"Love,wala ka na bang naiwan na gamit?"tanong ni Jaylein habang naglalagay sa mga gamit nila sa sasakyan.
Umiling lang ang nobya sa kanya at nauna nang pumasok sa sasakyan.
Napabuntong-hininga nalang siya sa inasta nito. Ngayon ang flight nila pauwing Manila. Gusto ng mga magulang niya na manatili pa sila ng ilang linggo sa Carmen ngunit gustuhin man niya ay kailangan na niyang bumalik sa trabaho. May meetings pa siya sa mga clothing brands ng Pinas at pati na international brands.
Tulog pa ang mga magulang niya dahil ala una pa lang ng hatinggabi. Mas pinili niya kasing bumalik ng Manila ng maaga para makaiwas sa mga tao. Mayroong mga security na nag-aabang sa kanila sa airport at tower pero hindi pa din yun sapat para magpakampante siya lalo na't madali lang sa mga media na malaman ang impormasyon tungkol sa kanya.
Alam naman ng parents niya ang oras ng pag-alis nila at nagbilin lang na mag-ingat sila sa biyahe at bisitahin sila paminsan-minsan. Gusto pa sana ng parents niya na padalhan sila ng pasalubong pero tumanggi na sila. Napag-usapan na kasi nila ng nobya na bibili nlang ng calamay at iba pang pasalubong sa madadaanan nila papuntang airport.
Natapos na niyang ipasok lahat ng gamit at pumasok na sa backseat katabi ng tahimik na nobya sa gilid.
"Aalis na ba tayo Sir?"tanong ng trabahador na si Fred mula sa driver's seat dahilan para lumingon siya dito at tumango. Kasama nila si Fred ngayon bilang driver dahil ito ang magmamaneho pauwi. Ihahatid lang sila nito sa airport at aalis din kalaunan. Hindi naman kailangang dalhin pa ang sasakyan niya sa Manila dahil meron naman siyang mga sasakyan roon.Nang umandar na ang sasakyan ay bumaling siya sa nobya at umusog palapit dito sabay hawak sa kamay. Gulat pa itong tumingin sa kanya at binigyan siya nang nagtatakang tingin. Nginitian niya lang ito at ibinaling ang atensyon sa daan. Ramdam niya ang titig nito pero pinili niyang ignorahin at kinuha nlang ang phone mula sa bulsa para makinig ng kanta.
Napapansin na niya ang pagiging tahimik at pag-iwas nito sa kanya magmula ng nangyari noong nakaraang araw. Alam niya na labis itong natakot sa ginawa ng trabahador dito.
Di niya mapigilang magtiim-bagang habang inaalala ang ginawa ng trabahador kay Maika. Labis niya itong binugbog at plano sanang lumpohin kung hindi siya pinigilan ng ama ng gabing yun. Dinala ito ng ama sa kapulisan at siniguradong mabubulok sa kulungan ang trabahador. Masaya naman siya sa sinabi ng ama dahil atleast magdudusa panghabang-buhay ang lalaki at dapat itong magpasalamat sa kanya dahil hindi niya tinapos ang buhay nito. Kung hindi lang talaga siya pinigilan ay siguradong patay na yun ngayon.
"Francesca texted me last night, she said that my family will be waiting for us in your penthouse."mahinang sabi ng nobya.
Pinili nlang niyang manahimik at tumango dito. Francesca already informed him yesterday that Maika's family will be waiting for them in the airport. But his P.A told him to let Maika's family wait for them in his penthouse for their safety and away from public. He got nervous 'cause he don't know what Maika's parents would react. Thankfully, his P.A told him to relax because Maika's parents are nice.
"Sir,pupunta pa ba kayo ng mall o didiretso na po kayo sa airport?"tanong ni Fred habang pokus sa pagmamaneho.
"We will buy pasalubongs for my P.A and for my girlfriend's family in the mall first."kaswal niyang sagot dito.
Tumango naman ito sa kanya at tahimik ng ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Nasa kalagitnaan na sila ng byahe ng maramdaman niya ang pagsandal ng
nobya sa kanya. Bumaling siya dito at bahagyang inayos ang pagkakahiga ng ulo nito sa balikat niya. Napangiti pa siya ng masilayan ang maamo at payapang mukha nitong natutulog.
BINABASA MO ANG
Owning The Hot Male-Model(Under Editing)
RomanceJAYLEIN TAYSHAUN DE RIA GERRYLYN MAIKANELLE LAGRIA