Chapter 18

871 29 1
                                        

Aiden's Point of View

Nagpatuloy ang malamig na pakikitungo sa'kin ni Wyatt. Hindi ko tuloy mapigilan maisip na baka may naaalala siya noong gabi na 'yon, dahil hindi niya ako tatratuhin ng ganito ngayon kung wala siyang naaalala. Ang sakit lang dahil kahit hindi niya masyadong ipahalata ay alam kong iniiwasan niya ako. Hindi na nga siya tumatabi sa'kin sa upuan tuwing may klase. Ang pumalit sa kaniya ay si Hans. Si Hans na lagi ang nakadikit sa'kin na parang linta.

Kaninang umaga pagpasok ko pa lang sa classroom ay nag-sorry siya sa'kin, naalala niya ata 'yung biglaan niyang paghalik sa ulo ko noong Lunes. Wednesday na ngayon at ngayon lang niya naalala, hindi ko siya masisisi dahil mukha talagang lasing na lasing na siya no'n.

Si Wyatt kaya? Hindi niya ba maaalala 'yung nangyari sa'min? Well, mas okay na siguro 'yon. Pero mas magiging okay siguro kung hindi niya ako iniiwasan. May nagawa kaya ako noong gabi na 'yon na hindi ko maalala? Hmm... Sana naman ay wala.

•••••

"Wyatt!" I chased him. I held his hand to stop him from walking. I went in front of him while panting.

"Why?" He asked, "Do you need something?"

"No," umiling ako. "It's not that. Uhm, may gusto lang sana akong itanong."

"Hmm?" He tilted his head, "Ano naman 'yon?"

Humugot ako ng malalim na hininga saka lakas loob na nagsalita, "May naaalala ka ba noong birthday mo? 'Yung nag-inom tayong dalawa, may naaalala ka ba pagtapos no'n?" Tanong ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

"Yeah," inangat niya ang ulo niya habang ang mata niya ay nanatiling nakatingin sa'kin. Para itong prinsipe na nakatitig lang sa trabahador niya. Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniya saka siya sumagot, "I remembered everything and I don't want that to happen again in the future. Why? Because it grosses me out."

Lumukot ang mukha ko. Naramdaman ko rin ang panghihina ng tuhod ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot. Dapat ba na hindi na lang ako nagtanong? Dapat bang hinayaan ko na lang siyang iwasan ako? Dahil sobrang sakit para sa'kin marinig ang sagot niya.

"-den. Aiden. Aiden? Aiden!"

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang maramdaman na may yumuyugyog sa'king balikat. Pagtapos kong maupo ng maayos ay nakita ko sa'king harapan si Wyatt. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at sinakop ng kaba ang buong dibdib ko.

Panaginip lang ba 'yung kanina? Damn, what kind of dream was that? That scares me, I thought that was real. Was that a warning? Dapat bang hindi ko na talaga tanungin si Wyatt tungkol do'n? O-Okay, fine. Hindi na ako magtatanong pa.

"Hindi ka ba kakain? Lunch break na," tanong niya.

Umiwas ako ng tingin at nagkamot ng ulo, "H-Hindi ako nagugutom."

"Ang payat mo na nga, nagpapalipas ka pa ng gutom," hinawakan niya ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. "Halika na at h'wag kanang pumalag pa," sabi niya at hinila na nga ako nito palabas ng silid-aralan.

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon