Chapter 31

373 14 0
                                    

Aiden's Point of View

Matapos ang gabi na 'yon, tuwing may pagkakataon ako ay lagi kong tinatanong si Wyatt kung ano ang gagawin niya once na kumalat sa campus ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Ngunit gano'n pa rin lagi ang nagiging sagot niya, walang pinagbago sa una niyang naging sagot sa'kin.

Nagsimula akong matakot, dahil hindi ako sigurado kung kaya bang panindigan ni Wyatt ang relasyon namin hanggang dulo. Pero sa tuwing naiisip ko na may chance talaga na hindi kami para sa isa't-isa, iniisip ko na lamang kung gaano ko siya kamahal at kahit na anong mangyari ay magtitiwala ako sa kaniya.

"Aiden," tawag sa'kin ni Wyatt. Pawisan siya at animo'y hinabol ito ng aso.

"Hmm? Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko. Tumayo ako sa'king upuan at lumapit sa kaniya. Nasa harapan lang naman siya ng upuan ko.

"Let's talk," saad niya. Imbes na sagutin ang tanong ko ay hinila ako nito palabas ng silid-aralan.

Nagulat ako nang makita kung gaano karami ang mga estudyante ang naka-abang sa labas ng classroom namin. Habang hila-hila ako ni Wyatt ay hindi ko napigilan ang magtaka ang magtanong sa sarili kung bakit maraming estudyante ang nasa labas ng classroom. Lahat pa sila ay may hawak na kaniya-kaniyang cellphones, nakangiti rin sila habang sunod ang tingin sa'ming dalawa ni Wyatt.

Tumigil lamang sa paghila sa'kin si Wyatt nang makarating kami sa rooftop. Para makasiguro na walang makaririnig sa usapan namin ay sinarado niya ang pintuan at nilayo ako roon.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang dalawang braso ko. Ewan ko ba, hindi pa naman siya nagsasalita pero napuno na agad ng kaba ang dibdib ko.

"Aiden, did you..."

"D-Did what?" Nautal pa ako dahil sa kaba.

Muli siyang huminga ng malalim. Tinanggal niya ang kamay niya sa magkabilaan kong braso at tumayo ng tuwid, "Did you hear something from anyone?"

"Like what?"

Saglit, bakit niya tinatanong 'yon? Mayroon ba dapat akong hindi marinig? May tinatago ba siya sa'kin?

Nag-iwas siya ng tingin sa'kin at kumamot sa kaniyang batok, "Kumalat sa campus na may girlfriend ako."

Nanlaki ang mata ko, "Huh?! Paano naman nangyari 'yon?"

"Tsk. Hindi ko nga alam kung sino ang nagkalat no'n, e. Bigla na lang may kumalat na photo ko kasama ka papasok sa isang restaurant. I think may nakakita sa'tin no'ng kumain tayo sa labas kasama ang mga pinsan ko," sagot niya.

So, that's why. Kaya pala ang daming tao sa labas ng classroom kanina, siya pala ang dahilan.

So... Ano na ang gagawin niya? Kukuha ba siya ulit ng ibang babae na pwedeng magpanggap na girlfriend niya? Kung mangyari man 'yon, paano na ako? Paano kung ma-fall siya sa babaeng kukunin niya? It's not that I don't have trust in him, it's just that... He's once straight, I'm afraid that he would realize that what he is feeling for me was just infatuation and he doesn't really like men.

He looked at me and smiled, "Wala naman tayong dapat ikabahala 'di ba? Ikaw naman 'yong kasama ko, ikaw din ang kilala ng parents at relatives ko, we can keep this disguise."

"Oh..." Lamang ang nasagot ko. Hindi ko alam ang sasabihin at kung ano ba ang dapat ang isagot.

So, hindi siya kukuha ng ibang babae?

Nawala ang ngiti niya sa labi, "B-Bakit? Gusto mo bang ipabura ko 'yong picture na nasa facebook group at page ng school natin?"

