EPILOGUE
Michael’s POV
Banayad, tahimik ang paligid nang umupo ako sa damuhan kabaligtaran ng nararamdaman ko. I touched her tombstone and stare at it coldly. Gusto kong may maramdaman, gusto kong masaktan at umiyak pero parang napagod na akong gawin iyon simula nang makita ko ang galit sa mga mata niya.
“I’m sorry, Mrs. Valle. I killed you, I am a murderer.” Napapikit ako nang humangin ng malakas dahilan ng pagkapuwing ko. Mapait akong ngumiti.
“Galit po ba kayo sa akin? Ako na dahilan kung bakit hindi niyo na kasama ang anak ninyo, pinaiyak ko pa ang prinsesa niyo. She’s right, I am not lovable. Everyone leaves me because I'm a bad person, I'm not worthy for their love.” Dito ako sa sementeryo kung saan nakalibing ang nanay ng babaeng mahal ko dumiretso matapos kong humarap sa bahay nila. It’s hurting, I am damn hurting by her words but who am I para magreklamo? I made her suffer, I made her life miserable because I took the life of their light.
“Can you punish me, Mrs. Valle? Punish me with all you want dahil ginulo ko ang buhay niyo.” Akala ko wala na akong mararamdamang sakit at hindi na ako luluha. Damn, it’s gay but I don’t care. Laging sinasabi ni Eomma nang mga bata pa kami ni hyung na walang pinipili ang pag-iyak na kasarian. Babae o lalaki ay may karapatang umiyak dahil lahat tayo ay may puso at marunong masaktan lalo na kapag pagod na. Ang luha ng isang tao ay parang isang pawis, lumalabas siya kapag napapagod na tayo.
Nag-angat ako ng tingin nang may humawak sa balikat ko. nakangiting mukha ni hyung ang sumalubong sa akin. He sat down at my side and hugged me tightly. Lalong bumuhos ang mga luha ko.
“Hyung, I made her cry. I want to kill myself because I made the woman I love cry. She’s hurting because of me.” I repeated those words to him until I’m tired.
“I’m tired, my brother.” Mahina kong sabi, he tapped my back.
“Then rest, Michael. All you need is rest but after that, you fight. Not only because of her but for you too. You both need a rest from all of this.”
Nang araw na iyon ay bumalik kami ng Manila ni hyung at sinunod ko ang payo niya. Mas nagfocus na lang muna ako sa responsibilidad ko sa banda. Ilang linggo ang lumipas at masasabi kong I’m trying to forget all of what happened but I can’t get out of her in my system. Every night, I wished that I can hold her, kiss her and hug her tight but I know I can’t. She hated me and it kills me.
Dalawang buwan ang lumipas at pagkauwi ko galing sa taping para sa music video, collaboration with Jazz 4 ay hindi ko inaasahan ang sinabi ni Nanay Pining sa akin.
“Michael, ang mommy mo sinugod sa ospital nang nawalan ng malay.” Agad akong tumakbo pabalik sa kotse ko ng di nagpapaalam sa kanya. Mabilis lang ay nakarating na ako sa ospital at nakita sa labas si Appa na wala sa sarili. Ilang beses niyang sinuntok ang pader sa tapat niya kaya lumpait ako.
“Appa,” lumingon siya sa akin at nagulat ako nang yakapin niya ako.
“I’m glad you’re here. Kanina ka pa niya hinihintay.” Sabi niya kaya sabay na kaming naglakad papasok. Nagpaiwan si Appa sa labas at nang tanungin ko kung bakit sabi niya hindi niya kayang makitang nahihirapan si Eomma.
“Eomma,” mahinang tawag ko sa kanya, naabutan ko si Noona na pinapakain si Eomma. Ngumiti siya bago tumayo at tapikin ang balikat ko.
“Talk to her before it’s too late.” Sabi niya at naglakad na palabas ng kwarto. Naglakad ako palapit sa babaeng una kong minahal at nagmahal sa akin.
“Mom,” muli kong pagtawag kasabay ng paghawak ko sa kamay niya.
“Michael, I want to say sorry for all I did. I just did what I think is best for you. I love you son.” I heard her low voice, I shook my head.

BINABASA MO ANG
My Oppa and I
Romantiek"ARE YOU READY TO BE PART OF HIS LIFE?" KPOP? Idol? Korean? Oppa? What about them? What they have para hangaan sila ng marami? Handsome? Cool? Good Voices? Good Dancers? Talented? They are almost perfect but who they really are? Paano kung isang a...