Aiden's Point of View
Ako si Aiden at may crush ako sa aking childhood best friend— Wyatt. Ako ay nasa kwarto ngayon kasama siya at hindi ako makatulog. Bakit? Dahil yakap niya ako. Hindi ito ang unang beses na yakap niya ako habang natutulog kami pero parang ito ang unang beses. Siguro dahil katutuklas ko lang ng nararamdaman ko para sa kaniya. Nakatalikod ako sa kaniya habang yakap niya ako, ang kamay niya ay nasa loob ng damit ko. Hawak-hawak niya ang tiyan ko kung saan ko nararamdaman ang mga paru-parong nagpaparty sa tuwa. Ilang beses ko na sinubukan na tanggalin ang kamay niya ngunit binabalik at binabalik niya pa rin ito. Kaya naman sa huli ay sumuko na lamang ako.
Huminga ako ng malalim saka napagpasyahan ng matulog talaga. Pipilitin kong matulog kahit na ang puso ko ay parang lalabas na dahil sa lakas ng kabog nito. Dinaig ko pa ata ang may sakit sa puso. Haa, kailan ba patatahimikin ni Wyatt ang puso ko?
°°°°
Dinilat ko ang aking mata. Sobrang sakit ng mata ko na parang may mga batong maliliit sa loob. Kanino ba namang mata ang hindi sasakit kung pipilitin mong matulog, at kahit gustong-gusto mo na matulog ay hindi ka pa rin makatulog?
Oo, wala akong tulog! Hindi ako pinatulog ng kamay ni Wyatt sa loob ng damit ko. Damn it!
"Hmm~"
Tch. Hindi ako nakatulog kahit man lang iglip ay hindi ko nagawa, pero tignan mo kung gaano kasarap ang tulog ng lalaking katabi ko.
"Aiden..." Tawag niya sa pangalan ko. Lalo pang humigpit ang yakap niya sa'kin, sinandal niya ang noo niya sa'king likod at hinapit ako palapit sa kaniya.
"Eherm~" nagkunwari akong naglinis ng lalamunan. "Wyatt, umaga na. Gumising kana," sabi ko at hinawakan ang kamay niya na nasa tiyan ko. Tinanggal ko iyon ngunit binalik niya ulit. Napabuntong-hininga na lamang ako.
"Don't wanna~ matulog pa tayo, hmm? Hapon pa naman ang klase natin ngayong araw," tugon niya.
Muli akong napabuntong-hininga at hindi na sumagot pa. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Maliban sa ayaw niya akong pakawalan, gusto ko rin na makatabi at makasama pa siya ng matagal.
Base sa inaakto niya, panigurado akong hindi niya na naman naalala ang nangyari kagabi. Bumalik na ang dating Wyatt na nakilala ko, so, okay na ba kami ulit? Hindi niya na ba ako ulit lalayuan? Hindi na siya manlalamig sa'kin?
"Aiden?" Tawag niya sa'kin makalipas ng ilang minutong pananahimik.
"Hmm? Gising kana pala bakit hindi ka pa bumangon?" Tanong ko, "Nagugutom na ako," dagdag ko pa.
"Harap ka sa'kin, gusto ko makita ang mukha mo," bulong niya sa taenga ko.
Dahil sa ginawa niyang iyon ay tumayo lahat ng buhok ko sa'king katawan. Geez. Hindi na nga niya ako pinatulog pagkatapos ay pahihirapan pa niya akong huminga.
Natatakot akong humarap sa kaniya. Paano na lang kung biglang mamula ang mukha ko? Arg! Ang hirap pala magtago ng nararamdaman mo, lalo na kung ang best friend mo ang pinagtataguan mo.
"Nagugutom na ako, Wyatt, tara na," pag-iiba ko ng topic.
Akmang tatanggalin ko na ulit ang kamay niya na nakayakap sa'kin ay bigla nitong hinigpitan ang pagyakap sa'kin. Kung kanina ay mahigpit ngayon ay mas lalong humigpit. Parang lalabas na ang puso ko sa'king dibdib, tulong!
"Humarap ka muna," pagtapos niya sabihin 'yon ay kinagat niya ang balikat ko.
"Damn, it hurts!" Angal ko at agad na pinalo ang ulo niya.
BINABASA MO ANG
Girlfriend? For Hire! [BL]
Roman d'amour[BxB. Warning: Mature Content] Aiden and Wyatt have been best friends since they were kids. Wyatt's grandfather wished to see his girlfriend before he die, but the problem is Wyatt doesn't have one. And so, he thought of hiring a fake girlfriend. Si...