Aiden's Point of View
Nagpaskil ako kanina sa bulletin board ng "Wyatt's is looking for a girlfriend. Pumunta sa gym mamayang break time ang mga interesado."
Nahulaan ko na maraming pupunta dahil sikat si Wyatt sa eskwelahan namin, pero hindi ko pa rin mapigilan na hindi mamangha sa rami ng nagsipunta ngayon. Mukhang aabutin pa ata kami rito ng gabi kung tatapusin namin ang interview sa pinaka dulo ng pila.
Hindi na nga kami kumain ni Wyatt para rito at akala ko ay magiging okay pero hindi pala. Nagugutom na ako, pero hindi ko naman pwedeng iwan dito si Wyatt dahil sinabi ko na tutulungan ko siya.
"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong niya.
Lumingon ako sa kaniya saka umiling. "Hindi naman. Ikaw?"
Syempre, kasinungalingan ang sinagot ko sa kaniya. Gutom na talaga ako. Hindi niya ako sinagot na nakapag pasalubong sa dalawa kong kilay.
"Jacob!" Tawag niya sa kaibigan niya.
Lumapit naman si Jacob. "Bakit, Wyatt?"
"Pwede mo ba kami ibili ng pagkain? Nagugutom na kasi ako," tanong ni Wyatt na humawak pa sa tiyan niya.
Tumango naman si Jacob. "Oo naman. Bigyan mo ako ng babae mamaya, ha?" Biro niya.
Tumawa si Wyatt at tumango sa kaibigan niya. Umalis na si Jacob at bumili na ng pagkain.
"Bakit si Jacob pa ang inutusan mo?" Tanong ko. "Pwede namang ako na lang ang bumili."
"Ayoko!" Hinawakan niya ang kamay ko na na sa ibabaw ng lamesa. "Dito ka lang."
Tinanggal ko ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. "Hindi mo naman kailangan hawakan ang kamay ko."
"Bakit?" Nilingon niya ako.
"E-Ewan ko, mag-interview ka na lang at makikinig ako," ani ko.
Ngumisi siya. "Okay, h'wag ka na magalit."
Nag-interview siya ulit at natigil iyon nang dumating ang pagkain na binili ni Jacob para sa 'min.
"Salamat," sabi ko kay Jacob. Ngumiti lang siya sa 'kin siya umalis.
"Sa 'kin ba hindi ka magpapasalamat? Pera ko kaya ang pinangbili ko sa pagkain mo," bulong ni Wyatt.
"Ang isip-bata mo," saad ko. Nang ngumuso siya ay napabuntong hininga na lang ako. "Salamat, mahal na haring Wyatt."
Ngumiti siya. "Walang anuman."
Pinaikot ko ang mga mata ko at nagsimula na kumain. Hindi kami kumain sa harapan ng mga babae na nakapila dahil nakahihiya naman. Sinabihan din namin sila na kumain muna pero marami ang ayaw kumain dahil baka raw may sumingit sa pila nila. May nag-aaway nga kanina sa may bandang likuran dahil may nanunulak daw. Pinuntahan naman nila Hans 'yung mga babaeng nag-aaway at pinatigil.
Dahil sa pa 'girlfriend for hire' ni Wyatt, ngayon ko lang nalaman pati lalaki pala ay nagkakagusto sa kaniya. 'Girlfriend' ang hanap ni Wyatt pero may mga pumila na lalaki. Hindi ba ibig sabihin no'n ay gusto nila maging boyfriend si Wyatt?
Ano kayang magiging itsura ni Wyatt kung makikipag date siya sa lalaki? Hindi ko tuloy mapigilan na hindi matawa sa pag-iisip.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong ni Wyatt.
Hindi ko na pala namalayan na tumatawa na pala ako. Akala ko sa isip ko lang ako tumatawa pero tumatawa na pala ako sa personal.
Umiling ako bilang sagot. "Hindi naman ako tumatawa."
"Sinungaling ka, nakita kaya kita," sabi niya.
"May naisip lang ako na nakatatawa," sagot ko.
Nilapit niya ang upuan niya sa 'kin. "Hindi mo ba alam na r'yan nagsisimula maging baliw ang mga tao? Mag-isang tumatawa."
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Romance[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...