Chapter 20

525 20 4
                                    

Aiden's Point of View

Pagtapos namin kumain ay umuwi na sina Jacob. Akala ko sasabay si Wyatt sa kanila sa pag-uwi ngunit nanatili siya sa condo kasama ko. Aish, gusto ko siyang ipagtabuyan ngunit ayoko naman siya kausapin. Hindi ba pwedeng umuwi na siya ngayon? Gusto ko umiyak. Gusto ko ilabas ang lahat ng luha ko na hindi ko malabas kanina. Ano pa bang gagawin niya rito bukod sa pasakitin ang dibdib ko? I want to be alone right now and clear my mind. Please, sana maisip na ni Wyatt na umuwi.

Narito ako ngayon sa kwarto habang nasa sala naman siya. Well, kanina pa ako nakakulong dito kaya hindi ko masabi kung naro'n pa ba si Wyatt.

Huminga ako ng malalim bago pinihit ang doorknob. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa kung ano ang sumalubong sa'kin. Akmang isasara ko na ang pinto nang mabilis itong mapigilan ni Wyatt. Damn, anong ginagawa niya sa harap ng pintuan?

"Galit ka ba?" Tanong niya, "Wala naman akong ginawa sa'yong masama, ah."

"Hindi ako galit," sagot ko. Binaba ko ang aking mata sa paa niya. Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya.

"Alam mo bang lagi mong binababa ang tingin mo tuwing nagsisinungaling ka?" Saad niya. Bumuntong hininga siya, "Anong dahilan, bakit ka galit sa'kin?"

I gulped. Dahil nandito naman ako pero bakit kailangan mo pa humanap ng iba! Ang lapit-lapit ko na nga sa'yo, sa iba ka pa nakatingin!

Gusto kong isagaw 'yan sa pagmumukha niya pero wala akong lakas na loob na gawin.

I heaved a sigh, "Wala ka naman ginawa. Mainit lang talaga ang ulo ko ngayon." Tinaas ko ang tingin sa kaniya, "Gusto ko maging mapag-isa ngayon kaya umuwi kana. May pasok din tayo mamaya baka ma-late ka pa kung hindi ka pa aalis dito."

He tilted his head, "So, ngayon pinagtatabuyan mo naman ako?" He sniggered, "Dahil ba 'to sa sinabi ko kanina? Homophobic ka? Ayaw mo ako mag-end up sa lalaki, gano'n ba?"

Nagsalubong ako kilay ko. Hindi ako homophobic pero oo, ayoko mag-end ka sa lalaki. No, ayoko mag-end up ka sa ibang lalaki. Damn. Am I being selfish? Akala ko magiging kuntento na ako sa kung ano kami ngayon. Pero bakit... Naghahangad pa ako ng mas malalim na relasyon? Fuck.

"Hindi," umiling ako. "Sabi ko nga 'di ba sa'yo i-try mong i-date siya? Paano naman naging homophobic 'yon? Kaibigan mo ako, support ako sa lahat ng magiging desisyon mo sa buhay."

Yeah, kaibigan mo ako. Kaibigan mo lang ako at ang ating relasyon ay mananatili lamang hanggang doon.

Alam ko naman sa una pa lang na hindi talaga pwedeng maging kami. Walang chance, wala akong chance dahil kaibigan lang ang tingin sa'kin ni Wyatt. Idagdag mo pa na pareho kaming lalaki, matagal na kaming magkaibigan at sa pagkaka-alam ni Wyatt ay straight ako.

Girlfriend? For Hire! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon