Aiden's Point of View
It's my time to leave.
Tumayo ako matapos marinig ang numero ng eroplanong sasakyan ko. Huminga ako ng malalim bago lumingon sa'king likuran. Napangiti na lamang ako ng mapait nang makita ang mga hindi pamilyar na mukha para sa'kin.
Ano ba ang in-e-expect ko? Akala ko ba hahabulin ako ni Wyatt at pipigilan niya ako na umalis? Sarili ko na lang ata ang niloloko ko.
Muli akong humugot ng isang malalim na hininga bago nagsimulang maglakad na. Kada hakbang na ginagawa ko ay naaalala ko ang mga masasayang araw na kasama ko siya, pati na rin ang sakit na dulot ng pagbalik ni Agleen.
Ang sabi ko sa sarili ko ay magiging masaya rin ako hangga't masaya si Wyatt sa piling ng taong mahal niya. Ngunit bakit gano'n? Kahit anong kasiyahan ay wala akong maramdaman para sa kanila. Hindi ko pala talaga kaya maging masaya hangga't hindi ako ang pinang gagalingan ng kasiyahan niya. Makasarili na ba ako no'n? Oo, siguro nga.
Sana sa pagsakay ko sa eroplano ay maiwan ko lahat ng memorya ko kasama siya. Sana sa paglisan ko ay maiwanan ko rin lahat ng sakit na dinadala-dala ko sa'king dibdib. At sana kasabay ng paglipad ng eroplano ay ang paglaho ng nararamdaman ko para sa kaniya.
Hindi ko naman na siya makikita pa kapag umalis na ang eroplano, kaya panigurado akong malilimutan ko rin siya. Marami pa akong makikilalang iba lalo na't mag-iibang bansa ako, malilimutan ko rin siya. Hindi man wala ngayon ang lahat, I know someday it will.
Ayoko na rin ikulong ang sarili ko sa mga ala-alang hindi na maibabalik pa. Sa mga ala-ala na ako na lang ang nakatatanda. Ito rin ang mga naging dahilan kaya napagdesisyunan ko na umalis na lamang ng bansa. Siguro ay babalik na lamang ako kapag natiyak ko na okay na ako. Na kahit makita ko pa siya ay wala na akong mararamdaman pa para sa kaniya. Kahit ilang taon pa ang itagal ko sa abroad, hinding-hindi ako babalik hangga't hindi pa ako nakalilimot.
When the airplane flew, my tears started to fall. Damn, it hurts. Even though he didn't look for me, chase me, or stop me, I still want to come back there and hug him tight. I want to see him again. I miss him already. Fucking hell. I didn't even get a chance to see him one last time. I want to go back. Hindi pa man ako nakarating sa California ay gusto ko na agad bumalik para makita si Wyatt. Haa, damn it.
"Excuse me, are you okay?" The guy next to me asked.
I just nodded while my head remained bent.
"I have tissue here if you need it," the man offered.
"No," I shook my head. "I also have one with me. Thank you."
"Uh, okay?"
Damn. This is embarrassing. Para akong bata na umiyak dahil kailangan ko na pumasok ng eskwelahan ng ako lang mag-isa.
Pinunasan ko ang luha ko saka tumingin sa labas kung saan makikita ang mga ulap. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at pinigilan muling umiyak.
°°°°°
Wyatt's Point of View
"How are you doing these days?" Grandad asked.
Tahimik kaming kumakain ng umagahan nang magtanong siya. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya. Nalaman ko lamang na ako pala ang tinatanong niya nang lumingon ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya sa'kin at tila naghihintay ng isasagot ko.
Umayos ako ng upo saka sumagot, "Maayos naman po ako, Lolo."
"Where's your girlfriend?" Tanong niya bago sumubo ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Romance[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...
![Girlfriend? For Hire! [BL]](https://img.wattpad.com/cover/317225296-64-k441551.jpg)