"Thank you Sir."
"Salamat sa bonus."
"Advance Merry Christmas Sir."
"Salamat din sa masasarap na foods pati na rin sa regalo."Sunod-sunod na pasasalamat ng mga staffs sa kanya habang hawak-hawak ng mga ito ang red envelope kung saan nakalagay ang mga bonus ng mga ito. Nakangiting tumango naman siya sa mga ito bago pumunta sa stage para magbigay ng pasasalamat sa lahat"I want to say thank you to all of you for working hard and showing professionalism. I'm expecting that what you'd shown now will be what you'll show in the next year. Advance Merry Christmas to all."nakangiti niyang sabi sabay taas ng baso ng red wine na hawak niya. Sabay-sabay nila itong ininom. Di maiwasang mapangiti ni Jaylein habang tinitingnan ang lahat ng empleyado niya. Halos lahat ay dumalo maliban nlang sa mga empleyado niyang nasa malayo naka-assign kasama nadoon ang mga binilinan niya sa mga private hotels at mansions niya. Wala din ang P.A niya dito dahil medyo may hangover pa daw ito ng tawagan niya kanina. Nakahanda naman na lahat ang mga cash na ibibigay sa mga ito maliban nlang sa P.A na pinag-iisipan pa niya kung magkano ang bonus nito lalo na't puro ito reklamo sa kanya sa mga nakaraang araw. Ang ibang mga empleyado ay plano niyang ipadala nlang ang mga bonus nito dahil wala naman siyang oras para personal pa itong ipamigay.
"I can't be with you now because I will be having a date with my girlfriend. So,I just hope that you will enjoy this simple celebration even without me."natatawang sabi niya sa kanila gamit ang microphone.
Nangiti pa siya ng umugong ang tuksuhan sa kabahayan kaya mas lalong nagsaya ang lahat. Agad na siyang bumaba sa stage at nakipagkamayan sa ibang empleyado bago tinahak ang daan palabas ng mansyon. Tiningnan niya ang relo at napatango ng makitang alas singko pa ng hapon. Hindi pa siya late para sa date niya kasama si Maika mamaya. May oras pa siyang umuwi sa penthouse para magbihis. Mayroon naman siyang mga damit sa mansyon pero ayaw niya ng umakyat pa doon sa itaas para maghanda. Mas pipiliin nalang niyang umuwi sa penthouse at doon na magbihis. Alas siyete pa naman ang simula ng concert kaya kailangan niya ding magmadali sa pagbihis dahil susunduin pa niya ang girlfriend.Nang makarating sa tower ay agad na siyang bumaba sa kotse at mabilis na tinahak ang daan papasok sa tower. Ang daming bumabati sa kanya pero hindi niya na ito tiningnan at mas itinuon ang atensyon sa nilalakaran. Pinindot niya ang 20th floor ng makapasok sa elevator at tahimik na sumandal sa sulok. Kampante naman siyang mabilis lang siyang makakarating lalo na't walang magtatangka pang pumasok sa elevator na sinasakyan niya dahil pagmamay-ari niya ito. May personal siyang elevator sa tower dahil na rin sa siya ang pinakaimportanteng tao na naninirahan sa buong 20th floor ng tower. Bayad din naman niya ang lahat ng special na serbisyo ng tower kaya walang dapat na magreklamo.
Bumukas ang elevator kaya agad siyang lumabas at parang modelo pa rin kung maglakad sa hallway. Agad siyang binati at bahagyang yumuko sa kanya ang dalawang PSG na nagbabantay sa labas ng penthouse niya.Kung iisipin ng iba ay medyo may kaartehan na ang pagpapabantay niya sa penthouse niya dahil wala namang kailangang bantayan pa dito. Pero hindi lang din naman ang penthouse niya ang tinitingnan at binabantayan ng mga ito kundi pati na rin ang mga vacant rooms sa floor niya. Regular na nililinis ang buong floor niya ng mga empleyado ng mismong lugar at paminsan-minsan ding pumupunta ang mga staffs niya para magpahinga sa mga vacants rooms dahilan para may mga PSG siyang iniiwan para magmasid sa mga ito. Kung ang seguridad at kaligtasan naman niya ang pag-uusapan lalo na sa labas ay mayroon din naman siyang mga tao na tahimik na bumabantay sa kanya sa lugar. Alam din naman ng lahat ang trabaho nila kaya wala na siyang problema. Lalaking-lalaki siya kung humarap sa mga staffs at sa ibang tao. Alam ng lahat kung paano siya magalit. Kaya kung sinuman ang magtangkang gumawa ng mali ay MALALAGOT sa kanya.
"I will be having a date with my girlfriend in the MOA Arena later. So,call the other men and make them alert in there."mariing paalala niya sa mga ito bago pumasok ng tuluyan sa penthouse.
BINABASA MO ANG
Owning The Hot Male-Model(Under Editing)
Storie d'amoreJAYLEIN TAYSHAUN DE RIA GERRYLYN MAIKANELLE LAGRIA