Aiden's Point of View
Pagdating namin ng infirmary ay sumalubong sa'min ang nurse na papalabas na sana ng silid para kumain ng lunch niya. Kita ko sa mga mata niya na hindi niya alam ang gagawin, nagdadalawang isip siya kung uunahin niya ba ako o kakain muna siya. Pero bago pa man siya makagawa ng desisyon ay nagsalita na si Wyatt, siguro ay napansin niya rin ang pagkalito sa mata ng nurse.
"Uhm, I can take care of him, you can have your lunch, ma'am," magalang na sabi ni Wyatt.
Tumango ang nurse at ngumiti, "T-Talaga? Sorry, ha? Nagugutom na talaga kasi ako. Hindi ako nag-almusal kaninang umaga."
"No worries," sagot ni Wyatt saka umatras upang makalabas ang nurse. Ngunit imbes na maglakad palabas ng silid ang nurse ay nanatili itong nakatayo.
Hmm, hindi ba't sabi niya ay gutom na siya? Ano pang hinihintay niya? Nagbago ba bigla ang isip niya? Naisip niya bang mamaya na lang kumain pagtapos niya akong bigyan ng gamot at i-check ang body temperature ko?
"U-Uhm... Baka pala mapagalitan ako kapag iniwan ko kayo rito," pilit na ngumiti ang nurse. "Uunahin ko na muna kayo bago ako kumain."
"No," mabilis na sagot ni Wyatt. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Baliw na ba ang isang 'to? "Sabi mo gutom kana, hindi ba? Don't worry, wala kaming pagsasabihan na iba. Mapagagalitan din naman kami kapag nalaman na pumasok kami rito nang walang nurse. You can eat now."
Hmm... Concern ba siya sa nurse?
Inalis ko ang tingin ko kay Wyatt nang maramdaman ang pagkirot ng puso ko dahil sa naisip.
What's this? Ako ang nasa bisig niya pero mas concern siya sa ibang tao? Well, I can't deny naman na maganda ang nurse. Na-love at first ba siya rito? So, paano na ako? Does he still prefer a girl over a boy? Damn. 2 months pa lang kaming magkarelasyon pero nagbago na agad ang feelings niya?
No, no, no. Stop overthinking about it. I trust Wyatt, he won't leave me. He still loves me... right?
Wow, bakit bigla na lang na-trigger ang anxiety ko? He just talked with her for Pete's sake, Aiden. Haa, damn it. Calm your ass down.
Hinigpitan ko ang pagkapit sa batok ni Wyatt at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Huminga ako ng malalim saka pinikit ang aking mga mata. Kailangan kong kumalma.
"Oh, maraming salamat! Uhm, n-nasa cabinet lang 'yung mga gamot. 'Yung thermometer nasa table ko lang. Salamat ulit, mauuna na ako, ha?"
"Yes, sure."
Nang maramdaman ko ang paggalaw ni Wyatt ay doon lamang ako dumilat muli. Pumasok siya sa silid at sinarado ang pinto. Naglakad siya papalapit sa table ng nurse at pinaupo ako sa upuan.
He sighed, "Okay ka lang ba?" Tumingin siya sa'kin, "Sorry natagalan, mukhang nalilito kasi ang nurse kung ano ang dapat niyang gawin."
Tumango ako, "I'm fine. Napansin ko rin kanina iyon sa kaniya."
Kinuha niya ang thermometer at kumuha rin siya ng gamot bago siya umupo sa upuan na nasa harapan ko. Hinila niya ang upuan palapit sa'kin.
"Hmm... Kunin muna natin ang temperature mo," sabi niya at tinaas ang kili-kili ko para iipit doon ang thermometer.
Naghintay kami ng ilang saglit sa pagtunog ng thermometer. Pagtunog no'n ay agad 'yon kinuha ni Wyatt at tinignan kung gaano kataas ang lagnat ko.
He clicked his tongue. Hindi siya nagsalita. Hindi niya sinabi sa'kin kung ilan ang temperature ko. Basta tumayo lang siya para linisin ang thermometer bago iyon ibalik sa kung saan niya iyon kinuha.
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Romance[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...