Chapter 21

539 20 0
                                    


Aiden's Point of View

He hugged me again, "Okay. Sorry, sorry. Please, don't get mad at me."

I heaved a sigh, "Fine. Fine. Umalis kana sa ibabaw ko, kailangan na natin mag-asikaso para sa school."

"Huh?!" Bigla siyang bumangon mula sa pagkakadagan sa'kin at hinawakan ang magkabilaang braso ko, "Hindi na natin ipagpapatuloy ang nasimulan natin?" Tanong nito na may pag-iling pa na kasabay.

"Hindi na," umiwas ako ng tingin sa kaniya. "May pasok pa tayo sa eskwela. Hindi tayo pwedeng ma-late alam mo 'yan."

"Totoo? Totoo bang iyan ang dahilan mo? Hindi dahil sa lalaking ni-kwento ko sa'yo?" Tanong niya. Iyong mukha niya ay halatang hindi ako pinaniniwalaan.

Bumuntong hininga ako, "Totoo nga! Bakit naman 'yung lalaki na 'yun ang magiging dahilan? Hindi naman siya nag e-exist in the first place," then I rolled my eyes.

He chuckled, "So cute..." He muttered and buried his face on my neck.

"Hey, I said we need to care about going to school," tinanggal ko ang ulo niya sa'king leeg at saktong pag-angat ng ulo niya ay hinalikan niya ako sa labi na ikinabigla ko.

"Wyatt!" I yelled his name due to shock.

"Yes, my dear?" He smiled playfully.

"Damn," I mumbled. I covered my mouth with my clenched fist and averted his eyes.

Hindi ko kayang titigan siya. Parang lalabas na ang puso ko sa'king dibdib dahil sa lakas ng kabog nito. Hindi ba talaga ako nananaginip? Totoo ba itong nangyayari ngayon? Nasa harap ko si Wyatt, nagka-aminan kami, at... Kami na nga ba talaga?

Damn. Iisipin ko pa lang na nananaginip lang ako ay kumikirot na agad ang puso ko. Kung kukurutin ko ang aking pisngi, malalaman ko ba kung nananaginip lang ako?

Dahil sa naisip ay kinurot ko nga talaga ang pisngi ko.

"Hey!" Agad tinanggal ni Wyatt ang kamay ko sa'king pisngi nang mapansin niya ang ginawa ko. Hinaplos niya ang pisngi ko, "Bakit mo naman sinasaktan ang sarili mo? Tch, h'wag mo na 'yun uulitin, okay?"

Nakatitig lamang ako sa kaniya at hindi nakasagot.

Walang nangyari noong kinurot ko ang pisngi ko. So... Does it mean that I was not dreaming? Are we really going out?

Biglang nag-init ang pisngi ko sa naisip. Agad ko ring tinanggal ang aking titig kay Wyatt. Damn. What's this? Ang dating best friend ko ay naging boyfriend ko na? Shit. Shit. Shit. Hindi ko in-expect na mangyayari 'to. Hindi ko rin alam na bigla na lamang uusbong na parang bulaklak ang nararamdaman ko para kay Wyatt. Hindi ko rin in-expect na pareho kaming may nararamdaman para sa isa't-isa.

"Bakit bigla na lang namula ang mukha mo?" Tanong niya. Umupo siya at hinawakan niya ang noo ko gamit ang kaniyang kaliwang palad, habang ang kanang palad naman niya ay ginamit niya para hawakan ang noo niya. "Wala ka namang lagnat," sabi niya.

Tinanggal ko ang palad niya sa noo ko at umupo rin, "Sino ba nagsabi na may lagnat ako? Bumaba kana sa higaan, maligo na tayo."

Hindi ko alam pero bigla na lamang nagkaroon ng malawak na ngiti sa kaniyang labi, "Sabay tayo?"

Sigh... Ayun pala ang naisip niya. Iyon pala ang dahilan ng pagngiti niya ng malapad. Just wow.

Napailing na lamang ako, "Itigil mo 'yang pag-iisip mo ng marumi." Tinulak ko siya at bumaba na sa kama.

"Huh? Ikaw ata ang nag-iisip ng marumi. Sabay lang naman tayo maliligo wala ng iba," saad niya habang nakasunod lamang sa'kin sa paglabas sa banyo.

"Don't me, Wyatt, I know how your brain works," I uttered.

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon