CHAPTER 32

38 2 0
                                    

"Excusez-moi monsieur, la marque internationale Prada veut vous donner ceci."(Excuse me Sir, the Prada International Brand want to give you this.) ,abot ng lalaki na isa sa mga staff niya dito sa France.

Kasalukuyan siyang umiinom ng cappuccino coffee habang tahimik na tinitingnan ang magandang view mula sa veranda ng mansiyon niya sa France.

Inilapag niya ang tasa ng kape sa black centre table at maingat na inabot ang magandang card na hawak nito.

"Qu'est-ce que c'est?"(What is this?),baritonong tanong niya at kunot-nuong binuksan ang laman ng sobreng makrema.

"La marque organisera un défilé de mode demain, dans la soirée Monsieur. Certaines des célébrités et des modèles célèbres seront là. Et le propriétaire de la marque veut vous voir et vous parler Monsieur."(The brand will be having a fashion show tomorrow,in the evening Sir. Some of the famous celebrities and models will be there. And the owner of the brand wants to see you Sir.)nakayukong sagot nito.

Binasa niya ang sulat ng invitation card at napatango nlang dahil sa walang maisagot. Hindi niya pa alam kung ano ang gagawin niya bukas o kung may schedule man siya sa gabi kaya hindi muna niya mabibigay ang kompirmasyon ng pagpunta niya.

"Je vais d'abord vérifier mon emploi du temps. Je ne peux pas leur donner de confirmation car je pourrais rendre visite à l'un de mes partenaires commerciaux pour parler de mes actions dans leur entreprise demain."(I will check my schedule first. I can't give them confirmation because I may visit one of my business partners to talk about my shares in their company tomorrow.)kaswal na sabi niya sa staff at inilapag ang invitation card sa centre table.

"D'accord Monsieur."(Okay Sir.)

"Veuillez préparer la voiture car je visiterai le musée du Louvre et le musée d'Orsay plus tard. Tu devrais y aller maintenant. Merci."(Please prepare the car because I will visit the Louvre Museum and Musée d' Orsay later. You may go now. Thank you.) utos ni Jaylein dito na agad namang sumunod sa kanya at magalang pang nagpaalam. Kinuha niya ang tasa ng kape at ipinagpatuloy ang pag-inom no'n.

Magdadalawang linggo na siyang nanatili sa France at masasabi niyang okay lang din ang pagpunta niya dito. Walang naging problema sa mansiyon at sa iba pang naiwan na properties senyales na maayos itong inilagaan ng mga caretaker at iba pang tauhan na pinagkatiwalaan niya.

Plano niyang pumunta sa mga malalaking kompanya dito sa France para kamustahin ang shares niya sa mga ito pati na din ang mga charities. Baka sa susunod ay pwede na niya iyong puntahan. Sa ngayon kasi ay gusto muna niyang libutin ang mga sikat na pasyalan ng naturang bansa.

Gusto niyang makita ulit ang mga naggagandahang museum ng Paris,France. Dalawa sa mga ito ay ang Louvre Museum at ang Musée d' Orsay na sobrang sikat sa bansa. Nakakagaan ng loob ang makita ang mga nakakahangang obra ng mga manlilikha sa France. Ang bait din ng mga tao kaya niya nagustuhan dito.

Sa ganitong paraan ng pagbabakasyon ay siguradong makakalimot siya sa mga bagay,walang kwenta man o may halaga para sa kanya.

Dala ang tasa ng kape ay pumasok siya sa mansyon at tinahak ang mahabang hallway papunta sa kusina. Ang bawat maid na nakakasalubong niya ay sinasalubong siya ng ngiti at mga magalang na pagbati na kaswal lang din niyang tinatanguan.

Iginiya siya ng isa sa mga maid papunta sa dining area kung saan sangkatutak na pagkain ang nakahanda sa mahabang mesa. Grabe kung magsilbi ang mga maid sa kanya na para bang isa siyang prinsipe. Hindi niya kayang ubusin ang lahat ng pagkain at hindi din siya sanay na binabantayan ang bawat lunok niya sa mga pagkain kaya naman hindi na siya nakatiis at inaya din ang mga ito na sabayan siya.

Owning The  Hot Male-Model(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon