingi ko."pagbibiro nito.

"Kumusta ang pinapagawa ko sayo diyan?"pambabalewala niya sa biro nito.

"Done na po Sir.I already inform the tower and the airport that you will be back here.I also asked them to secure the safety of you and Maika.There's nothing to worry about."seryosong sagot nito sa kanya.

Nagpasalamat siya at nakahanda na ang pag-uwi nila ni Maika sa susunod na araw.Ayaw niyang pagkaguluhan sila ng mga tao.Gusto niyang matiwasay silang makakauwi.Hindi naman nila pinaalam ang pagbabalik niya sa Manila kaya baka wala ding aaligid sa kanila pero gusto lang din niyang makasigurado kaya inutusan niya ang P.A na siguraduhin ang security ng airport at tower.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon