Chapter 35 Ring

1 0 0
                                    

Chapter 35 Ring

Nasaan ako? Nilibot ko ang paningin pero wala akong makita kundi puro bulaklak lang. Napakaganda ng lugar at di ko alam na may ganitong lugar. Para siyang isang paraiso na napapaligiran ng maraming bulaklak.

“Hera,” napadiretso ako ng tayo dahil sa tawag na iyon. Pamilyar ako sa boses niya dahil ilang taon ko iyong hinahanap.

“Hera, anak.” Lumingon ako at nakita ang Mami ko na nakangiti.

“Mami,” sabi ko na parang bata habang may tumutulong luha. Tiningnan ko ang itsura ko at pansin ko na para akong naging bata.

“Mami, ano pong nangyayari?” ngumiti siya bago ako yakapin, hindi ko na napigilan ang pagalpas ng luha ko. How I missed my mother’s hug.

“Anak, sobrang saya ko.” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Po?” nagtataka kong tanong.

“Matagal ko nang hinihintay na matuto kang magpatawad at tanggalin ang galit sa puso mo. Anak, alam kong aalagaan at mamahalin ka niya kaya sana maging masaya ka kasama niya. Hindi nagkamali ang Papi mo na ipagkatiwala ka niya sa lalaking higit kang mamahalin.”
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

“Katulad ng sinabi ko sa iyo dati, makikilala mo ang lalaking higit kang mamahalin. Kaya masaya na ako dahil alam kong malapit ka nang makuntento at maging payapa.” Napailing ako at lalong bumuhos ang luha ko nang makita ko siyang unti unti lumalayo sa akin habang nakangiti.

“Be happy.”

Napabalikwas ako dahil sa panaginip na iyon. Is it a dream or my mother really talked to me? Kinapa ko ang dibdib ko at napangiti. Ito ang kauna unahang beses na napanaginipan ko siya nang walang sakit sa dibdib. Yung imbes na lumuha dahil sa sakit ay alam kong luha ito ng kagalakan. Napalingon ako sa pinto nang makarinig ng katok.

“Miss Hera? Gising ka na?” narinig ko ang boses ni Ems.

“Yes, I’m awake. Why?” tanong ko sa kanya.

“May bisita ka.” Napangiti ako sa sinabi niya, alam ko na kung sino ang bisita ko.

“Okay, just give me 15 minutes.” Sabi ko at bumangon na sa kama.

“Okay.” yun na lang ang narinig ko bago ko narinig ang yabag niya palayo.

Kinuha ko na ang towel ko na nakasabit sa upuan bago pumasok ng banyo.
Exactly 15 minutes ay natapos ako maligo at magbihis kaya mabilis lang akong lumabas ng kwarto. Paglabas ay nakita ko si Ems na palabas na ng hotel room namin.

“Ems, san punta?” nilingon niya ako bago ngumisi.

“Date, siya na muna bahala sa iyo. Pinayagan ako ni tita Bree kaya dayoff muna ako bilang julalay. Ciao.” Flinip niya pa ang buhok bago lumabas kaya napanganga na lang ako. Date dito sa Seoul?

“I heard, she has a date with Theo.” Nilingon ko ang nagsalita at mabilis akong napangiti nang makita siya. Why so handsome in the morning, my boyfriend?

“Theo? You mean you’re bandmates?” tumango lang siya sa at bumalik sa kusina kaya mabilis akong sumunod sa kanya.

“Wait, why? Don’t tell me, Ems is one of his game? No, I don’t want that.” kinurot niya lang ang ilong ko kaya napanguso ako.

“Silly, of course not. It’s just a friendly date. She is the lucky winner who have an opportunity to date the one of the Real Quick members.” Sabi niya habang hinahanda sa lamesa ang pagkaing dala niya yata dahil nakamicrowavable. Tumaas ang kilay ko sa kanya.

“What? May ganun kayo? So kasama ka? Naghahanap kayo ng date?” umiling siyang nakangiti bago ako hatakin at paupuin.

“That’s before and I heard last na ang assistant mo.” Nakangiting sabi niya habang patuloy akong pinagsisilbihan ng pagkain. Napangiti na rin ako, hindi ko akalain na ang magmahal ng isang Michael Ji ay magiging buhay prinsesa na.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon