Chapter 11

577 19 1
                                    

Wyatt's Point of View

Bakit pumasok ngayon sa eskwelahan si Aiden? Halatang masama pa rin ang pakiramdam niya. Pinilit niya ba ang sarili niyang pumasok kahit na alam niyang hindi maganda ang pakiramdam niya? I'm concerned but I don't want to approach him. After what happened at the bar, I know that his perspective towards me changed.

I just want Danica to stay away from Aiden that's why I kissed her. I don't want her near him, not because I like her and I'm jealous. It's because, I only want myself to be near Aiden and no one else. Ayokong may ibang special sa buhay niya bukod sa'kin at sa pamilya. Wala silang alam sa buhay ni Aiden kaya wala silang karapatan lapitan siya. Ako lang... Ako lang dapat.

Kahapon noong hindi siya pumasok ay palihim akong pumunta sa condo niya. Hindi ko na siya ginising dahil ayokong makita niya ako, baka sabihin niya na nanghihimasok ako sa buhay niya. Alam ko naman na iba ang pinupunto niya noong sinabi niya sa'kin na, "We all have privacy. That's your life so why would I interfere?" But still, it hurts my feelings.

[Flashback/Yesterday]

Hinihingal akong nakarating sa condo ni Aiden. Noong magsimula pa lang ang klase at hindi ko siya nakita sa upuan niya ay kinutuban na ako na baka hindi maganda ang pakiramdam niya.

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan matulog si Aiden. Balot siya sa kumot at namumula ang mukha niya. Kapag hinawakan mo rin ang balat niya ay para kang humawak ng mainit na tubig dahil sa sobrang init ng katawan niya. Haa, paanong hindi aalis ang init sa katawan niya kung nakabalot siya ng kumot? Tsk. Tsk.

Dahan-dahan kong inalis ang kumot sa kaniya. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig at pamunas. Pagbalik ko sa kwarto niya ay kumuha ako ng damit na pwede niya ipangpalit. Pagtapos no'n, hinubaran ko siya at pinunasan ang katawan niya saka ko siya binihisan ng bagong damit.

Nag-stay pa ako ro'n ng ilang minuto habang pinagmamasdan lang siya. Nang maisipan ko na umalis ay bumalik na ako sa eskwelahan.

Hindi pa tapos ang buong klase ay umalis na ako agad. 7 PM ay nakarating ako sa condo ni Aiden. Pagdating ko ay madilim ang silid at mukhang natutulog pa rin siya. Nang buksan ko ang ilaw, walang bakas do'n ng kahit anong pagkain. Hindi pa ba siya kumakain simula umaga? Anong oras na, ha? Aish. Hindi naman pwedeng bumili ako ng pagkain niya at iwan 'yun dito pag-alis ko para kainin niya paggising niya, dahil ako pa rin ang unang papasok sa isip niya na nag-bigay no'n.

Aish.

Pumasok ako sa kwarto niya at kinuha ang temperatura niya. Napitik ko na lang ang dila ko nang makitang mataas pa rin 'to. Hindi pwedeng manatili ako ng matagal dito dahil baka gumising siya.

Agad kong hinubad ang damit niya, pinunasan ko ulit ang katawan niya gamit ang bagong tubig at tuwalya saka siya pinalitan ng damit.

"Please, get well soon," bulong ko habang hinahaplos ang mukha niya. I took a deep breath, "I missed you." I uttered before I kissed him on his cheek.

[End of Flashback]

7:30 PM tapos na ang buong klase para sa araw na 'to. Habang naglalakad sa hallway kasama sina Jacob, Yuan at Hans ay nakita kong magkasabay na naglalakad si Aiden at Regie.

Agad napakunot ang noo ko at saglit na napahinto sa paglalakad.

"Hey, what's wrong?" Tanong ni Yuan.

"May nakita ka bang multo?" Natatawang tanong ni Jacob.

Lumapit sa'kin si Hans saka bumulong, "Sino 'yung kasama ni Aiden, dude?"

I pushed Hans away and glared at him, "Don't ask."

"Bakit anong nangyari?" Naguguluhang tanong ni Jacob.

"Tinanong ko lang naman kung sino 'yung kasama ni Aiden," sagot ni Hans na sa iba na nakatingin.

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon