Aiden's Point of View
Isang linggo na ang lumipas matapos malaman ng mga kaibigan ni Wyatt ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Wala naman naging problema, tanggap pa rin nila kami at parang walang nagbago sa pakikitungo nila sa'min ni Wyatt.
Masaya ako dahil hindi na namin kailangan pang magtago sa mga kaibigan niya. Malaya kaming maipapakita kung ano ang relasyon namin sa harap ng mga kaibigan niya. Pero kahit na gano'n hindi naman ako dumidikit masyado kay Wyatt tuwing kasama namin ang mga kaibigan niya. Ayoko na makaramdam sila ng awkwardness tuwing magkakasama kami. Bago pa lamang sa kaalaman nila ang tungkol sa'min kaya naman hindi malabo na kalaunan ay magbago ang tingin o pakikitungo nila sa'min kung masyado kaming magiging touchy ni Wyatt sa harapan nila. Maaari rin na lumayo ang loob nila sa'min. Ayoko naman mangyari yo'n dahil ayokong mawalan ng kaibigan si Wyatt.
Sa loob ng isang linggo ay naging masaya naman ang samahan naming lima. Maituturing ko na rin silang kaibigan dahil kaibigan at malapit sila kay Wyatt. Mabait din sila sa'kin at hindi ako nakararamdam ng pagka-out of place tuwing magkakasama kami dahil lagi nila akong dinadamay sa usapan nila.
Minsan ay nagpapalitan ng mga salita sina Wyatt at Hans. Ang nagsisimula naman no'n ay si Wyatt at palagi iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang mali, tuwing magkausap kami ni Hans ay nagagalit siya agad or nag iiba agad ang mood niya. Parang ayaw niyang makita ako na kausap si Hans. Nag-uusap lang namin kami at walang ginagawang masama, minsan naiisip ko na baka mahal lang talaga niya ako at ayaw niya akong mawala sa kaniya. Pero minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko kung may tiwala nga ba sa'kin si Wyatt. Dahil kung may tiwala siya ay hindi siya gano'n kabilis magseselos sa aming dalawa ni Hans. Kaibigan niya rin naman iyon, bakit niya pagseselosan? Alam din naman niya na siya ang mahal ko.
"-den, Aiden!"
"Hmm?"
"You ready?"
Lumingon ako sa'king likod at nakita ro'n si Wyatt. Bitbit niya sa kaliwa niyang kamay ang bag na sa tingin ko ay dadalhin niya para sa field trip namin. Oo, sasama kami sa field trip dahil sa pamimilit ng mga kaibigan niya. Pero okay na rin para makapag enjoy din kami.
Noong una nga ayaw ni Wyatt pumayag dahil sabi niya ay mas gusto pa raw niga na rito na lang daw kami sa condo kaysa sumama sa tatlong itlog na 'yon. Pero dahil gusto kong ma-enjoy niya ang isang araw ay pinilit ko na lang din siya na sumama. Maganda rin na nakapaglilibot kami, hindi lamang puro rito si condo.
Tumango ako bilang sagot sa kaniyang tanong, "Ikaw? Nandyan na ba lahat ng dapat mong dalhin? Wala kanang nakalimutan?"
Umiling siya, "Wala na. Ni-double check ko naman na ito kanina."
Tumango ako at bumalik sa pag-aayos ng gamit.
"Gusto mo tulungan na kita?" Tanong niya at maya-maya lang ay nasa tabi ko na siya.
"Hindi na, patapos naman na ako," sagot ko.
"Galit ka ba sa'kin?" Tanong niya.
Lumingon ako sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay, "Ha? Bakit naman ako magagalit sa'yo? May ginawa ka ba na hindi ko nagustuhan?"
Bumuntong hininga siya at umiling, "Wala. Pero para kasing ang lalim ng iniisip mo. Hindi mo ba alam na nakatatlong beses akong tawag sa pangalan mo kanina pero hindi ka man lang lumilingon? Akala ko tuloy may nagawa akong mali."
Oh, he did? Hindi ko alam na nakatatlong beses pala siyang tawag sa'kin. Malalim nga ba talaga ang pag-iisip ko kanina o sadyang nabibingi na talaga ang taenga ko?
"Hindi ako galit," tugon ko nang sa gano'n ay hindi niya na maisip pa na galit ako sa kaniya.
"Sigurado ka ba dyan sa sagot mo? Pinapakaba mo ako," he pouted.
"Hindi nga ako galit sa'yo. Kapag pinilit mo pa na galit ako baka talagang magkatotoo 'yang sinasabi mo," sagot ko. Umiwas na ako sa kaniya ng tingin at bumalik sa pag-aayos ng gamit.
He sighed, "I-kiss mo ako sa pisngi kung hindi ka talaga galit."
I'm done packing! I zipped the bag and moved it to the side.
Lumingon ako kay Wyatt, "Seriously? Do I really have to do that just to prove that I'm not mad?"
He smiled and nodded, "Yep! You really~ really, have to!"
I gulped. I stared at him for a few moments before I totally gave up. I couldn't resist his smile! Damn it!
I sighed and moved closer to him. I clasped his cheek with both of my hands. I closed my eyes and moved my face closer to his. When my lips touched his I immediately moved my face away.
"Pfft— sabi ko sa pisngi lang, bakit sa labi mo ako hinalikan?" Tanong niya habang may mapanuyang tingin sa'kin.
Agad kong iniwas sa kaniya ang aking ulo dahil sa hiya.
Nagpokus ako sa salitang halik kaya hindi ko na naalala na sa pisngi nga pala siya nagpapahalik. Damn.
Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Napapikit ako ng mariin nang kalabitin ni Wyatt ang braso ko.
"Bakit hindi ka nagsasalita? Nagtatanong kaya ako," sabi niya, tila nang-aasar dahil sa nagawa kong pagkakamali.
"Tumigil kana, Wyatt," tumayo ako. Kinuha ko ang bag ko at tinalikuran na siya.
"Bakit? Nagtatanong lang naman ako, ah! Oh~ baka kaya mo ako hinalikan sa labi dahil miss mo na ang lasa ng labi ko pero nahihiya ka lang magsabi?" He giggled, "Sigh... Hindi mo na kailangan pang mahiya, okay? Ilang months na tayong mag-boyfriends, wala na dapat pa tayong ikahiya sa isa't-isa."
Humarap ako sa kaniya habang magkasalubong ang aking mga kilay, "Itigil mo nga 'yang pag-iisip mo ng mga gan'yang bagay. Paano ko naman mamimiss ang lasa ng labi mo samantalang kanila lamang sa CR ay naghahalikan tayo!" Singhal ko.
He clenched his lips as if he was trying to suppress his laughter but not too long after, he burst out laughing.
Damn it. Anong nakatatawa? Hindi ba't nilalambing na niya ako dahil mukha na akong galit? Bakit pa siya tumatawa na parang gusto pa ako lalong inisin?
My brows furrowed even more because of the loudness of his laughter.
"Damn it," then he laughed again.
Tch. Kung pagtatawanan lang naman niya ako, mas mabuti nang umalis na at iwan na lang siya rito sa kwarto.
I rolled my eyes before I turned my back at him. I was about to walk out of the bedroom when I suddenly felt an arms wrapped around my waist.
"Geez. You're just too cute. I can't hold it in," he mumbled between my ears.
I bit my lower lip. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa tiyan ko at tinanggal iyon, "Tara na, baka ma-late pa tayo."
Muli na sana akong lalabas ng kwarto nang biglang hinila ni Wyatt ang braso ko at mabilisan na isinara ang pinto. Pinaharap niya ako sa kaniya at sinandal sa pinto.
"W-What?" Tanong ko na may halong kaba at excitement sa dibdib.
Anong gagawin ko? Gusto ko siyang itulak pero ayaw ng kamay ko kumilos. Fuck.
He smiled sweetly, "Hmm... Maybe we can be late for uhm..." He looked at his wrist watch for a moment before he looked at me again, "Maybe about an hour?" He giggled before he leaned his face closer to mine and sealed my lips with a kiss.
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Romance[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...