Chapter 22 Unofficial Date
Kinabukasan ay nagising ako sa sunod sunod na katok sa kwarto ko kaya napilitan akong bumangon. Baka may nangyari na kay Madam. Inayos ko muna ang buhok ko bago bumangon at pagbuksan ang sinumang panay ang katok sa kwarto ko.
“Anong kailangan mo?” tanong ko nang makita kong si Monster lang pala ang kumakatok.
“What’s your answer?” tanong niya kaya agad ko ring sinara ang pinto at pumasok sa banyo dito lang sa kwarto.
“Ang aga-aga pa, tinatanong na agad ako? Wala man lang konsiderasyon.” Bulong ko sa sarili habang nagtoothbrush.
Matapos magayos ng sarili ko at maligo ay agad na akong lumabas at diretso sa kwarto ni Madam. Papasok na sana ako sa kwarto ni Madam nang marinig kong may nagtatalo sa kabilang kwarto.
Sumilip ako sa nakabukas na pinto ng kwarto ni sir at Miss Dianne.“Bakit ba hindi siya pwede? Hyeong, siya lang ang nakikita kong pwedeng magpanggap kaya bakit ka pa tutol? Iniisip mo ba baka hindi siya magustuhan ni Abeoji? Hindi naman problema kung magustuhan siya o hindi, magpapanggap lang kami.” Narinig kong sabi ni Michael. Nagtatalo silang magkapatid.
“No, that’s not the reason. Believe me, dongsaeng. Kapag nalaman mo ang dahilan mahihiya ka at baka hindi rin siya pumayag.” Seryosong sabi ni sir kaya kumunot ang noo ko. Ano ang ibig niyang sabihin?
“What do you mean?” kunot noong tanong ni Michael, napailing naman si sir.
“Do whatever you want, I respect your decision.” Sabi ni sir kaya umalis na rin ako agad. Masama ang mageavesdrop kaya pumunta na ako sa kwarto ng alaga ko.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa kwarto ni Madam. Nakita ko siyang tulala at nakatingin lang sa malayo habang nakaupo sa may veranda.
“Madam…” pagtawag ko sa kanya at inabot na ang gamot niya na agad niya namang ininom.
“Pumapayag ka na ba sa proposal ni Michael para magpanggap sa tatay niya?” nagulat ako sa tanong niya.
“Po?” tanong ko pero malungkot lang siyang ngumiti.
“Kasalanan namin ni Sung Ho kung bakit nasaktan ang mga anak namin. Naghiwalay kami nang hindi kinoconsider ang nararamdaman nila. Malaki din ang naging pagkakamali ko sa nakaraan kay Michael at gusto kong bumawi. Mamamatay na ako at ramdam ko iyon kaya bago sana ako mawala ay makita kong masaya na ang mga anak ko. Alam kong masaya na si Mico dahil nandyan ang asawa at anak niya.
“Alam kong tiwala ko ang nais na makamit ni Mico pero hindi ko man ipakita ay malaki ang tiwala ko sa panganay ko. Hangad ko ring maging masaya si Michael at mahanap niya na ang babaeng para sa kanya. Sobra sobra nang sakit ang naramdaman niya mula pa noon kaya wala akong ibang hangad kundi ang kasiyahan niya.” Mahabang sabi niya kaya natahimik ako.
“Madam…” mahinang sabi ko pero ngumiti siya ng malungkot sa akin.
“Ikaw man o hindi ang babaeng para sa kanya ay wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay maging masaya siya at matupad niya ang lahat ng pangarap niya.”
*****
Napahinto ako sa paglalakad papunta sa pool area nang makita ko si Michael na umahon mula sa tubig. Nakatopless siya at tanging boxer short lang ang suot niya, napatulala ako nang makita kong nagpunas siya ng buhok pataas kaya nakita ko ang pagflex ng muscles niya.
Napailing ako nang makitang nakangisi siya habang naglalakad palapit sa akin kaya napalunok ako.“Tulo mo lumalaway.” Agad kong pinunasan ang gilid ng labi ko pero nang tumawa siya ay pinanlakihan ko siya ng mata. Napagtanto ko rin ang sinabi niya.

BINABASA MO ANG
My Oppa and I
Romansa"ARE YOU READY TO BE PART OF HIS LIFE?" KPOP? Idol? Korean? Oppa? What about them? What they have para hangaan sila ng marami? Handsome? Cool? Good Voices? Good Dancers? Talented? They are almost perfect but who they really are? Paano kung isang a...