Aiden's Point of View
Nilabas ko ang phone ko at ni-message si Wyatt.
To: Wyatt,
Danica will come over. Are you coming?
Pagtapos kong i-send 'yun ay inaantay kong tignan ni Wyatt ang phone niya. Maya-maya lang ay sinilip niya ang phone niya ngunit hindi siya nagreply.
Of course, he's on a date.
Nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa fast food para doon kumain ng almusal. Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa condo para maglinis. Nakakahiya naman kung maabutan ni Danica na marumi ang silid. Hinanda ko na rin sa lamesa ang mga workbooks na sasagutan ko para magsasagot na lang kami agad pagdating niya.
Habang naghihintay sa pagdating ni Danica ay ni-open ko ang laptop ko at nag post sa isang web site.
"I need help. I can't figure it out so I need to post it here. I'm a guy and I have a guy best friend. One time, we kissed and after that day I had strange feelings. Whenever I look at him, my heart will race. Every time we touch I feel electricity flowing all over my body. And when I saw him kissing a woman, it felt like my heart was being stabbed by multiple needles. Lastly, I miss him every single day. Am I what I think I am?"
After a few seconds, may mga nag-comment na ro'n. Wow, ang bilis nila mag-response.
"Yes, you are what you think you are!"
"You're definitely in love with your guy best friend."
"You're gay, dude. Pero kung na-a-attract ka pa rin naman sa mga babae, then you're bisexual."
"You like him."
"You're gay."
"It's love at first kiss, man."
And I read many more comments, but most of the comments says that I'm gay. I heaved a sigh before I turned off the laptop. As soon as I closed it the doorbell rang.
"Coming," I said and approached the door. I smiled as soon as I saw Danica standing there. "Come in."
Nagsagot kami ng workbooks ng tahimik. Mag-uusap lang kami kapag may itatanong siya sa'kin tungkol sa mga questions and formulas na hindi niya maintindihan. Sa kalagitnaan ng pagsasagot namin ay biglang may nag doorbell.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na, 3:45 PM na pala. Pero sino naman ang pupunta rito ng ganitong oras?
Nagpaalam muna ako kay Danica bago buksan ang pinto. Laking gulat ko nang makita si Wyatt.
"What are you doing here?" Tanong ko.
"Tinanong mo kung pupunta ako," sabi niya. "This is my answer."
Ah, right. "Come in," sabi ko at nilakihan ang pagbukas sa pinto.
Alam niya naman ang password ko pero bakit hindi na lang siya pumasok agad tulad ng dati? I just shrugged.
Pagtapos ko isarado ang pinto ay bumalik na ako sa pwesto ko. Magkatabi si Danica at Wyatt, mahina ang boses nila pero naririnig ko silang humahagikhik. Nang maalala ang oras ay nagpasya akong bumili ng meryenda.
"Bibili muna ako ng pagkain, maiwan ko muna kayo," sabi ko at lumabas na ng condo.
Bumili lang ako ng burgers, fries, floats and coffees para sa'ming tatlo. Habang nakasakay sa elevator at pabalik na ng condo ay bigla kong naitanong sa sarili kung ano ang pinag-uusapan nila kanina. Na-curious tuloy ako kung kailan pa sila naging close, dahil base sa pagkakaalam ko ay hindi naman sila nag-uusap sa classroom.
![](https://img.wattpad.com/cover/317225296-288-k441551.jpg)
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Romance[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...