Aiden's Point of View
"So, what are the rules you want to put in the contract, hmm?" He parted the hair that blocked my eyes while still smiling.
I averted my eyes. Why does our position seem to be like a couple?
Lumayo ako sa kaniya ng unti bago magsalita, "Hmm... Teka, hanggang kailan ba ako magpapanggap na girlfriend mo?"
Tumingin sa ceiling si Wyatt na tila nag-iisip, "Hindi ko pa sure. Hindi ko naman kasi alam kung hanggang kailan ka papupuntahin ni grandpa sa bahay."
"Hindi ba talaga ako mahahalata?" Tanong ko, "Kilalang-kilala na nila ang mukha ko kaya imposible na hindi nila ako makilala."
Ngumiti siya, "Easy ka lang, dapat think positive lagi."
"Kinakabahan pa rin ako," sabi ko at tumingala.
Matagal na kaming magkaibigan ni Wyatt, at kilala na rin ako ng pamilya niya simula pa noong bata pa kami. Malabo na hindi nila mahalata o mapansin na ako ang girlfriend niya kapag tumagal ang pagpapanggap namin. Kaya dapat mga tatlo o dalawang beses na pagkikita ay ayos na. Dahil kung isang buwan naku! Wala na mabibisto talaga kami no'n.
"Aiden, isang rule lang ang gusto kong ilagay sa kontrata," sabi niya na nagpalingon sa'kin sa kaniya.
"Ano naman?" Tanong ko.
'Yung kiss kaya 'yon na sinabi ko? Sabagay pareho naman kaming lalaki kaya malabo rin na mangyari 'yon. Kung holding hands naman, hmm... tiyak na magagawa namin 'yun sa harap ng family niya kasi magpapanggap nga akong girlfriend niya 'di ba? Ano naman kaya ang naisip ng lalaking 'to?
Tumawa muna siya ng malakas bago sumagot, "Bawal ka ma-inlove sa'kin." Sagot niya saka tumawa ulit ng malakas.
What the heck?
Dahil sa inis sa lakas ng tawa niya ay sinipa ko siya, dahilan para mahulog siya sa kama.
Napahawak siya sa likod niya habang ang mukha niya ay namimilipit sa sakit, "Ouch! Damn, ang sakit! Bakit mo naman ako hinulog?"
Binato ko siya ng unan bago sumagot, "Ang lakas kasi ng tawa mo naiirita ako."
"Parang 'yun lang?" Pumikit ito dahil sa sakit at dahan-dahan na tumayo.
"Magluluto na ako, anong gusto mong kainin?" Tumayo na rin ako at hindi na pinansin ang pagmamaktol ni Wyatt.
"Ikaw," sagot niya.
Agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin, "Cannibal ka ba?"
Tumawa siya ng malakas saka lumapit sa'kin, "Ang sarap mo talagang asarin, Aiden." Niyakap niya ako, "Para kang babae "
Nagulat ako sa sinabi niyang, "para kang babae" kaya bigla ko na lang na tuhod ang pagkalalaki niya. Dahil sa ginawa ko ay napaluhod siya habang nakahawak sa pagkalalaki niya.
"Ugh, damn! Bakit ang hilig mong manakit?!" Daing niya.
"Kasalanan mo," sabi ko at iniwan na siya ro'n. Dumiretso ako sa kusina at naghanda na ng mga iluluto.
Alam naman niya kung gaano ako ka-sensitive sa salitang 'yon. Ayokong sinasabihan ako ng gano'n, kahit aware naman ako na mukha talaga akong babae.
Dahil sa mukha kong 'to, maraming lalaki ang lumalapit sa'kin at inaasar ako na mukhang babae. Minsan, tinutukso pa nila ako na baka raw ay bading ako. Dahil din sa mukha ko na 'to ay muntik na akong ma-rape ng tito ko. That's why, I hate my face. Ayoko rin sa katawan ko dahil mas lalo akong nagmumukhang babae.
May mga nagkakagusto sa'kin na mga babae pero kapag na-reject ko na sila ay maririnig ko na lang sila na sinasabing, "Baka nga talaga bading siya. Mukhang hindi kasi talaga siya interesado sa mga babae." At meron pang, "Baka si Wyatt talaga na bestfriend niya ang gusto niya, lagi silang magkasama 'di ba?" Tapos ay magtatawanan sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/317225296-288-k441551.jpg)
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Romance[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...