Chapter 25 Family Affair

0 0 0
                                    

Chapter 25 Family Affair

“Ano bang sinasabi mo? Wala ang tatay mo kahit huwag na tayong magpanggap. Tara na.” hinatak ko na siya pero hinila niya ulit ako pabalik at sinubsob sa dibdib niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya na sumasalamin sa akin.

“Hear my heartbeat? It says that my feeling is true. I love you. I really do. Shit. Hera, you make me crazy.” Ilang mura pa ang narinig ko pero hindi ko maintindihan kung bakit napakatamis nito sa aking pandinig kahit ayoko sa lalaking palamura.

“Michael, ayoko ng ganyang biro. Sabi mo don’t fall inlove with you kaya ano itong sinasabi mo?” hindi ko na siya maintindihan.

Sinapo niya ang mukha ko at tinitigan ng mariin. Gusto kong umiwas ng tingin dahil hindi ako makahinga, pakiramdam ko hinihigop ng mga mata niyang nakatitig sa akin ang hininga ko. Hindi ko maialis ang tingin sa kanya dahil bukod sa hindi niya ako hinayaan sa pagkakahawak ng kamay niya ay para akong hinihigop sa ibang dimensyon ng brown niyang mata.

“I lied, Hera. I lied because I’m doomed. Ngayon ko lang ito naramdaman kahit sa past relastionship ko ay hindi ako ganito. I’m scared on how to approached you. I lied, my father wasn’t set me up on anyone. I just asked his help. Hindi sa kanya tayo nagpanggap dahil kami ang nagpanggap para sa iyo. Hera, I’m so damn in love with you and forget what I said that don’t fall in love with me but please fall in love with me. Ayoko nang matakot. Ayoko nang maduwag. Ayoko-” hindi niya natuloy ang sasabihin nang halikan ko siya sa labi.

Napalingon kami ng sabay nang makarinig ng ingay. Nagulat kami nang makitang nandito pa rin ang dalawang teenager na hindi pa pala umaalis. Ano kami bida sa Kdrama? Napangiwi ako nang makitang naghahampasan na sila. Natawa naman si Michael kaya nilingon ko siya.

“Don’t be scared, Michael. I’m here para tanggalin ang takot mo.” Nakangiti kong sabi, natulala siya sa akin.

“Hera,” mahina niyang pagtawag.

“I’m so damn in love with you too.” Buong puso kong binigkas ang mga salitang iyon.

“Ate, kuya, nakakakilig po kayo. Sana all.” Sabi ng isang babaeng teenager na parang nagkulay heart pa ang mata.

“Naniniwala na talaga ako sa forever.” Nagulat ako nang humarap si Michael sa dalawang teenager.

“Yes, believe it, may forever. I can prove it.” Napatili ako nang bigla niya akong buhatin ng parang bagong kasal.

Nilingon ko ang dalawang bata at nagthumbs up sila sa amin kaya napangiti ako bago kumapit na sa batok ni Michael ang dalawa kong kamay.
Nagulat ako nang iupo niya ako sa shotgun seat ng van at nakita ang nakangising Chairman.

“Ahhmm Chairman, water po?” alinlangang tanong ko na kinatawa niya. Kinuha niya ito at uminom ng tubig bago muling tumingin sa amin. Sinimulan na rin paandarin ni Michael ang van.

“Nawala na ba ang uhaw mo, anak?” tanong niya sa anak na nakatutok sa pagmamaneho pero nakangiti.

“Ye, abeoji. I’m no longer thirst. That’s the sweetest refreshment I ever taste, dad.” Namula ang mukha ko sa sagot ni Michael kaya umiwas ako ng tingin lalo na ng tumawa ang Chairman sa likod.

Oww, shit. Ano bang sinasabi ng alien monster jerk na ito sa tatay niya?
Pagdating sa mansion at naiparada na rin ang van ay wala pa rin na gumagalaw sa mag-ama kaya kumunot ang noo ko. Nakita kong nandito na rin ang kotse ni Michael.

“Dad?” tanong ni Michael sa ama kaya nilingon ko ito sa likod at pinigilang matawa. Para kasi itong natatae na hindi matae.

“Quiet, I’m concentrating and internalize.” Natawa na ako sa sagot ng Chairman kaya kunot noong lumingon na rin si Michael sa ama.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon