Chapter 8

1K 31 2
                                        

Aiden's Point of View

"Bakit ka ba nagagalit sa 'kin?" Tanong ko, nagsisimula na mainis sa kaniya.

He scoffed. "Tinatanong mo talaga ako kung bakit? Hindi pa ba halata kung ano ang ikinagagalit ko?"

"Wala naman akong ginagawa!" Pagtatanggol ko sa sarili.

Umismid siya at umiwas ng tingin. "Yeah, yeah. Whatever you say."

I bit my lower lip and held my tears back. Why is he so mad? Hindi ko naman talaga siya iniiwasan, 'yung kamay niya lang naman ang iniiwasan ko. Palibhasa hindi niya alam ang nararamdaman ko kaya niya nasasabi 'yun. Hindi niya alam na para na akong mababaliw tuwing gabi kaiisip kung bakit ako nagkakaganito. Iyong sa tuwing magkakatitigan kami ay bumibilis ang tibok ng puso ko na dati naman ay hindi ko nararamdaman. At sa tuwing magkakadikit lang kami saglit ay nakararamdam na ako ng kuryente sa katawan na kahit na minsan ay hindi ko pa naranasan.

For a moment of silence, my tears finally fell down. I sobbed, and when Wyatt heard it he immediately turned to me. Nakatingala lang ako sa kaniya habang ang mga luha ko ay patuloy lang sa paglabas.

Napahilamos ni Wyatt ang kamay niya sa kaniyang mukha nang makita akong umiiyak. Umupo siya ulit habang nanatiling nakatakip sa mukha niya ang kaniyang palad.

"H'wag kang magpaawa sa 'kin, Aiden. Galit ako! Hindi mo ako madadaan sa pag-iyak mong 'yan!" Sigaw niya.

Iniyuko ko ang aking ulo at pinigilan ang pag-iyak. "Hindi naman ako nagpapa-awa sa 'yo. Hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit ka galit sa 'kin. Sinisigawan mo pa ako. Hindi ko alam kung anong nagawa ko na nagpasama ng loob mo sa 'kin."

"Oh, really?" He scoffed, hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Pinapunta mo rito si Danica at tinangkang halikan. Iniiwasan mo ako pero todo deny ka pa rin kahit halata naman. Parang pinaparating mo sa 'kin na ayaw mo na akong maging kaibigan."

"Hindi—" hindi ko naituloy ang sasabihin nang magpatuloy sa pagsasalita si Wyatt.

"O baka naman ayaw mong magpahawak sa 'kin dahil tingin mo sa 'kin ay isa akong germs? Nilalayuan mo ako para bigyan ako ng sign na gusto mo na itigil ang pagkakaibigan natin. O hindi kaya, pakiramdam mo ay pagsasamantalahan kita dahil sa nangyari sa 'tin last week," dagdag niya.

Tumayo ako sa harapan niya, galit. "Paano mo nasasabi ang mga 'yan sa 'kin? Ganiyan na ba ang tingin mo sa 'kin, ha?!"

He shrugged. "I don't know. Ikaw mismo ang nagbibigay sa 'kin ng mga ideya na 'yun kaya h'wag ako ang sisihin mo."

"You..." my voice trembled and I clenched my fist. "I hate you so much."

He just smirked and tilted his head. "Bakit mo tinangkang halikan si Danica? Kung hindi ba ako dumating ay hahalikan mo talaga siya?"

"Paano kung sabihin kong 'oo'? May magagawa ka ba?" Paghahamon ko.

Nakita ko ang pag-igting ng bagang niya ngunit hindi ko 'yun pinansin. "Gusto mo talaga siya?" tanong niya.

No.

"Yes," I answered.

He nodded and sat properly. "That's good. I'm also planning to court Vanessa. You know, my crush." He smiled.

"Why are you telling me this as if I care? You don't have to inform me of all you want to do," I said.

"See?" He crossed his arms and tilted his head. "Wala ka man lang pakialam sa love life ng kaibigan mo."

"Dapat ba mayro'n?" Tanong ko. "We all have privacy. That's your life so why would I interfere?"

He sniggered, saying, "You just told me that you don't care for me." He stood up and stretched his arm before he looked at me directly to my eyes. "Let's make up. Just like you said, let's not just interfere with each other's life, pero manatili pa rin tayong magkaibigan." He held out his hand and I stared at it for a moment.

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon