Chapter 20 Home
“Kumain na muna kayo.” Sabi ni Papi kaya naupo na ako sa harap ng lamesa.
“Wow, bulalo. Tamang tama at umuulan kaya dumoble ang lamig dito ngayon.” Sasandok na sana ako nang paluin ni Papi ang kamay ko.
“May bisita ka diba? Pakainin mo ang kasama mo dahil talagang hinatid ka pa niya dito.” Napanguso ako at nagcross arm habang hinihintay ang monster.
Napalingon ako sa may kwarto ko nang marinig na bumukas ang pinto, para siyang model na naglalakad palabas at palapit sa amin.
“Kumain ka muna bago umalis.” Sabi ko kaya tumango siya at naupo na sa tabi ko.
“Ikaw nagluto?” tanong niya pero umiling ako.
“Kung nasarapan ka sa luto ko, mas masasarapan ka diyan dahil iyan ang original.” May halong pagmamalaking sabi ko habang nakaturo kay Papi.
Tumango siya at sumandok kaya ganun din ang ginawa ko. Matapos kumain ay nagpaalam na siyang aalis pero pinigilan siya ni Papi.
“Sigurado kang aalis ka ngayon? Malakas ang ulan dahil may bagyo raw at makapal ang fog sa labas kaya baka delikado kung magmamaneho ka.” Sabi ng tatay ko. Papi naman anong gusto niyong palabasin?
“Hindi pa po ako babalik ng Manila dahil may kailangan pa po akong gawin dito. Magcheck in lang po ako sa hotel.” Sabi niya.
“Kaya nga imbes na magcheck in why not dito ka na lang muna matulog dahil delikado sa labas ngayon.” Sabi ni Papi kaya lumingon sa akin si Michael, inaantay ang sasabihin ko.
“Papi’s right, mahamog sa labas at malakas ang ulan. Just stay here for a night and bukas ka na umalis.” Sabi ko at naglakad na papunta sa kwarto ko.
Nagbihis lang ako at lumabas para tingnan sila sa labas. Nakita kong magkausap si Papi at Michael kaya lumapit ako.“Kamusta ang lagay ni Hera sa inyo?” narinig kong tanong ni Papi.
“Mabuti naman po, mabait po ang nanay ko at kuya ko.” sagot ni Michael kaya nilingon siya ni Papi.
“Ikaw? Hindi ka ba mabait?” natawa ako sa tanong ni Papi kaya nilingon nila ako.
“Siya po? Mabait minsan iyan kapag walang sumpong pero mas madalas may sumpong kaya ubod ng sungit.” Natatawa kong sabi kaya sinamaan niya ako ng tingin.
“Totoo?” tanong ni Papi kaya napakamot sa ulo si Michael.
“Ahmm, slight.” Natawa na ako nang tuluyan sa sinabi niya.
“Sige na po, Papi. Magpahinga na kayo dahil bawal sa inyo ang mapuyat.” Sabi ko at inalalayan ko si Papi papasok sa loob ng kwarto niya.
Nang masiguro kong nakahiga na si Papi ay lumabas ulit ako ng kwarto at nakita si Michael na nakahiga na sa sofa at nakapikit. Pero panay ang galaw niya na parang nahihirapan siya sa pwesto niya. Maliit lang ang sofa namin at medyo matigas pa kaya alam kong hindi siya kumportable.
Lumapit ako at ginising siya, pupungas pungas ang mata niyang dumilat kaya napangiti ako.
“Sa kama ko ikaw matulog, hindi ka kumportable diyan.” Mahinang sabi ko sa kanya.
“Ikaw? Saan ka matutulog?” tanong niya kaya ngumiti ako.
“Kahit saan nakakatulog ako kaya huwag mo akong isipin.” Sabi ko, tumango siya at tumayo na, napagod siguro siya sa pagmamaneho kaya hindi na siya nagsalita pa.
Kinuha ko lang ang unan at kumot pati banig na nasa gilid bago naglatag sa sahig ng sala.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at napabangon nang maalala ang kagabi. Anong ginagawa ko dito? Sa pagkakaalam ko nasa sala ako at natutulog sa banig pero ngayon nandito na ako sa kama ko. Dumiretso ako sa Cr ko dito sa kwarto ko. Matapos akong maghilamos at magtoothbrush ay lumabas na ako ng kwarto.

BINABASA MO ANG
My Oppa and I
Romance"ARE YOU READY TO BE PART OF HIS LIFE?" KPOP? Idol? Korean? Oppa? What about them? What they have para hangaan sila ng marami? Handsome? Cool? Good Voices? Good Dancers? Talented? They are almost perfect but who they really are? Paano kung isang a...