Chapter 12

1.1K 34 0
                                        

Wyatt's Point of View

"Why? You don't like my kiss?" I asked, seriously. "Hindi ba ako magaling?"

"Ano b-bang pinagsasabi mo? Tumigil kana sa kalokohan mo, may klase tayo ngayon," bumaba siya sa kama, palabas na siya ng kwarto nang ma-out of balance siya.

Agad akong tumayo at dinaluhan siya para alalayan tumayo.

Pinatunog ko ang dila ko sa asar. "Tsk. H'wag kana kasing magmatigas. Kung hindi mo kaya, h'wag mo na pilitin pa ang sarili mo."

"Paano kung bumagsak ang mga grado ko?" Tanong niya.

Lumabas kami ng kwarto at dahan-dahan ko siyang pinaupo sa couch sa living room.

Umupo ako sa tabi niya. "Isang araw ka lang naman a-absent hindi buong semester."

He bowed his head. "Even so..."

I heaved a sigh. "Just stay here with me, okay? I'll take care of you." I stood up and went to the kitchen to cook.

"What are you going to do?" Tanong niya.

I turned to him. "Magluluto, ano ba sa tingin mo?"

He just pouted and did not answer anymore. Samantalang ako naman ay tinuon na lamang ang atensyon sa pagluluto. Habang inaantay maluto ang kanin ay ni-message ko si Jacob.

To: Jacob,

Gawan mo ako ng excuse letter at pati na rin si Aiden. Hindi siya makapapasok dahil may sakit siya, at ako naman ay hindi makapapasok dahil aalagaan ko siya. Ikaw na ang bahala gumawa ng excuse, 'yung makatotohanan dapat at siguradong maniniwala ang mga prof natin. Salamat! I'll treat you next time.

Pagtapos iyon i-send ay tumayo ako para naman haluin ang niluluto kong ulam. Pagkatapos ko haluin 'yun ay umupo na ako ulit. Pinatong ko ang siko ko sa lamesa habang nilagay ko naman ang baba ko sa 'king palad at pinagmasdan si Aiden na nakaupo sa living room habang nanonood ng pelikula sa TV.

Ugh, I want to touch him.

>\\\<

Matapos maluto ng kanin at ulam ay inalalayan ko nang tumayo si Aiden papunta sa dining area para kumain. Dahan-dahan ko siyang pinaupo sa upuan, tumabi ako sa kaniya at pinagsandok siya ng pagkain niya.

"Hindi pa naman putol ang kamay ko," he said, sarcastically.

"I just want to treat you well," sabi ko. "Ilang araw din tayong hindi nakapag-usap ng maayos, hindi mo man lang ba ako na-miss?"

Lumingon siya sa 'kin at tinitigan ako nang masama. "Ako ba ang may kasalanan?"

"Wala naman akong sinabi na ikaw ang may kasalanan." nagkibit-balikat ako. "Siguro dahil pareho lang tayong busy."

Pero ang totoo niyan, ayoko talagang pumunta rito dahil masama pa rin ang loob ko sa naging pag-uusap namin ni Aiden noong nakaraang araw. Kaya sa pagpunta na lang sa bar at sa pagsama sa tatlong ilog na lang ang ginawa ko.

Nu'ng pumunta akong bar na kasama si Vanessa, hindi ko naman aakalain na pupunta ro'n si Aiden para sunduin ako. Hindi ko naisip na tatawagan siya ni Grandpa para tanungin kung nasaan ako. Pero nu'ng hinalikan ko si Vanessa ay nagawa ko lamang 'yun nang makita ko siyang nakatingin sa 'kin. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko kung bakit ko 'yun ginawa. Siguro nadala lang ng alak. Pero 'yung paghalik ko kay Danica nu'ng nasa parking lot kami ay hindi ko inakalang makikita rin 'yun ni Aiden. Dahil do'n ay parang ayoko na ulit magpakita sa kaniya. Pero nagbago ang nasa isip ko nang malaman na inaantay pala ako ni Aiden pumunta rito nang magkasakit siya.

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon