Aiden's Point of View
Thirty minutes pa kaming naghintay ni Cynthia hanggang sa matapos kumain sina Wyatt. Nagtatawanan sila habang palabas sa dining room, halatang hindi pa napapansin ang presensya namin ni Cynthia.
Napakagat ako sa'king pang-ibabang labi nang makita kung saan nakahawak ang kamay ni Wyatt. Nang iniwas ko ang tingin ko sa kaniyang kamay at tumingin na lamang sa kaniyang mukha, nakita ko na nakatitig din siya sa'kin. Mukha siyang natigilan nang makita ako, pati ang ngiti niya sa labi ay naglaho rin.
"Wyatt, what's wrong?" Agleen asked. Pagtapos ay sinundan niya kung saan nakatingin si Wyatt at doon lamang niya ako napansin. Ngumiti siya at kumaway sa'kin, "Hello, Wyatt's friend!"
I faked a smile, "Hello."
"Tsk. Marinig ko lang boses niya naiinis na ako agad," bulong ni Cynthia.
Tumayo ako at lumapit sa kanila. Sumunod naman sa'kin si Cynthia.
"Wyatt, can we talk?" I asked, looking directly into Wyatt's eyes.
"Um..." He looked at Agleen.
That made my heart hurt. Parang kinurot ang puso ko. Kailangan pa ba niya talaga ng permiso galing sa babaeng 'yan bago ako kausapin? Hindi ba't ako naman ang boyfriend niya at ako ang kilalang girlfriend ng pamilya niya.
"Anong pag-uusapan niyo?" Tanong ni Agleen habang nakangiti pa rin. Hindi ko alam, pero kahit mukhang mabait siya ay naiinis pa rin ako. Siguro dahil siya ang katabi ngayon ni Wyatt imbes na ako.
"Hindi mo na siguro kailangan pang malaman," sagot ko. "Gusto ko siya makausap ng kami lang dalawa."
She scoffed, "What? Of course, I need to know. Duh~ I'm the girlfriend here."
My brows furrowed from what I heard, "Come again? Girlfriend?"
She shrugged, "Yep." After she answered, she hugged Wyatt's arm.
Tumingin ako kay Wyatt. What the heck? So, talagang ipinakilala niya itong si Agleen bilang girlfriend niya. So, paano na si Aida? Paano ako? Wala na lang ba ako ngayon sa kaniya pati ang relasyon namin dahil lang sa kumalat na larawan namin? Wow. I didn't expect this to happen. I never expected it because I trust him.
Akala ko noong mga araw na nilalayuan niya ako ay para hindi kami mapag-usapan sa classroom. Para pahupain din ang kumalat na issue pero hindi pala gano'n. Noong mga araw na 'yon, nagkakamabutihan na sila ni Agleen at ngayon ay sila na ulit. Wow. I can't believe this is happening.
Hindi man lang niya ako kinausap, nagdesisyon siya ng para lang sa sarili niya. Fuck. How selfish.
"Let's talk," dahil sa galit na umusbong sa dibdib ko ay hinila ko kaagad si Wyatt papunta sa kwarto niya. Hahabulin sana kami ni Agleen nang pigilan siya ni Cynthia.
Pagdating sa kwarto ni Wyatt ay sinarado ko ang pinto. Huminga ako ng malalim bago lumingon sa kaniya. As soon as I faced him, my tears that I was holding back came out voluntarily.
Hindi siya nakatingin sa'kin. Nakatingin lamang siya sa ibaba. Ngayon hindi na niya rin ako kayang tingnan? Nandidiri na ba siya sa'kin? Nandiri ba siya nang ma-realize niya ang mga ginawa namin dati? Pati ang katotohanan na he dated a guy?
I took a deep breath, "What was that about?" I asked. "Totoo ba? Totoo bang girlfriend mo na siya ulit?"
Naghintay ako ng ilang sandali para kunin ang sagot niya ngunit hindi siya nagsalita.
"Bakit hindi ka sumasagot? Paano na ako? Bakit bigla mo na lang akong iniwan? Kung ayaw mo na sana sa relasyon nating dalawa, sana sinabi mo sa'kin! Hindi 'yong mukha akong tanga na laging naghihintay sa condo sa pagdating mo! Noong mga araw na 'yon, habang naghihintay ako sa'yo, ikaw naman ay kasama ang ex-girlfriend m-mo!" My voice broke.
![](https://img.wattpad.com/cover/317225296-288-k441551.jpg)
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Romance[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...