Chapter 37

362 20 0
                                    

Aiden's Point of View

Ilang araw na ba ang lumipas simula noong huli kong nakausap si Wyatt? Hindi ko na alam. Next week na ang finals at hanggang ngayon ay wala pa akong narereview kahit na isa sa mga subjects ko. Paano ba naman ako makarereview kung sa tuwing magbabasa ako ay bigla na lamang papasok sa isip ko si Wyatt? Maaalala ko ang mga araw na masaya pa kaming dalawa, kasama no'n ay ang minsanan naming pagtatalo sa mga maliliit na bagay. Bigla na lang akong maiiyak sa tuwing maaalala ko ang mga iyon pero tuwing naiisip ko rin na baka salimpusa lang ako sa love story nilang dalawa ni Agleen ay napapangiti na lamang ako ng mapait.

Baka nga extra lang ako sa love story nilang dalawa. Na naging kami lang ni Wyatt para punan ko ang lungkot sa dibdib niya. Ano pa nga ba'ng magagawa ko? Mukhang hanggang dito na lang talaga kami.

Minsan napapaisip ako kung nagkaroon ba talaga sa'kin ng feelings si Wyatt dahil maging siya ay hindi sigurado kung nagkaroon ba talaga siya ng feelings para sa'kin.

Ano kaya ang nararamdaman ni Wyatt dati tuwing magkahawak ang aming mga kamay? Tuwing magkayakap kami at sa tuwing magkadikit ang aming mga labi? Nararamdaman niya rin kaya ang nararamdaman ko? Bumibilis din kaya ang tibok ng puso niya no'n o wala lang iyon lahat sa kaniya?

Naging masaya kaya siya sa piling ko o ako lang ang nakaramdam ng kasiyahan? Dang. Hindi ko alam. I hope I could read his mind so I would know.

===

[Exam Day]

I have decided. After this Finals I will go where my Mom is. I won't go there because she asked me to. I did not promise her to go there, either, in fact I refused it. However, after thinking that I should really move on now, I decided to just accept my Mom's offer. I know I wouldn't be happy there but I still accepted it because I don't have a choice anymore. I haven't called my mom yet to say that I will come, maybe I will after finishing the exam.

Tatlong araw ang exam namin, matapos ang tatlong araw na iyon ay agad kong tinawagan ang Mommy ko at sinabi na roon na ako titira. Naging masaya naman siya sa desisyon ko, gusto pa niya alamin kung bakit biglang nagbago ang isip ko ngunit hindi ko na sinabi pa sa kaniya ang dahilan. Hindi naman na niya kailangan pang malaman.

11 AM na at bukas naman ng umaga ako aalis. Kumpleto na lahat ng mga kailangan ko sa pag transfer dahil inasikaso ko na lahat ng ito bago pa mag-finals.

I was sitting on the couch when I suddenly remembered Regie. Kailangan ko rin atang magpaalam sa kaniya, pati na rin kay Hans dahil naging mabuti sila sa'kin noong mga panahon na alam niyo na...

I picked my phone from the table and dialed Regie's number. After 2 rings, he answered it.

"Hello?"

"Regie, may free time ka ba ngayong araw?"

"Hmm... I'm free now. May problema ba?" you can feel his concern through the tone of his voice.

"Wala naman," I shook my head as if he could see it. "Let's meet up at the café near xxx road."

"Yeah, sure. Ngayon na ba?"

"Um, oo kung wala kang ibang gagawin," sagot ko.

"Sure, I'll go now. See you, Aiden!" Then, he hung up the call.

TOOT TOOT...

I even heard the sound of his car before he hung up the call. Hmm, where can I find a man like him? Someone that would be excited to see you. Someone that will answer your call right away. Will comfort you when you feel down. Someone like Regie.

====

Nang makarating ako sa café ay nagulat ako dahil mas nauna pa sa'kin si Regie roon. Kumaway ako sa kaniya bago ako naglakad palapit sa kaniya. Nang makalapit ay umupo ako sa kaniyang harapan nang nakangiti.

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon