Aiden's Point of View
"Aiden, it's time to wake up," someone shook my shoulder.
My brows furrowed while my eyes were still closed. I covered myself with the blanket and ignored the one who's waking me up.
Seriously, I didn't get any sleep last night. When I said let's not think about anything, my mind kept on thinking about Wyatt. And I was imagining- what if Wyatt develops feelings for me? Damn it. I know! My thought is so gay but... Aish! I can't stop thinking about it. If that really happens I don't know what to say. But I'm certain that Wyatt is straight, there is zero chance for him to fall for me. Then, what if I were the one to fall?
I'm not gay, either. No, I'm not sure. It's just... I haven't fallen in love with someone else yet so I don't know. And this is the first time I was bothered by someone. I mean... Wyatt is absolutely bothersome but... Goodness! Stop thinking already, you stupid mind!
"Aiden~ I cooked for you, wake up now," he continued shaking me.
I heaved a sigh. "Fine. Stop shaking me, I'm getting dizzy."
"Ow~kay! Sumunod kana sa 'kin, ha? Mauuna na ako lumabas. Oo nga pala, narito pa 'yung tatlong itlog," sabi niya.
"Okay," sagot ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto pati na rin ang pagsara nito. Siguro ay lumabas na siya. Binaba ko ang kumot na nakatakip sa 'kin at sumulyap sa pinto. Napabuntong hininga ako nang hindi makita si Wyatt.
Pakiramdam ko ay maayos na ako. Hindi na rin ako mainit, nawala na ata ang lagnat ko.
Lumabas na ako ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto, lahat sila ay napalingon sa 'kin. Ngumiti ng malapad si Hans, kumaway pa siya sa 'kin. I just smiled back bago ako maglakad palapit sa kanila. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Wyatt.
Sabado pala ngayon, wala kaming pasok. Kaya siguro narito pa sina Hans.
"Good morning," Hans greeted me.
Seriously, why is he so friendly towards me?
"Yeah, good morning," pagbati ko pabalik.
"Kumain na tayo," ani Wyatt at nauna magsandok ng pagkain niya.
∆∆∆∆
"Bye-bye!"
Matapos namin kumain ay nagpaalam na ang tatlo na uuwi na. Ngayon ay kaming dalawa na lang ulit ni Wyatt ang tao sa condo. Nakaupo kami sa couch pero hindi tulad kahapon, malayo siya sa 'kin. Hindi rin siya nagsasalita at nakatutok lang sa pinapanood. Hindi ko alam kung wala lang siya sa mood o galit siya sa 'kin. Hindi ako sanay na ganito siya katahimik lalo na kapag kaming dalawa lang.
Nang hindi ko na matiis ang katahimikan ay nilingon ko siya. "Hey," tawag ko sa kaniya.
Lumingon naman siya sa 'kin. "Hmm?"
"Galit ka ba?" Tanong ko. Umiling lang siya bilang sagot kaya naman nagtanong ako ulit, "Bakit ang layo mo?"
Tumingin siya ulit sa TV, "Walang dahilan. Gusto ko lang."
Nangliit ang mga mata ko. "You're being suspicious. Seriously, anong ginawa ko?"
He heaved a sigh. "Hindi nga ako galit, Aiden."
"Bakit nga ang layo mo kung hindi ka galit?" Tanong ko, nagsisimula na mainis.
Lumingon siya sa 'kin nang magkasalubong ang mga kilay. "Kapag clingy ako naiinis ka, kapag lumayo naman sa 'yo iisipin mo na galit ako. 'Yung totoo, ano ba ang gusto mo?"
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Romance[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...
![Girlfriend? For Hire! [BL]](https://img.wattpad.com/cover/317225296-64-k441551.jpg)