Chapter 32 Concert

0 0 0
                                    

Chapter 32 Concert

“Ma’am, coffee?” nakangiti kong tinanggap ang alok na kape ng flight attendant.

“Nakailang kape ka na, Hera? Hindi pa tayo nakakalipad ay baka himatayin ka na.” ngumisi lang ako sa sinabi ni tita Bree.

Hindi naman ako kinakabahan dahil sa pagsakay sa eroplano kahit first time ko ito. Alam ko rin sa sarili kong hindi dahil ngayon lang ako magconcert abroad. Maybe dahil may chance na magkita kami. Ilang percent ba ang sinabi ni Eli na magkita kami? 20 percent? Mababa pero ewan ko ba hindi pa rin mawala sa akin ang kaba.

Sabi ko na kakalabanin ko ang tadhana pero hindi ibig sabihin ay hahanapin ko siya o makikipagkita ako. Ito lang ang bagay na iaasa ko sa tadhana makalipas ang tatlong taon. Kung habang nanatili ako sa Korea bago kami umuwi ay magkita kami baka iyon ang fate pero kung uuwi akong hindi siya nakikita ay malugod kong tatanggapin na hindi kami ang para sa isa’t isa.

Napapikit ako ng mga mata habang dinadama ang lamig na tumatama sa aking katawan. Nagulat ako nang may maglapag ng makapal na jacket sa likod ko. Paglingon ko ay ang nakangising si tita Bree.

“Sa isang araw pa ang concert at baka hindi ka pa nagsisimulang kumanta ay mapaos ka na.” naiiling niyang sabi bago tulungan ang driver ng van na sumundo sa amin dito sa Incheon International Airport.

Nagpalinga linga ako nang makaramdam ng kakaiba like someone is watching me.

“Miss Hera, let’s go.” Pinagkibit balikat ko na lang ang nararamdaman dahil baka may nakakilala lang sa akin lalo na at hindi lang ako sa Pilipinas sikat. Sumunod na ako kay Ems na sumakay na ng van.

“Pagdating sa hotel ay magpahinga ka, Hera. Hindi pwedeng may jetlag sa concert mo. Pangit kapag may eyebags ka.” Ngumuso lang ako samantalang si Ems ay natawa.

“Gusto ko pa naman sana mamasyal.” Nakanguso kong sabi, ang tagal ko nang pangarap na makarating dito tapos kj ang manager ko.

“Marami pang pagkakataon mamasyal. Isang buwan tayong titigil dito.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni tita Bree.

“Seriously? I thought isang linggo lang dahil tatlong araw lang ang concert ko?” nakangisi siyang nagkibit balikat kaya tumitiling niyakap si tita Bree na natatawa lang.

“Waahh, Ems. Marami tayong pupuntahan kaya handa mo na ang itenerary.” Natatawang nagthumbs up si Ems sa akin samantalang nakangiting umiling si tita Bree.

“Oo dahil pumayag si Miss Kat sa isang buwang leave mo.” Ang laki na ng ngiti ko sa sinabi niya.

******

“Baka gusto mong magpalit?” napanguso ako kay tita Bree na bahagyang pinalo ang pwet ko. Pagdating kasi sa hotel ay agad akong dumapa sa kama dahil nang makita ko ito ay bigla akong nakaramdam ng pagod.

Bumangon ako at kumuha sa maleta kong inaayos pa ni Ems. Bago pumasok ng CR ay nilingon ko sila.

“Saan tayo kakain? I’m hungry.” Sabay silang natawa.

“Ayaw mong room service na lang para makapagpahinga ka na?” umiling ako sa sinabi ni tita.

“I want to eat outside.” Sabi ko.

“It’s cold at baka mapaos ka.” Umiling ako kaya bumuntong hininga si tita bago tumango kaya nakangiti ko siyang niyakap. No one can resist my charms.

Pumasok na ako sa CR para magbihis at nang matapos ay lumabas na ako. Nakabihis na rin silang dalawa kaya lumabas na kami ng kwarto.

“Kuya, may alam kang masarap na restaurant?” tanong ni tita sa driver namin na nalaman kong Pilipino rin pala.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon