Chapter 33 Sorry

2 0 0
                                        

Chapter 33 Sorry

Matapos ang una kong kanta ay may nagperform na Filipino band kasunod ng dalawang sikat na baklang komedyante sa Pilipinas. Nagpatawa lang sila sa stage dahil karamihan din sa audience ay Pilipino habang ako ay abala sa pag-aayos para sa duet performance namin ni Kris.

“Hera, can you please stop moving? Para ka nang kiti kiti.” Inirapan ko si Kris.

Kanina ko pa gustong tumakbo para habulin si Michael pero pinigilan nila ako at tinanong kung saan ako pupunta. Hindi ko naman masabi sa kanila kung sino ang nakita ko. I just want to talk to him but I think now is impossible. Kung kailan kasi wrong timing saka magpapakita ang alien maonster jerk na iyon?

“Anak,” napatayo ako nang makita si Papi na kasama si Stephen at Elisha. Nakipagbeso sila sa akin at kapwa nag-abot ng tig isang boquet si Papi at Stephen.

“Congrats.” Nakangiting sabay na bati ni Stephen at Elisha kaya napangiti ako.

“Thanks, akala ko ba hindi kayo makakarating?” sinabihan ko silang sumama pero sabi ni Papi ay busy sila ni Stephen sa restaurant at may trabaho si Elisha kaya nagulat ako nang malamang nandito sila.

“Pwede ko ba naman ipagpaliban ang isa sa pinakamahalagang araw ng nagiisang anak ko.” napangiti ako sa sinabi ni Papi.

“Salamat, Papi. I love you.” Umirap si Elisha.

“Papi, wag kayong maniniwala sa pambobola niya. Iba ang sinabihan niya kanina ng I love you too sa stage.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Elisha kaya nagtawanan sila. They know?

“What are you talking about?” pagmamaang maangan ko.

“Hera, stop that pretending. We saw him.” Natatawang sabi ni Elisha.

Napailing na lang ako, ano pa nga ba ang maitatago ko sa kanila? I am surrounded by crazy yet loving people.
Ilang minuto lang ay pinatawag na ako ng director kaya bumalik na sila Papi sa pwesto nila kanina. Katabi nila si Tita Bree sa harapan. Nagkatinginan kami ni Kris at sabay na tumango sa isa’t isa bago kami tumungtong sa dalawang magkatabing platform. Nang magsimulang lumabas ang usok ay siyang pag-angat namin.

Nilingon ko ang pwesto kanina ni Michael at di na ako nagulat ng wala na ito sa pwesto niya. Mahirap na kapag siya ang biglang pagkaguluhan ng mga tao lalo na at nasa bansa niya kami. Kahit karamihan ng audience ko ay Pilipino, hindi maikakailang mas malakas ang karisma ng banda sa mga Pilipino.

Lumingon ako sa kabilang side nila Papi at nanlaki ang mata ko nang makitang prenteng nakaupo ang apat na lalaki habang ang dalawa ay nakangisi sa akin at ang dalawa pa ay seryosong nakatingin lang sa harap. The whole band is here, Real Quick.

“Scrolling through my cellphone for the 20th time today

Reading that text you sent me again

Though I memorized it anyway"

Panimula ni Kris at di ko alam kung bakit ito ang pinili niyang kanta. Actually kaninang umaga lang kami nagpractice at bumilib agad ang director sa amin. Sa loob ng apat na oras ay pareho namin nakalkula ang boses ng isa’t isa.

“It was afternoon in December

When it reminded you of the day

When we bumped into each other

But you didn’t say hi’ cause I looked away"

Ako ang sumunod na kumanta. Ang alam ko ay theme song nila ni Jason ito dahil relate sila sa kanta na malapit sa pangyayari kung kailan sila nagkakilala. And damn, anong kinalaman ko sa kanila? It is my birthday concert and not her.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon