Chapter 34 Forgiveness

1 0 0
                                    

Chapter 34 Forgiveness

“You have your wedding soon, right?” my heart sank when he nodded.

“But why?”

“Actually, it’s not yet settle?” bakit ba ang hilig niyang putulin ang sasabihin niya? Pinapahirapan niya ang sarili na nakaluhod.

“Can you please stand up? Ako ang nahihirapan sa iyo. Bakit hindi pa settle?” sabi ko at nakita ko siyang ngumisi pero nanatili siyang nakaluhod. Bahala siya sa trip niya sa buhay.

“Dahil di ko pa alam kung papayag siya.” napapikit ako sa inis, isang tanong isang sagot ang monster.

“Alien ka ba?” tanong ko at nakita ko siyang ngumisi, mukhang may naaalala.

“Bakit?” inirapan ko siya.

“That is not a pick up line. I asked that because you are one question one answer. Just get it straight, Michael.” Malamig kong sabi. Nakita ko siyang humugot ng malalim na hininga na parang kinakabahan habang nanatiling nakaluhod.

“Yes, I will be getting married but before it happens I need to ask her first.” Seryoso niyang sabi sabay tayo at naglakad ito palapit sa akin kaya napaatras ako. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko.

“Hera Jane Valle, three years ago when I first saw you outside the dressing room in our concert you are the most annoying person I met. You make my heart beats fast effortlessly, habang pinapanood kitang makipagusap sa mga kabanda ko. You captured my heart and whole attention until I grabbed your hands because I thought you are Maddy, you looked a like.” Natatawa niyang sabi kaya nairita ako, pinagkamalan niya akong yung pinsan ko? I know marami nagsasabing magkamukha kami pero ewan ko ba nairita ako.

“Hera, like what you said I didn’t need to say sorry because it all happened and I can’t do anything to changed that. I can’t give back your mother’s life. I made you and your father's life miserable. Lumayo ako at hinayaan kita dahil sobrang sakit ng ginawa ko sa inyo at walang kapatawaran iyon katulad nang sabi ni Dad but damn I can’t get you out of my system. I missed your laugh, smile, your annoying face, and I missed your hug and kisses. Hera, I know biglaan pero kasi I want you mine. Ayoko nang lumayo ka pa sa akin, kahit alam kong maari kang tumakbo ngayon ay naglakas ako ng loob. I love you at wala akong babaeng pinangarap pakasalan kundi ikaw lang.” hindi na ako makahinga sa sinabi niya. Humarap siya sa tatay ko at mga kaibigan pagkatapos ay bumaling siya sa pamilya niya.

Higit naming lahat na kinagulat ay ang pagluhod niya kay Papi. Hindi lang siya basta lumuhod, idinikit niya ang ulo sa sementong sahig na parang nagbibigay galang sa tradisyon nilang Korean.

“I’m sorry, sir for causing you pain. I’m sorry that I made your princess cry. I won’t promise that I will not make her cry again but I only promise is every tears that falling into her eyes is I will always wipe that tears of her. I love your daughter, so before I ask her I ask you first. Gusto ko pong hingin ang kamay niya upang hawakan ito habang ako ay nabubuhay.” Nagtilian ang mga babae at ang mga lalaki naman ay nakangisi.

“Aaminin ko na nasaktan ako at nagalit sa taong dahilan ng pagkamatay ng asawa ko pero tinanong mo ako kung bakit nga ba hindi ko pinabuksan ang kaso?” tumango siya sa tanong ni Papi. Ngumiti ang tatay ko bago tumingin sa akin.

“Dahil magulang din ako, matapos kong puntahan si Selene sa morgue ay nandilim ang paningin ko at sinabi kong mabubulok sa kulungan ang lasing na dahilan ng aksidente. Pero napahinto ako sa tapat ng kwarto mo sa hospital dahil sa narinig ko. Your mother was crying and your father hugged her. Napakasakit na eksena sa isang magulang kaya hindi ko sila masisisi kung hindi nila sinabi sa iyong may namatay ng gabing iyon.” Lumingon si Papi kay Chairman Ji.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon