Aiden's Point of View
Simula ng field trip hanggang tatlong araw na ang lumipas ay hindi ako tumatabi kay Wyatt sa pagtulog. Alam kong nagtataka na rin siya sa mga kinikilos ko pero anong gagawin ko? Hindi pa ako handa! Hindi ko malimutan iyong sinabi niya na, "Aiden, next time I want to put it in you." Gaah! Anong gagawin ko? Shit. Shit.
Mahal ko siya p-pero ang bagay na 'yun ay... Damn! So far, masarap naman iyong mga ginagawa namin. Nagdadalawang isip tuloy ako kung dapat ba naming gawin ang bagay na 'yon. Alam mo na... Malaki 'yung size niya, maliit lang ang hole ko, so paano 'yon magkakasya sa'kin, 'di ba? Iniisip ko pa lang, alam kong masasaktan na ako. Haa... Hindi ko na talaga alam ang gagawin!
"Aiden?"
Knock! Knock! Knock!
"Kanina pa d'yan sa banyo, ano bang ginagawa mo?"
Hindi ko naman na siguro kailangan pang sabihin kung sino ang kumakatok, 'di ba? Oo, si Wyatt iyan. Nandito na naman siya sa condo at magkasama na naman kami. Oo, kaming dalawa lang! Sinubukan kong ayain sina Hans na rito matulog pero nahuli ako ni Wyatt at binawi niya ang sinabi ko. Sinabi niya sa mga kaibigan niya na joke lang iyon. Sigh...
What should I do now? Paano kung mag-attempt siya? Kung itutulak ko siya, parang nakababastos naman 'yon, 'di ba? Hmm... Siguro naman madadaan namin sa madaling usapan ang tungkol do'n 'no?"
Knock! Knock!
"Aiden! H'wag mo naman akong pakabahin! Baka natutulog ka na naman habang nasa bathtub, ha!" Saad niya at muling kumatok ng malakas.
I took a deep breath, "Palabas na ako! Saglit lang!"
"Dinner's ready, bilisan mo," tugon niya.
Bumuntong hininga ako bago lumabas sa banyo. Dumiretso ako kung na saan si Wyatt at umupo sa kaniyang harap.
"Bakit hindi ka rito sa tabi ko? Nandito na nga ang pagkain mo sa tabi ko," tanong niya nang mapansin na hindi ako tumabi sa kaniya.
"Mas gusto ko rito para nakikita ko ang mukha mo habang kumakain ako," sagot ko saka nag-iwas ng tingin.
Magandang excuse naman siguro iyong naisip ko 'di ba? Kapani-paniwala naman 'di ba? Aish!
He sighed, "Akala mo ba hindi ko napapansin 'yang pag-iwas mo sa'kin?" Sinandal niya ang kaniyang likod sa upuan at pinagkrus ang kaniyang braso, "May nagawa ba akong mali? Pwede mo naman sabihin sa'kin para hindi mo ako iniiwasan, at sa gano'ng paraan ay makahihingi ako ng sorry sa'yo."
Agad akong umiling, "Huh? W-Wala ka namang ginawang masama—"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang putulin niya ako, "Then, what's the problem? Bakit mo ako iniiwasan? Ilang araw na ba ang lumipas pagtapos natin pumuntang field trip? Akala mo ba hindi ko napansin na pagdating natin do'n ay iniiwasan mo na ako?"
Napakagat ako sa labi ko. Nagu-guilty ako! 'Yong paraan ng pananalita niya, maging ang boses niya, mararamdaman mo ro'n na nasasaktan siya.
Damn. Ito na ba ang time para pag-usapan namin 'yon? Pero nasa harapan kami ng hapag-kainan.
"Uhm..." I bowed my head and played with my fingers. Fuck it. Nahihiya ako magsabi!
"It's okay," he uttered. "Kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain."
Nagsimula na nga sa kumain. Habang kumakain ay tahimik lamang kami at hanggang sa matapos na kami kumain ay gano'n pa rin. Hindi man lang niya ako binalingan kahit isang sulyap man lang habang kumakain kami kanina.
Umupo ako sa couch habang siya naman ay naghuhugas ng mga pinagkainan namin. Gusto ko agawin 'yon sa kaniya pero natatakot ako. Baka kasi hindi niya ako pansinin at ituring niya lang ako na parang multo.
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Romance[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...
![Girlfriend? For Hire! [BL]](https://img.wattpad.com/cover/317225296-64-k441551.jpg)