Chapter 36 The Ji Family
Naglakad lang kami sa first floor ng bahay at huminto sa isang malaki at eleganteng pinto. Humarap muna sa akin si Michael at ngumiti bago kumatok ng dalawang beses sa malaking pinto. Bumukas ito at hindi ko maiwasan ang manliit sa nakikita kong hindi lang isa, dalawa o tatlong taong eleganteng nakaupo sa mahabang lamesa kundi higit pa yata sila sa sampu.
Pawang mga walang silang emosyon na nakatingin lang sa aming tatlo na pumasok sa malaking pinto. Nakita ko sa di kalayuan nakaupo si Chairman Ji at si kuya Mico kasama ang pamilya niya. Bumulong si Michael sa akin.
“Don’t worry they’re harmless. Ganito lang sila kapag nagtitipon tipon.” I don’t think so, I remember na nalaman kong hindi tanggap ng pamilya Ji si Madam na galing na sa prestihosong pamilya ng mga Avellino kaya paano pa ako na hindi galing sa kilalang pamilya. Mukha yatang kumpleto ang pamilya Ji na kailangan kong harapin ngayon.
“Annyeonghaseyo, this is my fiance.” Sinadya ni Michael na kausapin ang pamilya niya ng english para siguro yata na maintindihan ko rin.
May isang lalaki ang tumayo na hindi nalalayo ang edad kay Chairman Ji at naglakad palapit sa amin kaya humigpit ang kapit ko sa katabi ko.
“I’m the head of this family.” Nilahad niya ang kamay kaya nangangatal ang kamay na inabot ko ito. Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ito. Nakita ko pa ang pagirap ng mga babae na nandito at ang pagngisi ng mga kalalakihan.
Nagusap usap sila gamit ang lengwahe nila kaya medyo hindi ko ito naintindihan pero base sa tono nila ay minura nila ang lalaki sa harap ko.
“He’s my Uncle and uh, don’t mind him. He’s the older brother of my father. He’s like my father, so jolly and playboy but don’t worry my auntie is here, he’s wife.” Bulong ni Michael sa akin nang bahagyang umatras sa amin ang tito niyang humalik sa likod ng kamay ko. Nanlaki ang mata ko nang may babaeng lumapit sa amin at hatakin ang tenga ng lalaki.
“Sesanghe, Ji Min Sol.” Sabi niya sabay hatak ng sa tingin ko ay asawa niya.
“Don’t mind my father, he likes you that’s why.” Nagulat ako ng bumulong si Sol sa likod ko. That’s her father?
Nilahad ni Michael ang kamay kaya kahit nagaalangan ay pinatong ko ang kamay ko dito.“Don’t worry, unnie. Hindi sila nangangain.” Nanlaki ang mata ko sa binulong ni Sol. She can speak tagalog.
“You speak tagalog.” Sabi ko sa kanya pero ngumisi lang siya.
“Uh hu?” ngising sabi niya bago lumapit sa isang kumpol ng mga kasing edad niya. Dalawang babae at tatlong lalaki, probably cousins.
“Hera, welcome to the family.” Nakangiting sabi ni sir- kuya Mico sa akin at nagulat ako ng yakapin niya ako.
“Alam ko na kaya mong ibalik sa amin siya.” naguluhan ako sa binulong niya.
“Hyung,” tawag ni Michael dito.
“Easy, bro. I’m happy with my wife and children.” Ngising sabi niya. Nagulat ako ng yumakap din si Miss- ate Dianne sa akin at muling bumulong.
“I told you, magiging masaya ka rin at nahanap mo na ang makakapagpasaya sa iyo.” Napangiti ako sa binulong niya at lumingon sa monster na nakikipagusap na sa iba niyang kamag- anak.
“Thank you for everything.” Nakangiti kong sabi, sinabi ko na si ate Dianne ang isa sa mamimiss ko sa mansyon ng mga Avellino nang umalis ako at alam kong totoo ang lahat ng pinakita niya sa akin.
“Welcome to the family, you know what? I know you’re feeling, ganito rin ako nang unang beses akong iharap ni Mico sa kanila.” Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa asawa at mga anak na naglalaro kasama ng iba pang pinsan siguro na bata rin. Mabilis akong humarap sa kanya.

BINABASA MO ANG
My Oppa and I
Romance"ARE YOU READY TO BE PART OF HIS LIFE?" KPOP? Idol? Korean? Oppa? What about them? What they have para hangaan sila ng marami? Handsome? Cool? Good Voices? Good Dancers? Talented? They are almost perfect but who they really are? Paano kung isang a...