Chapter 29 Music Video

0 0 0
                                    

Chapter 29 Music Video

Kunot noong tiningnan ko ang pinsan ko na hindi makatingin sa akin. Sorry for what? At ang isang malaking tanong ay anong ginagawa niya sa funeral chapel? May binisita ba siya dito?

“Ate, please enlighten me. Naguguluhan ako, what do you mean?” nalilitong tanong ko, huminga siya ng malalim bago salubungin ang tingin ko.

“Sorry because all of this happened because of me.” Kumunot ang noo ko.

“What?”

“Michael is my ex boyfriend.” Nagulat ako sa sinabi niya. Madelaine Ocampo is my cousin and she is…

“Ikaw si Maddy?” gulat na tanong ko kaya siya naman ang kumunot ang noo.

“Did you know?” tumango ako.

“His ex’s name is Maddy, nabanggit niya before.” Sabi ko pero nagtaka ako ng ngumiti siya ng matamis sa akin.

“Yes, 9 years ago the day of your mother’s death is the day we broke up. Nakipaghiwalay ako sa kanya sa-” pinutol ko siya.

“Taal Lake…” ngumiti siya at tumango sa dinugtong ko.

“He really loves you, huh? Michael is someone who wants keeping his secrets. Lalo na sa past, hindi siya mabilis magkwento sa isang tao unless importante sa kanya ito at pinagkakatiwalaan. And knowing, na alam mo ang lahat you are the most important for him.” Umiwas ako ng tingin, but he didn’t say about the accident.

“By the way, yes I broke up with him in the place that special for us.” Muli akong nagsalita.

“Wait, did you… did you loved him?” tanong ko at tumango siya.

“Yes, I did but something happened that we’re not in controlled.” Kumunot ang noo ko, ito rin ang sinabi ni Chairman Ji.

“Before I met Michael, naengage ako sa anak ng business partner ni Dad and so I agreed dahil akala ko hindi na ako magmamahal. Pero nakilala ko si Michael, I loved him. Isang taon din ang naging relasyon namin pero nalaman ito ni Dad. Pinamadali niya ang kasal namin ni Carlos noon at ipapadala niya ako sa Spain. Hindi ako pumayag at sinubukan kong ipaglaban si Michael sa mga magulang ko pero pinagbantaan nilang sisirain ang buhay nito. Hera, I did loved him pero natakot ako, you know my dad. Gagawin niya ang banta niya kaya nakipaghiwalay ako.

Nagpunta ako dito nang mabalitaan ko ang nangyari sa nanay niya, kahit matagal na kaming hiwalay ay naging magkaibigan pa rin kami. Sinabi niya ang nangyari nang gabing iyon sa akin, he got drunk because of our broke up. Nagpunta siya sa bahay bago siya magpakalasing at nagpakilala siyang boyfriend ko sa mga magulang ko pero itinanggi ko nang pinanlakihan ako ng mata ni Dad. Umalis siya at nagpakalasing dahil nasaktan siya, nasaktan ko ang lalaking minahal ko at hindi ko alam ang naging epekto ng ginawa ko.

Naging cause pala siya ng aksidenteng kinamatay ni tita Selene. Sinabi ni Michael ang lahat sa akin nang sabihin kong pinsan kita dahil binanggit niya ang pangalan mo. Earlier, I saw you and him, it was hurt. Lalo na nang malaman kong ako ang nagcause ng lahat.” Umiyak siya at nagulat ako nang lumuhod siya sa akin.

“Ate,” inalalayan ko siyang tumayo pero umiling siya.

“Patawarin mo ako, alam kong mahal niyo ang isa’t isa kaya hindi ko kayang makitang nahihirapan kayo dahil sa nakaraan. Minahal ko si Carlos nang nasa Spain na kami lalo na nang dumating si Celine sa buhay namin. Naging masaya ang pamilya namin without knowing na kayo ang naging kapalit ng lahat. Nagdurusa kayong lahat dahil sa kagagawan ko. Ikaw, si tito Harold, si Michael, I know nasasaktan ko kayo kaya patawarin niyo ako.” Umiling ako at niyakap siya.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon