Aiden's Point of View
Sabay pa rin kaming umuwi ni Wyatt matapos ng naangyari. Tahimik kami kanina sa sasakyan hanggang sa makarating sa condo. Nilapag ko ang bag ko sa couch at umupo ro'n habang isa-isang tinatanggal ang butones ng uniporme ko. Habang si Wyatt naman ay pumasok sa banyo, hindi ko alam kung do'n sa magtatanggal ng uniform o baka naiihi lang siya kaya roon siya dumiretso.
Matapos ko matanggal ang uniform ay pumasok ako sa kwarto upang magpalit ng damit pambahay. Palabas na ako nang biglang salubungin ako ni Wyatt. Nakaharang siya sa butas ng pinto at wala siyang pang-itaas. Basa ang kaniyang mukha na halatang katatapos lang maghilamos. Agad kong iniwas ang tingin sa kaniya.
Gusto ko magtanong tungkol sa nangyari kanina ngunit natatakot ako na baka mauwi na naman kami sa pagtatalo. Mas mabuti siguro kung pigilan ko na lang ang sarili sa pagtanong. Ayoko na mag-away kami gayong kaka-ayos lang naming dalawa.
Tumikhim ako at umalis sa harapan niya, "Papasok ka ba? Pumasok kana."
"Bakit ka umiiwas ng tingin?" Tanong niya.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay nagbato siya ng isa pang tanong. Tsk. Hindi ko na lang din sasagutin ang tanong niya.
"Kung papasok ka, pumasok kana dahil lalabas ako. Nakaharang ka sa pinto," usal ko.
Narinig ko ang pagkawala niya ng isang malalim na hininga bago siya nagsalita, "Hindi ka ba magtatanong tungkol sa babaeng bigla ka na lang binati kanina? Nawalan ka na ba ng pakialam sa'kin?"
Kunot-noo akong tumingin sa kaniya.
Baliw na ba ang isang 'to? Ito ako't pinipigilan ang sarili na magsalita tungkol doon dahil ayokong mag-away kami tapos bigla niyang itatanong kung nawalan na ba ako ng pakialam sa kaniya. Goodness!
"Addict ka ba? Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin," inikot ko ang mata ko. "Umalis ka na nga r'yan," sabi ko at tinulak siya paalis sa pinto.
Bago pa ako makalabas ay nagsalita si Wyatt, "Let's shower together, nag-aya si lolo na mag dinner at isama raw kita."
Napahinto ako saglit. Lumingon ako sa kaniya para tiyakin kung nagbibiro siya o hindi. Lumiit ang mata ko habang pinagmamasdan ang mukha niyang seryoso lang din habang nakatingin sa'kin.
"Ano? Bakit?" Tanong niya.
"Wala," sagot ko. "Mauna ka na maligo, susunod na lang ako."
'Yun ang sinabi ko pero ito ako at kasama sa iisang bathtub si Wyatt ngayon. Hindi nagbago ang isip ko, okay? Siya lang itong binuhat ako papunta rito. Kaya pala siya dumiretso sa banyo kaninang pag-uwi namin ay para ihanda itong bathtub. Alam na niya siguro na tatanggi ako na sabay kaming maligo. Mautak din pala ang isang ito.
°°°°
"Aida!"
Pagbaba ko pa lamang sa sasakyan ay sumalubong agad sa'kin si Cynthia. Hindi naman siya mukhang excited na makita ako, promise.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Kinabahan pa nga ako dahil mahaba ang wig ko tapos ang higpit ng yakap niya. Parang nahihila ng yakap niya ang wig. Kaya naman bago pa mabisto ang sikreto namin ni Wyatt ay agad na akong humiwalay sa yakap ni Cynthia.
I smiled, "How are you?"
"I don't know," she rolled her eyes. "Anyways, let's go. Kanina pa kayo inaantay nina Lolo."
Pagpasok sa loob ng Mansion ay doon ko lang nalaman na kaarawan pala ng Daddy ni Ryan. Medyo marami rin ang tao, siguro mga ka-business partners nila ang iba at ang iba naman ay ang iba pa nilang mga kamag-anak.
"Gusto mo ba ng chocolate?" Tanong ni Wyatt.
Chocolate? Hindi pa nga kami nagd-dinner.
Umiling ako, "Gusto ko ng rice."
He chuckled, "Oo nga pala, hindi pa pala tayo kumain ng kanin. Let's go there." Saad niya saka ako hinila papunta sa bakanteng table.
Pinaupo niya ako habang siya naman ay umalis upang kumuha ng pagkain naming dalawa.
