Agad ko siyang hinatak patayo at sabay kaming tumakbo paakyat.
“Wait, where are we going?” tanong niya nang huminto kami para huminga dahil pareho na kaming hinihingal.
“Basta, sabi mo galit ka kaya tara na.” hinatak ko siya ulit paakyat at himala dahil hindi na siya nagreklamo o sinigawan ako at nanatili na lang siyang tahimik kahit hawak ko ang kamay niya.
Ginto pa naman ang makinis niyang kamay kabaligtaran ng akin na magsapang dahil batak sa trabaho. Ako pa nga dati ang laging naghuhugas ng tambak na plato sa kainan dahil nagtitipid kami sa tao.
Nang marating ang pinakataas ay pareho na kaming hinihingal. Sabay naming binuksan ang pinto ng rooftop at sumalubong sa amin ang malakas na hangin. Napunta tuloy ang buhok ko sa mukha ko dahil sa hangin kaya itinali ko ito.“Anong ginagawa natin dito?” tanong niya pero ngumisi ako.
“Tumalon ka na para tapos ang problema.” Nakangisi kong sabi kaya nanlaki ang mata niya na kinatawa ko. I didn’t know that he’s that gullible.
“Are you crazy? Why would I jump? Ikaw na lang.” sabi niya at maglalakad na sana pabalik nang pigilan ko siya.
“Wait, hindi ko alam na uto uto ka pala. Nagbibiro lang ako.” sabi ko at hinatak siya papunta sa dulo.
“I said I don’t want to jump. Hindi pa sira ang ulo ko.” Sabi niya.
“Hindi ka tatalon, sabi ko naman nagbibiro lang ako. Sumigaw ka.” Sabi ko.
“Ha?” kunot noo niyang tanong.
“I said shout. Sabi ko kanina kapag galit ka sumigaw ka. Sumigaw ka dito at walang pipigil sa iyo, wag ka nga lang tatalon.” Sabi ko at umakyat sa harang, sumigaw ako ng pagkalakas lakas.
“Bakit kailangan pa kaming mahirapan!? Ibalik niyo ang eatery ng Papi ko! Namimiss na kita Mami!!” sigaw ko at ilang sigaw pa bago ako huminto at hinihingal na lumingon sa kanya. “Try it.” Sabi ko pero umiling siya. “Bakit?”
“I’m aerophobic.” Sabi niya kaya nagulat ako. I thought perfect siya gaya ng sabi niya maliban sa pamilyang meron siya. Hindi ko akalain na ang isang gaya ni Michael Ji ay takot sa matatataas.
“Then shout where you are.” Sabi ko at bumaba para tumabi sa kanya.
“I hate you, I hate all of you! Bakit niyo ako pinahihirapan?! Bakit kailangan niyo pang maghiwalay?! I hate you!!” Sigaw niya ng paulit ulit, napatitig ako sa kanya.
“Again. Is that it? Is that all your anger?” tanong ko kaya sumigaw pa siya ng ilang ulit bago hinihingal na tumitig sa akin kaya napatitig na naman ako sa kanya.
Hindi lang ba siya galit sa nanay niya kundi maging sa tatay niya dahil naghiwalay sila? Hindi ko siya masisisi kung galit siya. Napaupo siya sa sementadong sahig dito kaya nagulat ako lalo na ng bigla siyang sumubsob sa mga tuhod niya hanggang sa narinig ko ang paghikbi niya. Tahimik lang ako sa tabi niyang pinanood siya, he’s like a lost child.
“Bakit may mga magulang na makasarili? Naghihiwalay sila dahil gusto lang nila at hindi tinatanong ang mga anak nila. Kailangan ba talagang sarili lang nila ang isipin nila?” hindi ako makasagot sa tanong niya.
Hindi kailanman naghiwalay ang mga magulang ko at nakita ko ang kanilang pagmamahalan bago mamamatay ang Mami ko. Nakita ko pa nga kung anong naging epekto nang pagkamatay ni Mami kay Papi. Tinupad nila ang pangakong kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa kanila.
“I don’t know, maybe they have reasons.” Yan na lang ang nasagot ko.
“What reason it can be? Hindi pa ba kami enough reason para huwag silang maghiwalay? Kami ni hyeong.” Umiwas ako ng tingin.

BINABASA MO ANG
My Oppa and I
Romance"ARE YOU READY TO BE PART OF HIS LIFE?" KPOP? Idol? Korean? Oppa? What about them? What they have para hangaan sila ng marami? Handsome? Cool? Good Voices? Good Dancers? Talented? They are almost perfect but who they really are? Paano kung isang a...