Chapter 4

713 26 4
                                    

Aiden's Point of View

"Are you okay?" Regie asked.

I nodded and took the table napkin. Oh, man that was embarrassing.

Wyatt caressed my back, "Are you okay, babe?"

B-Babe?! That's so common!

We didn't talk about the endearment so I was surprised.

I turned to him and nodded, "Yeah, I'm fine."

Marcus smiled, "Good to know that you're fine. So, may we know your name?"

"I'm Aida," I said.

"She's Aira," Wyatt said.

What the fuck?!

Sabay kaming nagsalita kaya hindi na ako magtataka kung bakit mukhang gulat at palipat-lipat ang tingin sa'min ng mga pinsan niya. Akala ko ba Aida ang pangalan ko? Bakit Aira ang sinabi niya?

Nagkatinginan kaming dalawa. Dahil sa inis ko sa kaniya ay inapakan ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa. Siya pa talaga ang gagawa ng dahilan para mahuli kami!

"Ah..." nagkamot siya ng ulo at tumawa-tawa, "Nakagat ko lang dila ko kaya Aira ang nasabi ko, pero Aida talaga ang pangalan niya."

Ngumiti naman ang mga pinsan niya. Mukhang nakumbinsi sila ni Wyatt dahil tumango lang sila.

"Mag-order na tayo," sabi ni Cynthia saka nito itinaas ang kaniyang kamay para magtawag ng waiter.

Pagtapos namin mag order ay nag-usap-usap lang kami hanggang sa dumating na ang mga pagkain.

"Wow, kamukhang-kamukha mo talaga si Aiden," biglang nagsalita si Criza. "Kung babae lang si Aiden baka isipin ko na siya ang nasa harapan ko ngayon."

Pasimple akong sumulyap kay Wyatt bago ako nagsalita, "Hindi naman masyado."

"Don't tell me kambal mo si Aiden?" Tanong ni Cynthia.

Agad akong umuling na sinamahan ko pa ng pag-wave ng kamay ko, "Hindi. Uhm... siguro magkahawig lang talaga kami."

"Childhood best friend kasi ni Wyatt si Aiden kaya siguro naghanap din siya ng kamukha ni Aiden," natatawang biro ni Marcus.

Kunwari na lang ay natawa rin ako kahit ang awkward na para sa'kin ng usapan. Malamang ay kamukha ko si Aiden dahil ako 'yon! Pero syempre hindi ko pwedeng sabihin 'yun sa kanila kung ayokong mahuli kami. Isa pa, nakakahiya baka isipin nila na manyak ako dahil nagsusuot ako ng damit pambabae. Sigh.

"Magaling pala pumili ng babae itong pinsan ko," natatawang sabi ni Ryan.

"Of course, gwapo ako kaya kailangan ko ng girlfriend na maganda," pagmamayabang na tugon ni Wyatt.

Ah, really? Maganda ako kaya mo ako ginawang girlfriend mo?

"Hmp!" Criza pouted. "Na-miss ko tuloy bigla si Aiden. Nasanay ako na tuwing aayain kumain sa labas itong si Wyatt ay lagi niya 'yon kasama."

Dahil lang do'n kaya mo ako namimiss? Baka naman may gusto ka rin sa'kin?

"Hey, Criza watch your mouth," Regie turned to Criza. "Aida is here pero ang bukambibig natin ay si Aiden, baka mamaya pagselosan na ni Aida 'yon."

Huh? Bakit ko naman pagseselosan ang sarili ko?

"That's right, let's just forget about Aiden for this day," Wyatt said.

Wait, hayaan niyo muna akong ipakilala ang mga pinsan niya. Si Marcus ay ang nakatatanda sa kanilang magpipinsan at malapit na mag-graduate sa college. Si Ryan naman ay ang pangalawa sa nakatatanda, third year college na siya at pareho sila ng pinapasukan na eskwelahan ni Marcus. Si Regie at Cynthia ay kasing edad lang namin ni Wyatt at pareho ng pinapasukan na paaralan. Nasa 1st year college pa lang kami. Habang si Criza naman ay ang pinabata sa lahat, grade 11 pa lang siya.

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon