Chapter 26 Truth
Minsan sinabi ko na sa sarili kong ayaw ko nang maging masaya dahil laging may kapalit. Katulad nang naging masaya ako bago kunin sa amin si Mami. Matinding sakit ang naramdaman naming mag-ama noon. Maraming katanungan ang tumatakbo sa isip ko ngayon.
Bakit? Bakit ginawa ni sir Mico iyon? Coincidence nga lang ba na kunin niya ako bilang caregiver? Kilala niya na ba ako noon? Anong itinatago niya at pati ang relasyon namin ng kapatid niya ay tinututulan niya? Anong agenda niya sa lahat ng ito?
“Hey, baby? Why are you crying?” nawala ang mga gumugulo sa isip ko nang halikan ni Michael ang luha sa pisgi ko.
“What’s wrong? Sinong tumawag? May nangyari sa father mo?” sunod sunod akong umiling. Baka wala lang itong mga pinagiisip ko, baka naman gusto lang niyang tumulong. I remember maraming foundation ang mga Avellino na sinusuportahan. Pero ano ang dahilan niya para tumutol siya sa amin ng kapatid niya.
“We need to go. We need to go back home.” Sabi ko at tumayo na, nagtatakang tiningnan lang ako ni Michael bago niya ulit ako hatakin paupo.
“Yes, we’ll go back at kakausapin natin ang family ko but now let’s just eat. I’m hungry, baby.” Tiningnan ko si Michael na nakanguso na parang inaping bata kaya natawa ako at umupo.
Tulad ng sinabi niya ay kumain muna kami bago bumalik sa mansyon nila. Hindi na niya ako kinulit kung sinong kausap ko at bakit ako umiyak kahit nakikita ko ang pagsulyap niya sa akin. I know he wants to know the problem but he respect me. Kung ayaw kong magsalita ay ayaw ko talaga. Isa pa gusto ko muna makausap ang kuya niya sa dahilan nito.
“Go, go to your room. Magtitimpla lang ako ng gatas ng mommy mo.” Sabi ko pero pinaningkitan niya ako ng mata.
“Are you sure?” natatawang tumango ako bago siya pinaakyat ng hagdan. Nang makaakyat siya ay nakahinga ako ng maluwag.
Hindi ako dumiretso sa kusina para gumawa ng gatas dahil hinanap ko si sir Mico para makausap. Alam kong nasa study area siya ng ganitong oras kaya doon ako dumiretso. Papasok na sana ako nang marinig ko silang nagtatalo.
“Eomma, you know malaking problema ito ngayon. I heard how Hera hated that guy.” Naguluhan ako sa sinabi ni sir Mico.
“Mico, why did you bring her here in the first place. I didn’t agree with your plan.” Boses iyon ni Madam kaya kahit alam kong bawal ang ginagawa ko ay tinuloy ko ang pakikinig. I know malalaman ko ang reason kung bakit naging ganun ang reaksyon nila kanina.
“Appa, bakit ka pumayag? All this time you know about his plan? Nabanggit ko na sa iyo si Hera at di ka man lang tumutol.” Tanong ni sir Mico sa ama.
“What do you want me to do, Mico? Let your brother to be hurt? He suffered already. Masyado na siyang maraming sakit na dinala mula noon kaya sino ako para tumutol sa kaligayhan ng kapatid mo.” Until now nagugulat pa rin ako na parang bihasa ang Chairman sa pagtatagalog.
“Pero mas lalo siyang masasaktan kapag nalaman na nila ang mga nangyari. Ang fate nila ay magugulo dahil dito.” Nanghihinang sabi ni sir Mico.
“We want his happiness and only Hera can give that to him. Why don’t we let them?” tanong ulit ng Chairman.
“Appa, you think na kapag nalaman na ni Hera ang lahat, matatanggap niya si Michael? No, kamumuhian niya ang kapatid ko at sa pangalawang pagkakataon, makikita ko na naman ang paghihirap ni Michael. You know how he loves, he gave all his love na parang wala na siyang tinitira sa sarili.” Sabi pa ni sir Mico.
“Mico, your father’s right. Wala na tayong magagawa, sana sa umpisa pa lang ay gumawa ka na ng paraan para hindi na sila mahulog sa isa’t isa. Pigilan mo man ngayon o hindi, huli na ang lahat. Ano man ang gawin mo ay masasaktan at masasaktan sila pareho.” Sumilip ako at nakitang napaupo si Sir Mico sa sinabi ng ina.

BINABASA MO ANG
My Oppa and I
Любовные романы"ARE YOU READY TO BE PART OF HIS LIFE?" KPOP? Idol? Korean? Oppa? What about them? What they have para hangaan sila ng marami? Handsome? Cool? Good Voices? Good Dancers? Talented? They are almost perfect but who they really are? Paano kung isang a...