Natapos ang party mga ala dos ng hating gabi. Ayaw pa kami pauwiin ng Lolo ni Wyatt dahil alanganing oras na. Pero hindi pumayag si Wyatt dahil nga may pasok kami mamayang umaga.
Pag-uwi namin ni Wyatt sa condo ay bagsak kami agad. Agad kaming nakatulog at nagising na lamang kami sa lakas ng sound at paulit-ulit na pagtunog ng alarm clock.
Nakapikit pa ang mata ko nang bumangon ako. Kinusot ko ang aking mata bago gisingin si Wyatt. Para namang bingi ang isang 'to, hindi man lang nagising kahit katabi na niya ang alarm clock.
"Wyatt, gising na! Baka ma-late tayo sa klase," patuloy pa rin ako sa pagyugyog ng katawan niya habang nakapikit ang mga mata ko.
Aish, inaantok pa talaga ako!
Kasabay ng pagmulat ng mata ko para tignan ang oras ay ang paghila ni Wyatt ng braso ko dahilan para mapahiga ako ulit. Ang pinagkaiba nga lang, hindi sa unan lumapat ang ulo kun'di sa braso niya.
Paglingon ko sa kaniya ay sarado pa rin ang mga mata niya. Tch. Kung ayaw niyang pumasok h'wag niya akong idamay!
Tinanggal ko ang braso niya na nakapulupot sa baywang ko saka umupo ulit, "Kung wala kang balak pumasok iiwanan na kita rito mag-isa."
"Hmm~" nag-inat siya. Binuksan niya ang isa niyang mata at tumingin sa'kin, "Nasa heaven na ba ako?" Tanong niya.
Kumunot naman ang noo ko, "Anong pinagsasabi mo d'yan? Bumangon kana!"
Pero imbes na sundin ang sinabi ko ay ngumiti lamang siya. "Akala ko nasa langit na ako dahil may anghel sa harapan ko," turan niya.
Napangiwi ako at agad siyang hinampas ng unan sa mukha, "May anghel bang bading?!" Tugon ko at agad na tumayo para lumabas ng silid. Habang ginantihan lamang ako ni Wyatt ng isang malakas na pagtawa.
Damn. Ang aga-aga kalokohan na agad ang nasa isip ng lalaking 'yon. Pero hindi ko maitatanggi na kinilig ako sa sinabi niya. Damn.
Sa huli ay pumasok pa rin sa eskwelahan si Wyatt. Pagdating namin sa classroom ay nagtakha ako dahil halos lahat ng nasa loob ay nakatingin sa'min ni Wyatt. Nang mapansin naman nina Hans, Jacob at Yuan ang pagdating namin ay agad nila kaming nilapitan. Tinulak nila kami palabas ng silid at hinila papunta sa rooftop.
"Ano bang problema niyo?" Tanong ni Wyatt. Para pa itong kakapusin ng hininga dahil sa paghingal niya.
"Hindi namin alam kung kanino galing ang picture," sagot ni Yuan na hindi ko naman naintindihan.
"Anong picture?" Tanong ko.
Tungkol na naman ba 'yan sa girlfriend kuno ni Wyatt? May picture na naman ba silang nakuha kagabi?
Nagkatinginan pa ang tatlo bago nakapagdesisyon na si Jacob na ang magsalita.
He took a deep breath, "May kumalat na picture niyong dalawa sa isang page ng school. Tatlo na kaming nagchat sa page pero ayaw nila ibigay ang pangalan kung kanino nanggaling ang picture."
"The good thing is they already took down the photo. However, a number of people saw it right away and some spread it in a school facebook group," Hans uttered.
"Anong picture ba ang tinutukoy mo?" tanong ko muli. "Kung 'yung naka-disguise ako ang nakita nila ay okay lang dahil hindi naman nila siguro iyon mahahalata."
Umiling si Hans, "The picture showed you... the original you with Wyatt. You were kissing."
Biglang pinamuhayan ng kaba ang dibdib ko. Nilingon ko si Wyatt para tignan ang reaksyon niya. Napakagat ako sa'king labi nang makitang nasa baba ang tingin ni Wyatt. Nang hawakan ko ang kamay niya ay agad niyang inalis ang kamay ko na siyang kinagulat ko.
"Wyatt..." Bigkas ko sa pangalan niya.
Imbes na humingi ng tawad dahil sa pag-iwas niya ay walang pasabi itong tumakbo palabas ng rooftop. Naiwan ako ro'n kasama ang tatlo niyang kaibigan. At kasabay ng pagsarado ng pinto ay ang pagtulo ng luha ko.
He won't break up with me after this, right?
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Romance[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...