"Reminder, as an attendant, it is you're job to give a good and right service to our guests&customers. You need to give them information about the dishes in the menu to avoid any problem like what happened yesterday. You also don't have to work quick in serving, in order to avoid any mistakes, focus is needed into it. Hindi niyo kailangang magmadali. Mas mabuting mabagal at maayos ang pagseserve sa customers. And if you don't know the answer of the questions asked by the customers, just ask the chef and manager or even me. Understand?"istriktong paalala ni Maika sa lahat ng crew.
"Yes Ma'am!"sagot ng lahat.
Tumayo na siya at inutusan ang lahat na magsimula na sa trabaho. Kasama ang limang crew at ang chef ay dumiretso na sila sa kitchen area. Ang iba ay hinahanda ang mga gagamiting utensils habang inutusan naman ng chef niya ang natira na kunin ang kakailanganing ingredients sa stock/pantry room.
Tulungan sila sa paghihiwa at pagluluto at sinigurong sakto ang oras bago dumating ang mga customers. Inuna nilang lutuin ang mga best-seller dishes bago ang mga side menu. Tutok na tutok ang atensyon niya sa ginagawa dahil ayaw niya nang maulit ang nangyari kahapon. Ayaw na niyang magkaroon ng problema sa mga customers.
Grabe ang impact nang sinabi ng ex niya kahapon. Aminin man o hindi ay nagalit siya sa mga sinabi nito. Ngayon niya gustong patunayan hindi lang sa lalaki na worth it ang pagsalba nito sa restaurant niya. Na hindi ito dapat magsisi dahil sa masarap na luto ng restaurant niya ay sapat na yun para magpatuloy ang magandang kita ng restaurant niya.
Hindi deserve ng GML's Restaurant ang makatanggap ng insulto galing sa isang partikular na tao. Sikat ang restaurant niya sa pagbibigay ng magandang serbisyo at pagluluto ng masasarap na putahe. Saang sulok man ng Makati ay ang restaurant niya ang pinakasikat at dinadayo ng lahat kaya hindi ito pwedeng insultuhin man lang dahil lang sa konting kamalian. Kaya niyang ayusin ang anumang kamalian sa restaurant niya.
Nawala ang kalayaan ng kapatid niya sa pagsalba ulit dito kaya dapat lang na ingatan ni Maika ang restaurant niya.
"I will just go to my office. Call me if you need help here."baling niya kay Trae na kasalukuyang nagpapahinga,nakasandal ito sa counter at kumakain ng ice cream.
Natawa siya ng taasan lang siya nito ng kilay at itinuon ang atensyon sa pagsalo sa natutunaw na ice cream.
Nagpaalam pa siya sa ibang crew bago lumabas ng kitchen at dumiretso sa opisina niya.Wala naman na siyang gagawin kaya kinuha nlang niya ang phone at naglaro dito. Gusto niyang kumain kaya lumabas siya ulit at tinahak ang daan papunta sa pantry. Ang daming pagpipilian niyang mga pagkain kaya hindi niya alam kung ano ang pipiliin.
Ang pantry room niya dito sa restaurant ay puno ng mga snacks para sa mga crew niya. Naisip niyang lagyan ang establisyamento ng ganito dahil kung sakaling magutom man ang mga crew niya ay may mapupuntahan sila para kumuha ng makakain. Pwede din naman na kumain ang mga ito sa mga niluluto nila pero kung ayaw naman ng mga ito ay pwedeng sa pantry nlang pumili.
May mga sweets, junkfoods, softdrinks at iba pang mga drinks na pwedeng pagpilian ng lahat. May malaki ding freezer sa gilid kung saan nakalagay ang mga ice cream at iba pang cold sweet foods.
Katabi ng pantry room ay ang stock room kung saan nakalagay ang mga ingredients para sa mga dishes na lulutuin nila. Pwede namang ihalo nlang pero gusto niyang organized ang lugar para hindi mahirapan sa paghahanap ang mga crew kung sakaling may ipapakuha siya o may ipakuha man si Trae sa mga crew.
Sa bawat dating ng mga delivery o stocks ay ang chef na ang naglalagay ng mga ito sa stock room. Bale taga-pirma at tagabayad lang ang trabaho ni Maika dito.
BINABASA MO ANG
Owning The Hot Male-Model(Under Editing)
RomanceJAYLEIN TAYSHAUN DE RIA GERRYLYN MAIKANELLE LAGRIA