Chapter 27 Pain

0 0 0
                                    

Chapter 27 Pain

Naghintay ako ng dalawang oras sa malapit na convenience store kay Stephen. Galing pa siyang Tagaytay at maulan kaya naintindihan ko kung bakit natagalan siya. Mas pinagpasalamat ko pa nga iyon dahil mas nabigyan ako ng pagkakataong mapag-isa at makapag-isip. Masyadong mabilis ang lahat at maraming nangyari sa akin sa loob ng isang araw.

Hindi ko na iisahin pa dahil halo halo ang naramdaman ko sa loob ng isang araw. Una, nalito at naging masaya ako lalo na ng umamin siya sa aking mahal niya ako pero hindi ko akalain na bago matapos ang araw na ito masasaktan din ako dahil sa kanya.

“Hera?” ramdam ko ang paglingon sa akin ni Stephen saglit na kasalukuyang nagmamaneho at binabagtas namin ang daan pauwi.

Pauwi sa lugar na kahit kailan hindi ko ipagpapalit kahit pa may masasakit na alaala ako dahil sa pagkamatay ni Mami. Ang lugar na pinuno namin ng magagandang alaala at ang lugar kung saan ako pinanganak, nagkaisip at ang lugar na sumubok sa aming katatagan.

“Stephen, pakiusap hayaan mo muna ako.” Tumango siya bago muling bumalik sa pagmamaneho.

Alam kong alam niyang may nangyari pero hindi niya na ako kinulit pa. Kilala niya ako, di ako magsasalita hangga’t kaya ko pero kapag hindi ko na kaya ay hihingi ako ng tulong sa kanila at magkwento.

Sumandal ako at muling tumingin sa bintana, kung saan tanaw ko ang walang tigil na pagluha ng kalangitan. Sumasalamin sa nararamdaman ko.

“Hera, I know you’re tired. Magpahinga ka na muna at gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo.” Maingat na sabi niya kaya tumango ako bago pumikit pero di ko akalain na sa pagpikit ko ay mapapanaginipan ko si Mami.

“Mami?” di ako makapaniwalang nandito siya. Nilibot ko ang paningin at nakita ang isang magandang paraiso na napupuno ng magagandang bulaklak.

“Hera, anak.” Binuka niya ang mga braso kaya agad akong tumakbo sa kanya. Sinubsob ko ang mukha sa dibdib niya habang umiiyak.

“Sshh,” sabi niya habang hinihimas ang likod ko.

“Mami, pwede po bang dito na lang ako? Nandito kayo kaya mas gusto kong dito na lang din.” Humiwalay siya sa akin ng konti at sinilip ang mukha kong puno ng luha. Pinunasan niya ang mga luhang naglalandas sa mukha ko.

“Anak, gusto na rin kita makasama, kayo ng Papi mo pero hindi pa ito ang tamang panahon. Anak ko, alagaan mo ang Papi mo.” Nanlaki ang mata ko, hindi ko naalala si Papi, napakamakasarili ko.

“Hindi anak, hindi ka makasarili. Alam kong nasasaktan ka pero naniniwala akong kakayanin mo iyan dahil anak ka namin ng Papi mo. Hindi tayo marunong sumuko.” Tinitigan ko siya ng ilang segundo bago muling nagsalita.

“Pero bakit kayo sumuko?” tanong ko na bahagya niyang kinatawa.

“Hindi ako sumuko, anak. Tinanggap ko lang ang kapalaran ko. ito ang nakatakda para makilala mo ang lalaking magbibigay sa iyo ng kasiyahan. He can make you smile and I know you will be happy with him.” Ilang beses akong umiling.

“No, he killed you. Inagaw ka niya sa amin ni Papi.” Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan.

“Hindi pa ngayon pero alam kong darating ang panahon ay magiging masaya ka na. Long live my daughter. Live with a peace in your heart.” Huling sabi niya bago siya unti unting naging malabo sa paningin ko habang ilang ulit ko siyang tinawag.

“Hera? We’re here.” sabi ni Stephen na ginising ako. Nilingon ko ang paligid at nakitang nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

“Salamat, Stephen.” Bababa na sana ako nang pigilan niya ako.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon