Chapter 37 Island
Kanina pa naniningkit ang mata ko sa lalaking nasa harap ko ngayon na hindi magkaintindihan habang sinasabunutan ang sariling buhok at panay ang mura sa wika niya. Ilang tao na rin ang kinausap niya pero walang makapagbigay ng tamang sagot sa kanya.
“Michael, tell me. Are we lost?” nanlalaki ang matang lumingon siya sa akin pero pinigilan ko ang matawa. Ngayon lang ba nagsink in sa kanya na posibleng naliligaw kami?
“No, stay here.” sabi niya at bumaba ng kotse para kausapin ang mag-asawang may dalang bata.
Nang makabalik siya ay hindi ko siya tinapunan ng tingin kundi nanatili akong nakatanaw sa malawak na dagat.
“I’m hungry, Michael. Where are we right now?” natawa na ako ng nanlulumo niyang isubsob ang ulo sa steering wheel. Maaawa na ba ako sa kanya?
“I don’t know, Hera. Hindi ganito ang plinano kong bakasyon. Sesanghe, tama ba na nakinig ako kay Theo at Darryl? Walang magandang idinulot sa akin ang dalawang iyon.” Muli akong natawa sa kanya. Now, he’s blaming the two.
“Saan na tayo kakain ngayon? I’m hungry.” sabi ko at nilibot ang paningin.
We are in the middle of nowhere. Huminto ang sasakyan sa gitna kung saan bihira ang taong dumadaan at walang kahit na anong establishment. Sa harap namin ay ang payapang hampas ng alon ng dagat sa buong isla. Nawalan na rin ng gasolina ang sasakyan kaya hindi ko alam kung paano pa kami makakaalis dito.
“Wait, I remember may hinintuan tayong convenience store, few meters away. Can you wait me here? I’ll just buy food.” Mahigpit akong umiling sa kanya kaya kumunot ang noo niya.
“I’ll join you, don’t you dare na iwan ako sa gitna ng kalsada at malapit na rin maggabi.” Sabi ko habang umiiling, inabot na kami ng gabi kahahanap ng hotel na binook niya.
Akala ko ba naman kabisado niya na dito dahil ilang beses na raw siyang nakarating dito. Maliit lang ang isla na ito pero mukhang tama ang binulong sa akin ni Sol kahapon, mahina sa sense of direction ang pinsan niya.
“Okay but how about my car and our things?” nagkibit balikat ako pero nang may dumaang matanda ay sinubukan kong magtanong.
“Hey, do you know where is the nearest gasoline station?” tanong ko pero nanatiling nakakunot noo ang matanda sa akin. Ramdam kong hinawakan ni Michael ang kamay ko bago siya humarap sa matanda at kausapin ito ng hangul.
“Let’s go, just few meters away daw.” Sabi niya at bumaba na kaya kumunot ang noo ko.
“What? Then where are you going?” tanong ko dito.
“Just push this car until gasoline station, hindi ko kaya mag-isa ito.” Napanganga ako sa sinabi niya.
“What?” bumaba ako ng kotse at hinarap siya pero hindi na siya nagsalita at nagtulak na lang ng kotse.
“Come on, I’m hungry too at matatagalan pa tayo kung ako lang ang magtutulak.” Naiinis na nagtulak na rin ako.
“Next time, sell your car. Ang gandang kotse hindi naman full tank. Michael, you know… hindi ito ang pinangarap kong bakasyon at first date natin as official couple. I didn’t imagine that my first time in this island will turn out like this. Bakit mo pa ako inaya dito kung di mo pala kabisado ang hotel na pinabook mo.” Marami pa akong nireklamo sa kanya na tinatawanan lang niya habang tinutulak namin ang magara niyang kotse pero walang gasolina.
“I’m sorry and please stop talking, you’ll drain your energy.” Ilang beses na ba akong umirap sa kanya.
Kalahating oras yata kaming nagtulak bago nakarating sa gasoline station na sinasabi niya at inabot na nga kami ng dilim. Great, gutom na gutom na ako dahil wala pa kaming lunch at pagod pa sa biyahe then pinagtulak pa ako.

BINABASA MO ANG
My Oppa and I
Romance"ARE YOU READY TO BE PART OF HIS LIFE?" KPOP? Idol? Korean? Oppa? What about them? What they have para hangaan sila ng marami? Handsome? Cool? Good Voices? Good Dancers? Talented? They are almost perfect but who they really are? Paano kung isang a...