Chapter 40 My Oppa
Hindi na mawala ang ngiti ko habang pinapakinggan ko ang malamig na boses ni Kris na nag-alay ng kanta sa amin para sa first dance ng bride and groom. Marahan ang paghawak ni Michael sa bewang ko at nakasabit naman ang mga braso ko sa batok niya. Humilig ako sa dibdib niya at napangiti ng marinig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya.
“It’s my favorite music.” Nakapikit kong sabi. Ramdam kong yumuko siya sa akin pero hindi ako humiwalay sa kanya.
“What? Her song?” natawa ako at umiling.
“No, our heart beats for each other is my favorite music.” Nakangiti kong sabi, naramdaman kong hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko.
“Akala ko hindi ka marunong sumayaw?” tanong ko sa kanya makalipas ang ilang minuto.
“I learned.” Tipid niyang sabi kaya natawa ako.
“As long as I want to dance with you forever, your father wants to take a dance with you.” Naghiwalay kami at nilingon si Papi na nakangiting naglalakad palapit sa amin.
“Pwede ko bang mahiram ang anak ko?” sabi ni Papi, tumango si Michael.
“Always, Papi.” Napangiti si Papi sa sinabi ni Michael kaya nang nilahad na ng ama ko ang kamay ko para sa father and bride’s dance ay malugod ko itong tinanggap. Nilagay ni Papi ang kamay niya sa bewang ko kaya kumapit ako sa batok niya.
“My daughter is beautiful. Kamukha mo ang Mami mo nang ikasal kami.” Napangiti ako sa sinabi niya.
“Pa, tingin niyo po masaya na si Mami?” tanong ko.
“Oo naman, dahil alam niyang masaya ka na. Masaya ka naman diba?” nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinakita ang ngiti ko kaya napangiti rin siya.
“Sobrang saya ko po, hindi ko po alam na aabot kami hanggang dito, Papi. Hindi ko inasahan na makakakilala ako ng lalaking higit akong pasasayahin. Siya ang nagturo sa aking maging malaya sa sakit at patawarin ko rin ang sarili ko sa nangyari noon.” Nakapikit kong sabi lalo na ng halikan niya ang noo ko. His favorite gesture to me and also my favorite.
“At lalong sobrang saya ko dahil nakikita ko kung gaano kasaya ang nag-iisang bunga ng pagmamahalan namin ni Selene. Anak, bubuo na kayo ni Michael ng sariling pamilya at hindi magiging madali ang lahat. Pero kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang si Papi.” Nagyakap muna kami bago siya bumalik sa pwesto niya.
Nagsimula nang magpuntahan sa harap ang ibang bisita para sa sayawan kaya nagpahinga muna kami ni Michael. Nilingon ko siya nang humilig na ang ulo niya sa balikat ko.
“You sleepy?” umiling siya.
“No, I want this to end.” Nagtataka ko siyang tiningnan.
“Why? Nagsisimula pa lang ang reception.” Sabi ko, nag-angat siya ng ulo at sinalubong ang mata ko bago ngumisi.
“My favorite part after the wedding is not the reception. It’s our honeymoon, baby.” Nakangising sabi niya kaya di ko maiwasang mamula at mag-init ang pisngi.
“Heh, stop that. Nakakahiya sa mga bisita.” Nag-iwas ako ng tingin kaya tumawa siya. Nilingon ko siya nang maramdaman kong hinawakan niya ang mga daliri ko sa kamay at pinaglaruan iyon.
“Saranghaeyo.” bigla niyang sabi kaya di ko na naman maiwasan ang mamula na muling kinatawa niya.
“Inaasar mo ako.” Nakanguso kong sabi at nagulat ako nang halikan niya ako. Napatingin ako sa harap ng marinig ang hiyawan, nakita kong halos lahat ng bisita ay sa amin nakatingin at lahat nakangisi.
“I love teasing you. You’re so cute.” Nakangiting bulong ni Michael sa akin kaya namula na naman ako.
“Pwedeng mamaya na iyan sa honeymoon? Mahiya kayo sa dami ng tao dito.” Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Stephen kaya namumula akong nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
My Oppa and I
Romance"ARE YOU READY TO BE PART OF HIS LIFE?" KPOP? Idol? Korean? Oppa? What about them? What they have para hangaan sila ng marami? Handsome? Cool? Good Voices? Good Dancers? Talented? They are almost perfect but who they really are? Paano kung isang a...