Chapter 40

437 12 0
                                    

Wyatt's Point of View

"Is that all that you want to talk about?" I looked at him.

"No," he shook his head, "Hindi iyon ang gusto kong sabihin sa’yo. What I really wanted to talk to you about was the photo that got leaked. I found out who’s behind it."

Kumunot ang noo ko, "Who?"

"It was from…"

BANG!

Malakas na bumukas ang pintuan dahilan para hindi ko marinig ang sunod na sinabi ni Hans; pangalan ng taong nagkalat ng imahe naming dalawa ni Aiden. 

"Damn! Nakapapagod umakyat!" Reklamo ni Jacob habang nagpupunas ng kaniyang pawis.
Binuksan ni Yuan ang hawak niyang mineral bottle at inabot 'yon kay Jacob at sinabing, "Oh, uminom ka muna panay ka reklamo."

Pagtapos mai-abot kay Jacob ang tubig ay umupo siya sa tabi ni Hans. Habang si Jacob naman ay nanatiling nakatayo habang iniinom ang tubig na binigay ni Yuan sa kaniya. 

"Anong pinag-uusapan niyo bago kami dumating?" Tanong ni Jacob. "Mukhang malalim 'yang pinag-uusapan niyo. Pwede ba kaming makisali?" Dugtong pa niya. Pagtapos niyang uminom ay tumabi siya kay Yuan.

Magkatabi silang tatlo habang ako naman ay na sa harapan nila. Mukha tuloy akong ini-interrogate nilang tatlo. 

"Wala," sagot ni Hans sa tanong ni Jacob.

"Anong wala? Ituloy mo 'yung sasabihin mo," saad ko.

"Sinabi ko na, hindi mo lang narinig," sagot niya. Kinuha niya ang pagkain niya kay Yuan at tumingin ulit sa'kin. "Hindi ko na kasalanan kung hindi mo narinig."

"Ang alin ba? Ano bang topic niyo? Hindi ako maka-relate, ha," tanong ni Jacob, bago ilabas ang pagkain niya sa supot na kaniyang dala.  Ang isa naman do'n ay inabot niya sa'kin.

Sasagot na sana ako nang biglang magtanong si Yuan. Hindi ko tuloy naituloy ang pagsagot. "Oh, bakit parang namamaga ata ang mata mo, Wyatt?"

"Ah, puyat kasi ako," pagsisinungaling ko.

"Ulol! Puyat daw ampota, hindi naman gan'yan ang  mata mo kanina. 'Yung totoo, tungkol saan ba ang pinag-uusapan niyo?" Ani Jacob. Halatang hindi naniniwala sa pagsisinungaling ko. 

"Si Aiden ba?" Tanong ni Yuan. 

Jacob's mouth forms an 'O'. "What? Really?" Tanong nito, naglipat-lipat pa ang tingin niya sa'ming dalawa ni Hans. 

Hans heaved a sigh, "Pwede bang kumain muna tayo? Nagugutom na ako."

"Hindi pwede," agarang sagot ni Jacob. "Kailangan namin malaman ang tungkol sa pinag-uusapan niyo. Ngayon na. As in now na!"

Dahil sa pagpupumilit ni Jacob ay walang nagawa si Hans kun'di ang sabihin sa kanila lahat ng napag-usapan namin, kahit most of it naman ay ang paglalabas niya ng sama ng loob sa'kin. 

"Oh, so... Kanino galing 'yung picture? At paano mo nalaman?" Tanong ni Yuan matapos mapakinggan lahat ng sinabi ni Hans.

Huminga ng malalim si Hans bago siya magsalita, "I won't mention her name just because I don't like her. I will mention her name because the photo was really from her, okay?" He took a deep breath again before stating the culprit's name.

"The photo was from Agleen," as he mentioned that woman's name. He looked at me.

"What?" I scoffed.

"Bakit? Hindi ka ba naniniwala?" He sniggered. "Do I need to show you the proof that it was really from her? That the main reason for your breakup was really her. From the woman you reconnected with just to save your goddamn face. The woman you replaced Aiden with." 

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon