Chapter 23 Music

3 0 0
                                        

Chapter 23 Music

Nakalagay ang kamay ko sa baba habang nakaupo sa bench dito sa airport habang hinihintay ang Chairman ng LS Entertainment, Michael’s father. Nilingon ko si Michael na nakayuko at nagbabasa kunwari ng dyaryo habang nakatago ito sa mukha niya at nakababa ng bahagya ang suot na sumbrero. Bakit ko nasabing kunwaring nagbabasa? Sinong nagbabasa ng pabaligtad?

Napairap ako bago humarap sa kanya at inayos ang diyaryoong hawak niya. Kunot noo niya akong nilingon.

“Huwag kang mayabang na may talent ka sa pagbabasa ng baligtad.” Sabi ko at napangisi nang makita ko siyang namumula ang mukhang umiwas ng tingin.

“Where is he? He knows I hate waiting, baka may makakilala sa akin.” Sabi niya kaya natawa ako, he disguised himself para walang makakilala sa kanyang kpop fan dahil tiyak na pagkaguluhan siya.

Napatayo siya nang mapalingon sa bandang kaliwa niya kaya tumayo na rin ako. Nakita ko ang lalaking matikas ang tindig, may nakakatakot na awra at striktong tingin. Parang naiimagine ko na ang magiging itsura ni Michael pagtanda dahil magkamukha sila ng ama niya. Naglalakad ito papunta sa direksyon namin habang may nakasunod sa kanyang lalaki na dala ang dalawang maleta, pormal din ang suot nito katulad ng Chairman.

“Hwejangnim,” bati ni Michael dito kaya kumunot ang noo ko. diretsong diretso at pormal na bati niya sa ama.

Parang hindi sila mag-ama at tanging boss at empleyado ang turingan.
Kunot ang noo nitong nakatingin sa ama bago bumaling sa akin kaya para akong nauupos na kandila. Hindi na ako magtataka kung bakit kanina pa kinakabahan si Michael na harapin ang sariling ama. Tumikhim si Michael kaya siya ulit ang tiningnan ng ama at makakahinga na sana ako ng balingan niya ulit ako.

“A-abeoji, this is Hera, my girlfriend. Hera, my father.” Pakilala ni Michael kaya pilit akong ngumiti kahit kinakabahan. Ano bang nangyayari sa akin?

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Tiningnan lang ako nito bago naglakad kaya wala kaming nagawa ni Michael kundi sumunod. Nilingon ko si Michael nang bahagya niya akong sikuhin. Kumunot ang noo ko pero nanatiling sa harap namin siya nakatingin.

“Galingang mo arte mo, baka makahalata siya.” sinamaan ko siya ng tingin kahit di niya nakikita.

“Ikaw nga diyan ang mukhang natatae.” Sabi ko kaya nakita kong kumunot ang noo niya.

“What?” umiling ako then I stuck my toungue out na kinapula ng pisngi niya.
Tumigil kami ng kunot noong lumingon sa amin ang Chairman. Inosente lang kaming ngumiti dito at hinawakan ni Michael ang kamay ko na kinabigla ko.

“Sung Ho,” pagtawag ng Chairman kay Michael kaya napadiretso ito ng tayo.

“Ye, abeoji?” tanong ni Michael at nagusap na sila ng hangul na hindi ko nasundan pa.

“Diretso tayong studio, may ipapakilala ako sa iyo.” Nanlalaki ang matang nilingon ko si Michael na bumulong sa akin.

“W-what? Akala ko sa tatay mo lang tayo magpapanggap? Bakit parang kailangan mo pa akong ipakilala sa iba?” nagulat kong sabi.

“Sshhh, hindi lang naman kita ipakilala bilang girlfriend.” Bulong niya.

“Then what?” tanong ko pero hindi na siya sumagot pa at diretso na kami sa kotse niya. Nagtaka pa ako nang diretso pa rin naglakad ang Chairman at lumagpas sa kotse niya.

“Saan sasakay ang tatay mo?” tanong ko sa kanya.

“In his van, kasabay natin dumating ang driver niya kasabay ng van.” Nanlaki ang mata ko. May ganon?

“He hates sitting at the car like this, ayaw niyang umupo sa masikip na sasakyan, mas prefer niya nag maluluwag na sasakyan like van.” Sagot niya kaya napatango ako bago kami sabay na sumakay ng kotse niya.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon