Chapter 9

1K 32 0
                                        

Aiden's Point of View

"Aiden, can we talk?"

Tumingala ako at nakita ko si Danica. Nakayuko siya at pinaglalaruan ang mga daliri niya.

"Sure," sagot ko.

"Uhm, pwede ba tayo pumunta sa tahimik na lugar? 'Yung tayong dalawa lang ang tao," sabi niya.

Tumayo ako. "Okay."

Tumango siya at nagsimula na maglakad. Sumunod lang ako sa kaniya palabas ng classroom. Napansin ko na nakasunod ang titig ni Hans sa 'ming dalawa ni Danica pero pinagsawalang bahala ko na lang 'yun. Si Wyatt ay wala pa sa classroom baka ma-late siya sa pagpasok. Mukhang lasing na talaga kasi siya kagabi.

Dinala ako ni Danica sa rooftop. Pagpasok namin doon ay agad niyang sinarado ang pinto. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang inaantay siyang magsalita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat naming pag-usapan. Tungkol ba 'to sa nakita ko kagabi? Kung concern siya na ipagkakalat ko ang tungkol do'n, well safe siya dahil wala naman akong close sa klase namin. At wala rin naman akong makukuhang maganda kung ipagkakalat ko 'yun.

"About what happened yesterday—"

I cut her off. "Don't worry, hindi ako magsasalita tungkol do'n. 'Yun lang ba ang sasabihin mo?"

Tumingin siya sa 'kin saka umiling. "Hindi 'yan ang gusto kong sabihin. Aiden, I'm sorry—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang may kumalampag sa pintuan ng rooftop.

"Aiden~"

What the fuck? Who's that?

Bang! Bang!

"Let's talk! May itatanong lang ako!" Sigaw ulit ng tao sa labas.

Lumingon ako kay Danica. Tumango siya sa 'kin saka binuksan ang pintuan ng rooftop. Pagbukas ng pinto ay sumalubong sa 'min ang mukha ni Hans.

Kumunot ang noo ko. "What are you doing here?"

Oo, nakatingin siya sa 'min kanina ni Danica sa classroom pero hindi ko naman inasahan na susundan niya kami hanggang dito.

"Pwede ka ba muna lumabas, Danica? May itatanong lang ako sa kaniya," hinihingal na sabi nito. "Privately," dugtong niya nang hindi kumilos si Danica.

"O-Okay," sagot ni Danica saka lumabas ng rooftop. Nakita ko pa siyang tumakbo pababa ng hagdan.

Sinarado ni Hans ang pinto at kami na lang ang tao ro'n.

"Hindi ba umuwi si Wyatt?" Tanong niya.

"Bakit mo sa 'kin tinatanong?" Tanong ko pabalik.

"Kayo ang pinaka-close, saka bigla na lang kasi nawala si Wyatt kagabi. Hindi namin alam kung nakauwi ba siya dahil hindi rin niya sinasagot ang phone niya no'ng tinatawagan namin siya," sagot niya.

"Tumawag sa 'kin lolo niya, pinaki-usapan ako kung pwede kong sunduin si Wyatt. Hinatid ko siya kagabi sa kanila," sagot ko.

Tumango siya saka ngumiti. "Kaya pala parang nakita kita sa bar kagabi. Akala ko guni-guni ko lang."

"Nakita rin kita ro'n," sabi ko.

Nagkamot siya ng ulo at mukhang nahiya sa sinabi ko. "Anyways, sabi rin ni Vanessa na habang kahalikan niya raw si Wyatt ay may humila sa kaniya na maliit na lalaki. Siguro, ikaw ang tinutukoy niya ro'n."

Kapag maliit na lalaki, ako agad?

"Vanessa? Is she..." hindi pa man ako tapos magsalita ay tumango na agad si Hans.

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon