Aiden's Point of View
Nasa eskwelahan na kami ni Wyatt. Ako ang unang gumising sa 'ming dalawa kaninang umaga. Akala ko ay malilimutan ko ang nangyari kagabi dahil sa kalasingan ngunit akala ko lang pala iyon. Mas malinaw pa sa tubig na iniinom ko ngayon ang lahat ng nangyari sa 'min kagabi. Hindi ko alam kung naaalala ni Wyatt dahil simula noong gumising siya ay mukha naman siyang maayos at walang iniisip. Hindi niya kaya talaga maalala na may nangyari sa 'min kagabi? Hindi naman siya mukhang lasing noong may mangyari, sa katunayan niyan ay ako talaga ang mukhang lasing sa 'ming dalawa.
Sigh, walang papasok sa utak ko sa mga lesson kung ang nangyari kagabi ang lagi kong iisipin pero hindi ko mapigilan. Gusto ko tanungin si Wyatt kung may naaalala siya para makasigurado pero nahihiya ako. Paano kung sabihin niya na may naaalala siya? Ano naman ang sasabihin ko?
Hanggang tanghali lang ang pasok naming ngayong araw dahil two subjects lang ang mayro'n kami. Lumabas na ako ng silid kasabay si Hans, samantalang sina Wyatt, Jacob at Yuan ay nasa unahan namin naglalakad.
Sabi ni Hans, napag usapan daw nila na pupunta raw uli sila sa condo para mag-inom, sinabihan na rin daw nila si Wyatt. Susunod na lang daw si Wyatt dahil may pupuntahan pa siya. Nang tanungin ko naman si Hans kung saan pupunta si Wyatt, ang sagot niya sa 'kin ay, "Baka kay Vanessa? Alam mo na, he's making a move with Vanessa." Pagtapos ay tumawa siya.
Hindi ko alam ngunit parang may kumurot sa 'king dibdib nang marinig ang sagot ni Hans. Pero imbes na isipin pa 'yon ay pinagsawalang bahala ko na lang. Masasaktan lang ako kung mas lalo ko pang iisipin.
Tanggap ko na na may gusto ako kay Wyatt pero wala akong balak na sabihin iyon sa kaniya. Kung ang feelings ko lang ang makasisira sa friendship naming dalawa ay h'wag na lang. Handa akong itago ang nararamdaman ko para sa pagkakaibigan namin. Handa rin akong masaktan patago para hindi niya malaman o mahalata ang feelings ko para sa kaniya. Alam kong lilipas din ang nararamdaman ko sa kaniya... mawawala rin ito at magf-fade, hihintayin ko na lang ang araw na 'yon hanggang sa hindi ko na mamalayan.
Isa pa, I don't want him to become like me. Maraming may gusto kay Wyatt, kilalang-kilala siya sa buong eskwelahan kaya ano na lamang ang mangyayari kung magiging katulad ko siya? Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nangyari 'yon?
Ayoko rin sabihin sa kaniya kung ano ang narealize ko sa sarili ko. Ayoko na layuan niya ako na parang isang nakakahawang virus. Ayokong lumayo ang loob niya sa 'kin at isipin na ilang taon siyang nagkaroon ng kaibigan na hindi straight.
Hindi pa rin ako sure kung ano nga ba talaga ako. Kay Wyatt ko lang naman ito unang naramdaman kaya hindi ko pa masasabi na isa akong gay. Mahinhin ako kumilos, mukhang babae ang mukha pero hindi ako kasing lambot ng ibang gay na nakikita ko – 'yong tipo na kumekembot ang puwet tuwing naglalakad. Pero hindi ko rin masabi na isa akong bisexual dahil hindi pa naman ako na-attract sa kahit sinong babae. Maganda si Danica pero... I don't know, maganda siya pero hanggang do'n lang 'yung naiisip ko sa kaniya.
Nakauwi na ako sa condo. Nag-shower muna ako bago naglinis ng bahay. Habang nililinis ko ang kwarto ay naalala ko kung ano ang nangyari ro'n kagabi. Agad umakyat ang dugo ko sa 'king mukha dahilan para uminit iyon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at umiling, pilit pina-aalis sa isip ang nangyari kagabi.
"Damn it," bulong ko sa sarili.
Siguro naman ay wala ng mangyayari na gano'n hindi ba? Shit. Erase! Ayoko na mag-isip.
Nagpatugtog na lamang ako ng musika habang naglilinis para walang maisip na kung anu-anong bagay. Baka mabaliw lang ako kapag nagpatuloy pa ang mga naiisip ko. Lumabas na rin ako sa kwarto matapos malinis iyon.
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Romantizm[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...
![Girlfriend? For Hire! [BL]](https://img.wattpad.com/cover/317225296-64-k441551.jpg)