Umiling ako, "Hindi. Naisip ko kasi na baka maghire ka ng iba para mag-pretend na girlfriend mo."

"Pfft-" he giggled. "What? Why would I do that when I have you? I don't need anyone else but you, Aiden. You're my girlfriend with my family's eyes and other people and you're my boyfriend with my own eyes and my friends eyes, as well."

"Won't you... Regret dating me?" I asked. Hindi ko alam kung saan ba nanggaling ang tanong na 'yon. Bigla na lamang 'yon lumabas sa labi ko at huli na para bawiin ko pa iyon.

His smile faded again, "Bakit mo natanong 'yan? Bakit, nagsisisi kana ba ngayon na naging tayo?"

Umiling ako, "No." Sagot ko at tumingin sa ibaba, "Alam mo namang walang sikreto ang hindi nabubunyag. They knew now that you're dating someone. Hindi rin magtatagal baka malaman din nila na ako ang kasama mo sa picture na 'yon."

"So?" He raised an eyebrow.

I looked at him, "So? Paano kung umabot 'yon sa parents mo, sa lolo mo? Handa ka pa rin bang ipagpatuloy ang relasyon nating dalawa?"

He closed his mouth. He sighed before he grabbed my hand and pulled me for a hug, "Saka na natin isipin ang mga bagay na 'yan kapag nangyari na, okay? Bakit ba masyado mong iniisip ang mga komplikadong bagay?"

I pushed him, "Komplikadong bagay? Wyatt, kung mahal mo talaga ako madali na lang 'yan sagutin! Ilang beses na ba kitang tinanong tungkol d'yan? Pero ano ang lagi mong sinasagot sa'kin? Na saka na lang isipin lahat ng 'yon kapag nangyari na! And then what? Anong gagawin mo kapag nangyari na?"

"Wait, Aiden," he pinched his nose and closed his eyes. After a while he opened it and looked at me again, "You want me to give you an answer right away even though I'm not sure yet? The heck is wrong with you? Pinipilit ko na nga lang maging kalmado kahit na naiinis na ako sa paulit-ulit mong tanong! Kung ikaw ba ang tatanungin ko no'n may isasagot ka kaagad?"

This is not what I want. Bakit nag-aaway kami ngayon? This is the first time that we raised our voices with each other. I don't like this.

"Oo! At alam mo kung ano ang isasagot ko ro'n?" I smirked. "Wala akong paki kahit na sino pa ang makaalam. Kung tatanggapin ba nila ako, tayo o hindi, wala akong pakialam! Dahil mas mahalaga ka. Dahil ikaw ang mas lagi kong nakakasama, ikaw lagi ang nandyan para sa'kin. Wala akong pakialam sa sasabihin nila at sa kung ano ang magiging tingin nila sa'kin."

"Well, that wasn't the same for me!" His jaw clenched.

I know that would be his answer but it still hurts me.

Kahit pala alam mo na ang magiging sagot niya, masakit pa rin pala kapag narinig mo iyon mismo sa bibig niya.

"Alam mong alam ng pamilya ko na straight ako! Ano na lang sa tingin mo ang sasabihin at mararamdaman nila? Lalo na si Lolo! I don't want to disappoint him!"

I nodded, "I know. I know that would be your answer but..." I bit my lower lip, "I didn't know that it would hurt this much."

Hindi ko alam na mauuwi pala sa alitan ang dapat na mahinahon lang na pag-uusap naming dalawa. Hindi naman ito ang pakay ko. Gusto ko lang naman marinig ang sagot niya. Gusto ko lang naman paalisin ang takot sa dibdib ko. Hindi ko ginusto na mauwi sa ganito ang pag-uusap namin. At hindi ko rin ginusto na masaktan ng ganito.

My tears dropped. And maybe that calmed him down.

"Aiden..." he tried to touch me but I slapped his hand even before he could lay a hand on me.

"Let's talk later when we both calm down," I uttered before I turned away and left him there.

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon