Wyatt's Point of View
I must be crazy! I must be out of my mind! Why did I do that to Aiden? My goodness! I got hard just by staring at his back and I even really pressed my manhood on his back, nothing is more embarrassing than that! Fuck!
Dahil sa nagawa kong iyon, napagpasyahan ko na umalis na agad nang hindi nagpapaalam kay Aiden. Nag-iwan na lamang ako ng message sa kaniya para kapag nagkita kami sa school ay hindi siya magagalit sa'kin. Argh, ano ba kasing espiritu ang sumapi sa'kin kanina?
Well, hindi naman ito ang unang beses na nabuhay ang pinakamamahal kong alaga nang dahil kay Aiden. Pero ito na ata ang pinaka nakakahiya sa lahat... or not? Aish! Basta tuwing malapit siya sa'kin, wala akong ibang gustong gawin kun'di ang yakapin siya at halikan siya. Para na akong mababaliw! Isa rin 'yan sa dahilan kung bakit iniiwasan ko siya noong mga nakaraang linggo. Dahil hindi ko na alam kung bakit ganito ang takbo ng isip ko at kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Tungkol sa nangyari noong nakaraan na nalasing ako at may nangyari sa'ming dalawa, nagpanggap ako no'n na wala akong maalala dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Kung paano ko siya kakausapin. Ayoko rin marinig ang sasabihin niya kung sakali na inamin ko na naaalala ko ang lahat. That was my first time with a man and I bet that was his first, as well. Pero bago pa mangyari 'yon, I already looked up on the internet how both guys do those things that's why it happened.
I don't how things turned out this way. Hindi ko alam kung kailan pa ako may nararamdaman sa kaniya. Hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang 'to napansin ngayong kolehiyo na kami. Matagal na kaming magkaibigan kaya bakit ngayon lang umusbong itong nararamdaman ko para sa kaniya? Naguguluhan ako. Hindi ko matanggap sa sarili ko ang sarili kong nararamdaman. I was afraid. I don't know how to face him. I don't know what face he would show me or how he will react once I told him about what I feel for him. That's why, I decided to stay away from him.
Iniwasan ko siya dahil ayoko na lumala pa lalo ang nararamdaman ko para sa kaniya pero habang ginagawa ko 'yon ay para naman akong pinapatay. Kaya sa huli, sumuko rin ako at bumalik sa kaniya. Sumuko ako at inamin sa sarili ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ko akalain na mauuwi kami sa ganito.
Nagsinungaling ako sa kaniya na may umamin sa'king lalaki para tignan ang magiging reaksyon niya, kung against ba siya sa gano'ng bagay o kung ano ang sasabihin niya sa'kin. Pero nang makita ang reaksyon niya, ang pamamaraan ng pananalita niya, kung paano niya iwasan ang mata ko, kung paano niya ako ipagtabuyan, naramdaman ko na parang may something. Na baka may chance ako sa kaniya, may chance na makuha ko siya. Ngunit hindi ko akalain sa pag-push ko lang sa kaniya ng unti ay bibigay siya at mauuwi kami sa ganito.
Ako na ata ang pinaka masayang tao sa araw na 'to. Damn. Dapat ay walang mas may sasaya pa sa'kin ngayon, okay? Dapat ako lang dahil kami na ni Aiden!
Yes, masaya ako dahil kami na ngayon ni Aiden, pero hindi ko siya magawang lapitan kahit na gusto ko. Hindi naman dahil sa maraming tao sa paligid namin, wala na nga lang 'yun sa'kin dahil sanay naman na silang makita kami lagi na magkadikit. Ang problema lang, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko once na madikit ako kay Aiden. Lalapit lamang ako sa kaniya tuwing kasama namin sina Jacob, Yuan at Hans pero kung kami lang at ang ibang tao na hindi niya close ay hindi ako dumidikit sa kaniya.
Nagpatuloy ako sa pagiging gano'n hanggang sa umabot kami ng 2 months. Tuwing monthsary namin ay kumakain kaming dalawa sa labas ngunit hanggang doon lang. Takot nga ako lumapit sa kaniya 'di ba? Baka mamaya makain ko siya ng buo kaya mas mabuti na ako na mismo ang pumigil sa sarili ko. Natutulog pa rin ako sa condo niya paminsan-minsan pero nangyayari lang 'yon kapag kasama namin ang mga kaibigan ko, 'yung tatlong unggoy. Kapag uuwi na sila ay saka lamang din ako uuwi para hindi ako maiwan kasama si Aiden, ayoko siyang biglain dahil ayokong iwan niya ako. Hanggang halik sa noo at pisngi lang ang ginagawa ko, hindi ko kaya sa labi dahil baka ma-addict ako at baka hindi ko tigilan pa ang paghalik sa labi niya. Baka kung saan pa mauwi ang lahat. Ang lambot pa naman ng labi niya at nakaka-addict talagang halikan.
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Romance[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...