Chapter 7

567 25 0
                                    

Aiden's Point of View

Sabay kaming bumalik ng classroom ni Wyatt. Lahat ng mata ng mga kaklase namin ay nasa amin ang tingin, ngunit tulad ng dati ay hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Umupo ako sa upuan ko at gano'n din si Wyatt. Ilang minuto pang lumipas ay narinig ko ang boses ni Wyatt sa malapitan. Nang lingunin ko ang katabi ko sa upuan ay nakita kong nakatayo sa gilid niya si Wyatt. Teka, h'wag mong sabihin na makikipag palit siya ulit ng upuan ngayong okay na kami? Nang mapansin ako ni Wyatt na nakatingin sa kaniya ay nginitian niya ako. Hindi ko alam pero bigla na lang ako umiwas ng tingin.

"Let's exchange seats, hmm?" Sabi ni Wyatt sa katabi ko.

Tumunog ang upuan, siguro ay tumayo ang nakaupo sa tabi ko. Para malaman kung tama nga ba ang nasa isip ko ay lumingon ako ro'n. Ngunit imbes na mukha ng seat mate ko ang makita ko, ang mukha ni Wyatt ang sumalubong sa'kin. Malapad ang ngiti niya sa labi, ilang segundo pa akong nakatitig sa kaniya hanggang sa bigla ko ulit maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Oh, gosh. What's happening to me?

Dumating na ang prof namin para sa next subject kaya nagkaroon ako ng dahilan para iwasan ang titig ni Wyatt.

Ano bang nangyayari sa'kin? Itong nararamdaman ko ngayon ay parang pareho sa mga novels na nabasa ko. Naisip ko pa no'n ay parang ang OA naman dahil pwede mo 'yun maramdaman sa lahat ng tao lalo na kapag nasa panganib ka. Ang tinutukoy ko ay 'yung pagtibok ng mabilis ng puso nila sa pagtitig lamang sa isang tao at ang ibig sabihin no'n ay in love ka— No, no, no way! We're both men so that's impossible... No, it's not really impossible since may couple na parehong lalaki. Arg!

Hindi maaari. Hindi pwede maging totoo ang iniisip ko, siguro dahil lang ito sa halik na 'yon. Tama! Ang halik na 'yon ang may kasalanan. Simula noong magkiss kami ni Wyatt ay nakaramdam na ako ng ganito. Kaya siguro nangyayari sa'kin 'to dahil siya ang first kiss ko. Tama! Dahil mukhang okay naman kay Wyatt ang lahat, parang wala lang sa kaniya ang kiss. He's not acting strange like me, hindi siya umiiwas ng tingin ngayon okay na kami pareho. Kabaligtaran pa nga ang ginagawa niya, kahit nasa klase kami ay sa'kin lang siya nakatingin. Samantalang ako ay hindi man lang makatingin sa kaniya at feeling ko ay lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

I must be crazy.

Kaya siguro mukhang okay lang kay Wyatt ang lahat dahil hindi ako ang first kiss niya, samantalang ako naman ay nagkagaganito dahil siya ang first kiss ko. Haa, wow.

Lumipas ang isang linggo pero gano'n pa rin ang nararamdaman ko. Walang pinagbago. Si Wyatt ay lagi na ulit pumupunta sa condo at do'n natutulog. Bumalik sa dati ang turingan namin pero ang normal na pagtibok ng puso ko ay hindi na bumalik.

Kahit aksidente lang na mahawakan ni Wyatt ang kamay ko ay hindi na mapakali ang puso ko. Nakakaramdam pa ako na parang may electricity na dumadaloy sa buong katawan ko tuwing yayakapin niya ako mula sa likod na lagi naman niyang ginagawa sa'kin dati. Dahil sa mga weird na nararamdaman ko ay lagi ako na akong umiiwas na magkaroon ng physical contact sa kaniya.

"Aiden," he uttered my name while we're watching TV.

Lumingon ako sa kaniya, "Hmm?"

"Galit ka pa rin ba sa'kin?" He sighed, "Fine. Hindi na kita hahalikan so stop avoiding me."

Hindi naman 'yun ang dahilan kung bakit ko iniiwasan ang physical contact. At hindi naman talaga siya mismo ang iniiwasan ko, kun'di 'yung paghawak niya sa'kin.

"I'm not avoiding you though," sabi ko.

His left brow arched, "You're lying. Akala mo ba hindi ko na hahalata? Tuwing yayakapin kita lagi ko ang tinutulak tapos kahit aksidente ko lang na masanggi kahit isa lang sa daliri mo ay pinapalo mo ang kamay ko."

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon