Chapter 15 Notebook

3 0 0
                                    


"Okay," nakangiti niyang sabi kaya laglag ang panga ko.

"Okay? El, you heard me, the great vocalist and leader of Real Quick is the son of my boss." Sabi ko pa pero tumawa siya at nagkibit balikat.

"I know..." kumunot ang noo ko, she knows what?

"What?"

"I know that he's younger brother of kuya Mico. Remember, he's bestfriend of my brother. Actually, kailan ko lang nalaman dahil walang sinasabi si kuya sa akin. Narinig ko lang nang isang araw na nagvideocall sila ni kuya Mico at hindi nakaearphone si kuya kaya rinig kong binanggit ni kuya Mico si Michael Ji na nasa bahay nila. Kaya alam kong lagi mo siyang nakikita at kasama sa bahay." Laglag panga ko siyang tiningnan na nakangisi pa rin.

"Why you didn't tell me?" maktol ko sa kanya na tinawanan lang niya.

"Gusto ko ikaw magsabi sa akin. I know the reason kung bakit nagsalita ka dati ng against kay Michael Ji. And what? Si Oliver Lee na ang bias mo? Lokohin mo na ang lahat, huwag ang bestfriend mo." Nakangising sabi niya kaya inirapan ko siya.

"Hey, crush ko siya noon dahil akala ko mabait siya pakitang tao lang pala. He's not even a person but a monster. Ayoko sa masamang ugali, mayabang, mataas ang tingin sa sarili, babaero at immature." Nakangusong sabi ko pero kumunot ang noo ko nang makita ko siyang tulalang nakatingin sa likod ko.

"So, that's how you back stabbed me? Paninirang puri iyan." Nanigas ako sa kinauupuan ko at di nakagalaw. Did I hear him, right? Sumenyas ako kay Eli na tinatanong kung siya ang nasa likod ko at nanlumo ako nang tumango siya.

Agad akong lumingon at halos maduling ako nang makita kong sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Tinanggal niya ang suot na cap at ang mask din na nakatakip sa kanya.

Nakangisi siya at kakaiba ang awra niya ngayon. He has a black earring on his left ear that makes him cool. His hair now is black from golden orange.

"Hala, hindi na goldfish ang buhok mo." Nakagat ko ang labi ko sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya pero nanatiling nakangisi. Kung ano na lang ang nasasabi ko sa sobrang kaba.
Nanlaki ang mata ko nang basta na lang niya akong hawakan sa kamay at hatakin palabas.

*****

"Saan ba tayo kasi pupunta?" I asked him for the ninth time.

Kanina ko pa kasi siya tinatanong pero di niya ako sinasagot. Kanina sa coffee shop na bigla na lang siyang sumulpot kung saan tapos bigla na lang siyang nanghatak kaya di na ako nakapagpaalam kay Eli.

"Sumagot ka nga." Irita kong sabi pero di siya nagsalita at hinatak na lang ako basta. Paano siya nakarating dito sa Tagaytay? Sinusundan niya ba ako?

"Sakay..." utos niya nang tumapat kami sa isang mini bus. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago umakyat ng bus.

"Whoah? Hera, right? Is that what you called destiny?" nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Theo at nakitang nandito ang buong banda.

"Bro, I thought you buy coffee but you brought a girl here. Kailan pa naging kape si Hera?" nakangising pangaasar ni Darryl.

"Mike, anong ginagawa ni Hera dito?" tanong ni Oliver, nakakagulat pa rin na ang mga iniidolo kong KPop ay nagtatagalog at nagiging madalas ko pang nakakasama bukod sa monster alien jerk.

"I saw her at the coffee shop, back stabbing me." Sabi niya at umupo sa isang upuan at pumikit.

"Hoy, monster alien jerk I'm not backstabbed you. I'm just telling the truth." Sabi ko habang nakaturo sa kanya, dumilat siya at diretsong tumingin sa akin kaya napaatras ako.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon